"Oh Sam nandito ka pala. Kanina ka pa?" bating tanong ni Jenny kay Sam ng makitang nasa bahay nila ang lalake. "Kararating ko lang." malamig na sagot ng lalake habang nakatuon ang tingin kay Gino. "Hello po Tita, Tito." bati ni Gino sa mga magulang ni Jenny n nag-aabang din sa pagdating ng dalaga. "Oh Gino iho. Ikaw pala ang kasama ng dalaga namin. Kailan pa ang dating mo dito?" tanong naman ng ina ng dalaga. "Kaninang umga lang po. Pa'no mauuna na ako Jenny?." baling niya kay Jenny. "Sige. Salamat sa oras huh? Nag-enjoy ako." pasasalamat naman ng dalaga. "Salamat din sa pagsama sa akin." sagot ni Gino sabay paalam din sa mga magulang ng dalaga. Nang makaalis si Gino ay agad din na nagpaalam si Sam. "Mauuna na rin ako Tito, Tita. Next time na tayo mag-usap Jenny." aniya. Sinadya n

