Nagmamadaling pumasok si Gino sa ospital. Excited siya na makita si Jenny at imbitahan siya na kumain sa labas kasama niya. He's smiling like an idiot, imagining he and Jenny out. "Knock! Knock!" ania habang papasok sa loob ng clinic ni Jenny. Nakabukas kasi ang pintuan nito. "Oh Gino!" gulat na wika ng dalaga at niyakap ang lalake. Nandito ka pala sa Laguna, ano kamusta ka na? Kailan k pa dumating?" sabay tanong niya. "Kakarating ko lang kaninang umaga." sagot naman ni Gino ng makawala siya sa yakap ng dalaga. "Oh ano pala pinunta mo dito? "Ah eh, pinuntahan ko si Steph kaso may lakad siya kaya dumiretso na ako sa 'yo. Mukhang may lakad ka naman ata?" aniya ng makitang nililigpit ni Jenny ang kanyang mga gamit. "Aaah oo. Nagyaya kasi si Sam na kumain sa labas kaya ito inagahan ko na

