Nakakalakad na si Gino kaya naman napagpasyahan na ni Jenny na bumalik na sa Laguna. Sinundo siya ni Sam sa bahay nina Gino na ikinaselos ng huli ngunit hindi niya pinaparamdam. Nang makarating si Jenny sa Laguna ay nakalimutan niya ang bilin ni Gino. "Sabi kong sabihan ako kapag nakauwina eh, eto maggagabi na wala man lang paramdam!" galit na bulong ni Gino habang pinamamasdan ang numero ni Jenny sa kanyang phone. Pagkuway pinindot na niya ang call button. Tatlong ring ng sumagot si Jenny. "Hello?" si Jenny sa kabilang linya. "Hindi ba't sabi ko sa 'yo na magsabi ka kapag nakarting na kayo?" bungad agad ni Gino sa isa na agad nitong ikinagulat. "Gino?" tanong pa ni Jenny. "Ako nga!" galit niyang sagot. "Naku! Pasensiya ka na Gino. Na-busy kasi ako kanina eh. Dito kasi nagtanghalian

