Araw ng alis ni Jenny sa bahay nila Gino. Sa halos tatlong buwan ay napalapit na din siya sa mga tao doon lalong lalo na sa mga magulang ng binata. Naging mabait ang mga ito, maalalahanin at maintindihin sa kanya kabaliktaran ni Gino na halos kunot ang noo sa bawat araw na nandoon siya. Malakas na din ang paa ni Gino na naopera noon at nakakalakad na rin itong mag-isa. "What if ipahatid na lang kita sa inyo?" ani Gino habang inilalabas ng dalaga ang mga gamit niya. "Naku, huwag na. Susunduin ako ni Sam ngayon kaya don't bother." sagot naman ni Jenny habang abala siya sa ginagawa. Biglang umasim ang mukha ni Gino ng marinig ang pangalang Sam ngunit hindi niya ipinahalata iyun kay Jenny. "Pupunta pala? Bakit ngayn mo lang sinabi?" tanong niya. "Huwag kang mag-alala, susunduin lang naman

