Kinabukasan ay kailngan ng umalis ni Steph sa pagbisita kina Gino. Halos buong magdamag silang nagkwentuhang tatlo nina Jenny. "Yung sinasabi ko sa 'yo huh? Kung type mo naman eh ligawan mo na." panlokong ngiting bulong ni Steph kay Gino. Nasa tabi lang nila si Jenny pero hindi niya narinig ang sinabi ng isa. Noon pa man ay boto na talaga itong si Steph sa dalawa. Hindi lang sa kaibigan niya ang mga ito kundi nakikita niya ang magandang samahan na mabubuo nila balang araw. "Ang dami mong alam. Sige na umalis ka na nga! Kung anu-ano na naman pinagsasabi mo." birong pagtaboy ni Gino sa kanya. Natatawang nagpaalam na si Steph sa mga magulang ng lalake, pati na rin kay Jenny. "Yung kasal ko huh, huwag ninyong kalimutan." pahabol pa ni Steph bago sumakay sa kanyang sasakyan. Nang makaalis

