Mirella POV...
naputol ang pag uusap namin ni Zita ng Dumating ang mga magulang ni Taro at Koji...
"Ma..."
"Mirella sya ngapala ang papa ni Taro at Koji"
"MAligaya akong makita ka na gising na at.... bumubuti pa.."
Sabi ng Papa nya
"Kakauwi nya lang din galing Abroad..."
paliwanag ni Mama
"Kaya naman po pala..."
nakangiti kong sabi sakanila...
"BAkit iha?"
Tanong ni Mama sakin...
"Kaya po pala hindi ko nakikita si Taro ngayon sinundo po pala nya kayo... nagtataka kasi ako nakikita ko sya lagi na nakatayo sa Kama ko... bagos ng nagising nako ng tuluyan hindi ko na sya nakikita... yun naman pala ang dahilan..."
lumapit si Koji kay Mama at Tito....Tumingin si Tito kay Koji.. at Umiling lang ito...nawala ang ngiti ko sa muka ko... may kakaiba.. bat malulungkot ang muka nya.....
"Nasaan napo pala si Taro hindi nyo po ba sya kasama?"
tanong ko ulit sakanila...pero nagtinginan lang si Mama at Tito...
"Excuse Me...Sir? maayos napo ang bintana sa Kwarto... ng Pasyente maaari napo kayong bumalik kailangan nadin po uminom ng gamot ang pasyente...."
sabi ng Nurse Kay Kuya.... kinakabahan ako...
"Ok sige... (sagot ni Kuya sa Nurse) Kung ok lang po sa inyo... dun napo tayo sa loob... mag usap- usap"
sabi naman ni Kuya sa Magulang ni Koji Taro..... si Zita ang nag tulak sa WheelChair ko... nag iba ang Ambiance sa paligid ko.... lahat sila tahimik miski si Zita.... matapos akong maihatid sa Kwarto nag paalam na si Zita sakin umakap muna sya sakin ganun din sila Tita Aira at Tito Troy umalis na sila... Bakit ganto ang pakiramdam ko..nasasaktan nako... kahit wala naman silang ginagawa...nakakaramdam ako ng sakit sa puso ko... umupo si Koji sa Sofa.... si Kuya nasa Tabi kolang nakaupo sa kasama samantalang ang magulang ni Koji nakaupo sa upuan malapit sa kama... matapos akong painumin ng gamot lumabas na ang Nurse......Tumutulo na ang luha ko...hindi ko ba alam kung nabibingi ba ako oh ayoko lang pakinggan ang sinasabi nila sakin.....
"iha...hindi namin kasama si Taro.. hindi nya ko sinundo"
yumuko ang tatay ni Taro at hinawakan ni Mama ang kamay nya....
"Mirella...si Taro patay na..."
gulat na gulat ako sa narinig ko...
"Pero imposible po yan andito sya kagabi...lagi nya ngako binabantayan..sa bintana nayan..dyan sya lagi nakatayo kaya imposible po yan"
sabay turo ko sa bintana... pero hinawakan ni Kuya ang kamay ko... at umiling sya.... bigla nalang tumulo ang luha ko... nanikip ang dibdib ko.... halos hindi ako makahinga....
"Pa-pano pano po ng yari yun"
tanong ko sakanila habang nakayuko ako.... hindi ko na mapigilan tuloy tuloy na ang luha sa mga mata ko...may inabot na Cellphone si Tita sakin...
"Nakita ko yan ng magayos ako ng gamit ni Taro...ang Password nyan pangalan mo... may note na iniwan si Taro sa cellphone nayan... ibigay daw sayo pag wala na sya"
umiyak ang mama ni Taro...maging ang Papa nila.....kalungkutan ang napuno sa buong kwarto... hindi ko muna binuksan ang Cellphone... hawak hawak ni kuya ang isa kong kamay... inakap ako ng mag asawa..... ni hindi ko na nagawang mag paalam sakanila ng umuwi na sila.... hindi ko magawa hindi ko matanggap... ang saya namin... na comatose lang ako...ngayong pag gising ko... malalaman ko isang taon na syang patay......napakasakit.....inakap ako ni Kuya
"Kuya!! imposible yun.... hindi ako iiwan ni Taro ng ganun ganun lang..."
naalala ko pa ng mga panahon na magkasama kami...bat hindi ko manlang napansin...kung napansin koman binalewala ko lang...... humagulgol nako... sa pagiyak wala anko pakialam kung pagtinginan kami ng mga nurse at pasyente na napapadaan sa Kwarto namin.... ang muka nya ang ngiti nya.... pagpaparamdam nya sakin...na lagi lang sya na sa tabi ko...ang tawa nya... ang boses nya pag nagagalit sya...pag inaasar nya ko... wala na lahat yun... wala na...
"Imposible yun kuya!!!!!"
sobrang sakit na ng nararamdaman ko hindi nako makahinga hindi ko na kaya... bigla nalang dumilim ang paningin ko....sumunod na ng yari hindi ko na alam...si Taro... nakikita ko ulit sya.... inakap nya ako... at umiiyak din sya...
"Ayoko nakikitang nahihirapan ka"
ang sabi nya sakin....bigla nalang ako nagising... madilim na... si Kuya nakatulog nadin.. wala pa si Kai...wala din si Koji... nakita ko ang Cellphone... nasa tabi ng kama ko nakapatong sa lamesa... naalala ko ang ng yari kanina.... oongapala.. pakiramdam ko nanghina ako...ayokong buksan ang Cellphone pero kusa nalang ito nagbukas....kaya kinuha ko... tinignan ko ang gallery nitopuro picture ko... picture naminng dalwa... muli nanaman tumulo ang luha ko pinipigilan kong marinig ni Kuya ang pag iyak ko... ayoko magising nanaman sya...tinignan ko ang Video file nya... wala namang kakaiba...puro video.. namin na pasaglit saglit lang ng mapansin kong may isa na pangalan ko ang naka file name... nag headset ako...at pinanood ang video...
"Una salahat... Hi Pinakamamahal ko.. na si Mirella anoba...nagtataka kaba kung bakit naka pang pasyenteng damit ako... sinugod ako nila mama at Koji... dito matapos kitang ihatid sa bahay nyo.. buti nalang nakasunod si Koji palagi sakin... bakit ako sinugod..ayokong sabihin ito sayo... malamang kung sakaling mapanood mo ito...wala na ako..."
lalo akong niyak sa napapanood ko kaya tinigil ko muna...hindi ko kaya... hindi ko alam kung kakayanin ko mapanood to ng buo...pero kusa nalang ito nag play...
"Stage 4 na ang cancer ko...umuwi ako ng pilipinas para makasama sila mama at Koji..nag pasya magpaiwan si papa sa ibang bansa para masuportahan ang panggagamot ko... pero hindi naman ako napapagaling ng gamot..napapahaba lang nito ng panandalian ang buhay ko...tinaningan nako na months lang ang itatagal ko sa mundong ito...kaya nawalan nako ng pag asa lagi ko inaaway si mama...hindi ako lumalabas ng bahay..ayoko makipag usap kahit kanino...mamamatay nako at ayoko may masaktan na iba bukod sa pamilya ko... pero nag iba ang lahat,,.. ng makilala kita.. umasa ako.. nabaka sakali mag kahimala at gumaling ako...dahil sayo gusto ko lagi magising sa tuwing natutulog ako... nagpapasalamat lagi ako sa Diyos dahil binigay kanya sakin.. naging maayos na ang pakikitungo ko kala mama at Koji..nagagawa ko na ang tumawa at ngumiti na hindi ko magawa dati... pakiramdam ko nga magaling nako..sa tuwing kasama kita..pero sa tuwing magkakahiwalay tayo..inaatake nako ng sakit ko... ng ma Hospital ka...akala ko mauuna kapa sakin...ang sakit pala... naisip ko... gantong sakit din kaya ang mararamdaman mo gustuhin ko man na samahan ka magdamag sa Hospital hindi pwede dahil sa Kondisyon ko.. idea ko ang huwag ipaalam sayo ang tungkol sa sakit ko... ayoko na kaawaan mo lang ako...mahalin mo lang dahil malapit nako mamatay... kaya huwag ka magalit kala mama at Koji...gustong gusto na nilang sabihin sayo akolang ang pumigil sakanila...alam ko naging Selfish ako ng mga panahon nayun,.. hindi ko na isip ano magiging epekto sayo..pag namatay nako... pero hindi naman ako nag kamali.. higit pa sa inaasahan ko.. ang pagmamahal na pinaramdam mo sakin... ginawa ko itong Video na ito kasi alam ko mahihirapan sila mama ipaliwanag sayo...kung bakit hindi nila sinabi sayo.... ang masasabi ko lang sayo... ang pinakamasayang araw ng buhay ko ay yung mga panahong nakilala at nakasama kita... mahal na mahal kita.... (Umiiyak si Taro) umaasa ako nasana hindi mo nalang ito matanggap dahil kung napapanood mo ito ibig sabihin nun...---------------------------------- (patuloy na pag iyak)
isalang mapapangako ko lagi kitang babantayan... hindi ako papayag na may manakit sayo...pag ng yari yun... dadating ako para kunin ka...balang araw magkakasama din tayong dalwa..... Mirella... Mahal na mahal kita"end ng Video
"Taro!!!"
mahina kong nasabi habang umiiyak... hawak ko ang dibdib ko...hindi ko alam gaani nako katagal umiiyak..hanggang sa wala ng luha ang lumalabas.. tumayo ako at lumabas ng kwarto saan ako pupunta hindi ko alam... ang pakiramdam ko.. manhid ang buong katawan ko... gusto ko lang maglakad...hanggang sa nakita ko ang isang babae na umiiyak habang akap nya ang isang wala ng buhay na katawan.....sumakit ang ulo ko........may naaalala ako....sa isang garden ako dinala ni Taro binuksan nya ang ilaw sa GreenHouse nila.... napakaraming bulaklak at napaka ganda....parang nasa ibang mundo ako ng mga oras nayun...
"Wow...may garden pala kayo? napaka ganda dito..."
mangha mangha ako sanakikita ko..
"mga halaman ko lahat ito"
sabi ni Taro sakin...
"oh talaga ngayon ko lang nalaman na.. Flowers lovers kapala... marami padapat akong malaman sayo"
nakangiti kong sabi sa kanya
"hanapin mo ang kakaiba salahat..."
"Bakit?"
ngumiti lang sya...pero sinimulan ko na tignan ang mga bulaklak at hanapin ang naiiba...ano kaya ibig nyang sabihin naiiba ang kulay na bulak lak oh naiibang uri... habang pinag mamasdan ko ang mga bulaklak...pero medyo gabi na kasi at liwanag nalang sa mga ilaw ang dahilaw kaya maliwanag dito...sa kalagitnaan ng pag hahanap ko
narinig kong may tumatawag sa pangalan ko...napalingon ako kay Taro sa pag aakalang tinatawag nya ko...bigla nalang nyako inakap...
"Mahal na mahal kita....lagi lang ako nasatabi mo"
inakap nya ko ng sobrang higpit...ng bigla nalang sya nawalan ng malay....
"Taro! Taro! gumising ka! Mama Tulong si Taro!"
ang sumunod noon...nasa Hospital nakami....
"Ma! Ma! Tulungan nyo kami..."sigaw ko habang akap akap ko sya iyak nako ng iyak kasi hindi sya nagising
"Ma..may sakit po ba sya..? bakit hindi na sya nagising...?"
sinugod kagad namin siya sa Hospital... wala parin tigil ang luha ko.. sinubukan pang irevive ng Doctor si Taro pero... umiling na ang Doctor... na kinagulat ko anong ibig nyang sabihin don
"Anong ibig nyong sabihin? imposible yang sinasabi nyo... kausap ko lang sya kanina"
sabi ko sakanila......pero bigla nalang ako inakap ni Mama...
"Patawarin mo kami... Kung hindi namin sinabi sayo...ayaw nya kasi malaman mo ang totoong kalagayan nya...akala namin magiging ok nasya...dahil naging masigla at masayahin sya ng nakilala kanya...pero... kahapon ng dinala kanya sa bahay kaya sya pumasok sa kwarto...dahil umatake na ang sakit nya... gustong gusto ko ng sabihin sayo... pero seryoso syang huwag ipaalam sayo... matapos kanyang ihatid... bigla nalang sya nawalan ng malay.. kaya na isugod namin sya sa Hospital...at yun din ang dahilan kung bakit hindi sya nakapasok sa School... kinausap ko si Koji na pumasok at baka sakaling pumunta ka sa bahay...hindi ka masyado mag aalala... kasalanan ko to.. hindi ko dapat sinunod ang gusto nya... pero.. gusto nyang ikaw ang makasama nya... sa huli ng buhay nya..."
"hindi ko po kayo maintindihan"
naguguluhan ako....kaya lumapit ako kay Taro..
"Bumangon kana dyan... hahanapin ko pa yung pinapahanap mo diba..."
hinawakan ko ang kamay nya medyo mainit pa ito
"Mainit pa ang kamay nya.. hindi sya patay tama... nawalan lang sya ng malay hindi ba Doc"
pero yumuko lang ang Doctor...
"Pasensya kana Miss... pero patay na sya...may Stage4 cancer na si Taro.. pinayagan ko syang umuwi ngayon para makasama nya ang mga mahal nya sa buhay sa huling araw ng buhay nya.."
"Hindi yan totoo...!!! Lahat kayo... nag sisinungaling sakin... hindi nya ko iiwan sinabi nya yun sakin kanina lang... nag mamakaawa ako Doctor... gumawa po kayo ng paraan"
lumuhod na ko... at nakiusap na irevive pa ulit si Taro baka nagkakamali lang sya.. pero itinayo lang ako ng Doctor...
"tama Hindi totoo ang ng yayari ngayon... nananaginip lang ako.. diba"
tumingin ako sakanila... pero iniwas lang nila ang tingin sakin... pinatakpan na ng Doctor sa Nurse ang katawan ni Taro ng Kumot habang si mama wala nading tigil sa kakaiyak...
"Huwag nyo syang Takpan buhay pa sya BUHAY SYA!!!!"
sigaw ko habang akap akap ko ang katawan ni Taro....wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga pasyente at ng ibang tao sa loob ng Hospital naramdaman kong may kumapit sa balikat ko pag lingon ko si Koji...
"Koji..tulungan mo ko... hindi pa sya patay...huwag mo hayaang kunin nila si Taro...pakiusap"
umiiyak nadin si Koji... at inakap nya ako ng mahigpit habang ang mga nurse kinuha na ang katawan ni Taro...
"Hindi!!! Taro....sabi mo hindi mo ko iiwan.... ano tong ng yayari"
hindi ko na kaya at humagugol nako ng iyak masakit sa dibdib pakiramdam ko wala ng hangin ang nadaloy sa baga ko........at nagdidilim na ang paningin ko...hindi ko na namalayang nakaupo napala ako.... ano na bang ng yayari....? ang luha ko wala ng tigil sa paglabas sa Mata ko...tumayo ako... hindi ko alam saan ako pupunta... pakiramdam ko may kailangan akong puntahan... namalayan ko nalang.. nasa gilid nako ng kalsada.. isang ilaw ang nakasilaw sa mga mata ko..tapos nun nakita ko nalang ang sarili ko na lumilipad ipinikit ko ang mata ko......
"Naaalala ko na ang lahat.."
nanlambot ang mga tuhod ko hindi ko alam kung kakayanin ko paba ang maglakad...babalik nasana ako sa Kuwarto ko ng makita ko si Taro...nakangiti sya sakin...
"Taro"
pero sa tuwing lalapitan ko sya... lumalayo sya....kaya pinilit ko parin syang sundan...
Art POV...
gabi na ng makarating ako sa Hospital....ang daming isinusugod sa ER... napansin ko ang isang babae naparang si Mirella kaya sinundan ko ito pero.. naharangan ako ng mga pasyente at ng mga bantay nito hindi kagad ako nakadaan... malayo na si Mirella ng makita ko...pinilit ko padin sya sundan...Emergency Exit? bakit duon sya pupunta....sinundan ko sya hanggang makarating ako sa nag iisang pintuan...pag bukas ko....nagulat ako sa nakita ko si Mirella...nasa gilid ng building at nakatayo...
"Mirella...!"
lumingon sya... ang mata nya lumuluha...
"Huwag pakiusap huwag mong ituloy yung binabalak mo...Mire... bumaba kana dyan mag aalala ang kuya mo"
hindi sya nag sasalita.. hindi ko alam ang gagawin ko kabadong kabado ako,, pano pag bila syang tumalo...dahan dahan akong lumapit sa kanya..biglang dumating si Kai...
"Art anong ginagawa------ Oh My Gosh Mirella bumaba kadyan Delikado dyan"
si Kai.. biglang dumating...
"Huwag kayong lalapit..."
humarap samin si Mirella at ngumiti habang umiiyak malakas ang hangin maaari syang ma out of balance at malaglag mula sa pinakataas ng Rooftop...
Koji POV...
sumama ako pauwi sa bahay..dahil may gusto ibigay si Papa sakin...
"Anak eto Cellphone... pinasa ko na dyan yung message sayo ni Taro...lahat tayo... binigyan nya ng Message at Meron din para sayo..nalimutan ko sya dalhin kaya..isinama kanamin muna umuwi..."
inabot ni papa ang Cellphone sakin...pumasok ako sa kwarto at sinimulan ko na panoorin ang Video ni Taro para sakin...
"Koji... sana mapatawad mo ako... hinidi ko sya kayang ibigay sayo...pero pag dumating ang time na wala nako... isalang ang pakiusap ko sayo.. huwag mong pababayaan si Mirella... ang tanging tao na pwede ko ipagkatiwala kay Mirella.. ay ikaw lang alam ko...na Mahal mo sya pero nagpaubaya ka para sakin at nagpapasalamat ako dun...napakasaya ko at hinayaan mo na mahalin ko sya... mag kamuka man tayo magkaiba naman tayo ng personality...napaka tiyaga mo... sa kanya samantalang ako... hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo... hindi kayang patagalin ang nararamdaman ko para sakanya kaya halos..minadali ko ang lahat... Mahal kita Koji si Mama si Papa mahal na mahal ko kayong lahat salamat sa mahabang pang unawa mo sakin...tinitiis mo ang sakit..para lang sa kaligayahan ko... kung sakaling napanood na ni Mirella ang Message ko sakanya puntahan mo sya kagad... at protektahan mo sya...sakin... sa Sobrang pagmamahal ko sakanya... gusto ko sya isama... ayoko may mangyaring masama sakanya pero ayoko ding mahiwalay sakanya... pagnapanood mo na ang Video na ito... huwag ka ng magdalawang isip mag pakilala sakanya alam ko..ikaw ang nag aasikaso sa kanya pag inaatake nako ng sakit ko.... naikukuwento nya sakin mga nagawa mo sakanya..dahil akala nya ako yun.. Salamat Koji..."
Matapos ko mapanood ang Video agad akong tumakbo palabas...ng bahay...sumakay kagad ako ng Bisekleta.. para mabilis akong makarating sa Hospital....pag pasok ko sa Kwarto.. wala si Mirella.. at tulog na tulog si Kuya Brion...
"Kuya?"
gising ko sakanya
"Oh Koji...kanina kapa?"
"Si Mirella po?"
"Andyan lang naka-- nasaan sya?"
cellphone nalang nakita namin sa higaan....sinubukan kong panoodin ang lastpart ng Video
"(Umiiyak si Taro) umaasa ako nasana hindi mo nalang ito matanggap dahil kung napapanood mo ito ibig sabihin nun...---------------------------------- (patuloy na pag iyak)
isalang mapapangako ko lagi kitang babantayan... hindi ako papayag na may manakit sayo...pag ng yari yun... dadating ako para kunin ka...balang araw magkakasama din tayong dalwa..... Mirella... Mahal na mahal kita"End ng Video.....
"Koji may idea kaba kung saan sya nag punta...?"
"Wala po..."
"O sige ganito maghiwalay tayo hanapin natin si Mirella"
agad kaming naghiwalay ni Kuya Brion sapaghahanap ko napansin ko si Kai na tumatakbo at pumasok sa Fire Exit....
"Tama sa Rooftop"
sinundan ko kung saan nag punta si Kai agad akong tumakbo pataas ng Hagdan....pag bukas ko ng huling pintuan nasa bingit ng Building si Mirella nakatayo...si Art at Kai naandito din sinusubukang pababain si Mirella sa delikadong posisyon nya....ang mga mata nya...halos wala ng Emosyon at puro luha nalang....
"Huwag kayong lalapit...."
sabi nya sadalwa...ngumiti sya...
"Patawarin nyo ko sasama nako kay Taro"
tatalikod na sana sya... kailangan ko na gawin ito....
"Mirella..."
napigilan ko pagtalikod nya ng mapatingin sya sakin....tinanggal ko sa harapan nya ang Facemask na laging nakatakip sa muka ko....
Mirella POV...
"Mirella!"
isang pamilyar na boses pa ang tumawag sa pangalan ko...na syang pumigil sakin tumalikod...napatingin ako sa pinaggalingan ng Boses at nakita ko si Koji....... lumalapit nasya..... tinanggal na nya ang facemask nya.... hindi ako makapaniwala sa nakikita ko napahawak ako sa bibig ko at lalo pang tumulo ng tumulo ang luha ko....
"Pakiusap bumaba kana dyan...wag mo kami iwan.."
inabot nya ang kamay nya sakin hindi kona namalayang nakalapit na sya sakin....hindi maaari si Taro ba itong nasa harapan ko.. sinubukan kong abutin ang kamay nya...
"Taro?"
sabi ko pero bago ko pa mahawakan ang kamay nya...naramdaman kong may umakap sakin mula sa likuran ko...napalingon ako sa likod ko...si Taro....
"Mali...si Koji yan ako si Taro"
nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyako hilain...papalayo sa building pumikit ako...inaantay ko nalang namahulog ako...pero..
Koji POV...
sinubukan kong iaabot ang kamay ko sakanya... bago nya pa magawang maabot ang kamay ko... dalwang kamay ang napansin naming umaakap sakanya mula sa likod nya...at ng ipakita nito ang muka nya...nagulat kaming tatlo si Taro iyon..may binulong sya kay Mirella bago nya ito hinila papalayo samin.. agad akong nagmadali mahawakan ang kamay nya.....maging si Art... ay nagawa ding mahawakan ang kamay ni Mirella...
"Mirella!"
sigaw namin ni Art... panandaliang nawalan ng malay si Mirella....tumulong nadin si Kai.. sa pag angat kay Mirella...ng magawa naming ialis sa gilid ng building si Mirella...... nakangiting bigla nalang naglaho si Taro... binuhat na ni Kai si Mirella...pabalik sa kwarto... sumunod na kami...kay Kai....nag mamadaling lumapit si Kuya Brion kay Kai at kinuha..si Mirella.. agad na inasikaso ng mga nurse si Mirella... hindi kami makapaniwala sa nakita namin.. nakaupo kami ngayon sa upuan at hindi kami makapgsalita....hanggang sa lumapit si Kuya Brion samin...
"Ano bang ng Yari? at ganyan kayo si Mirella saan nyo nakita...?"
nagkatinginan kaming tatlo... at ikinuwento namin ang ngyari.....mahirap paniwalaan pero... totoong ng yari iyon.... napayuko nalang si Kuya Brion at tinitigan si Mirella...
"Maraming salamat sa inyong tatlo kung wala kayo... baka wala nasatin si Mirella"
Mirella Dreams..........
si Taro nakangiti sakin....
"Satingin ko... kailangan ko ng umalis...."
"Pero Taro - "
hinalikan pako ni Taro sa labi ko....at inakap
"Mahal kita"
"Mahal din kita"
napaiyak ako....unti unti na syang nawawala sa paningin ko.... nakangiti sya habang nag papaalam sakin.....habang walang tigil ang pag luha ko..... hanggang sa nagising nako....wala parin akong tigil sa pag iyak.....bumangon ako....pagod na pagod na ang pakiramdam ko...pero hindi ko mapigilan ang lumuha....
"Oh uminom ka ng tubig"
si Art... lalo ako napaiyak ng makita ko sya...
"Art?"
bigla ko syang inakap...at umiyak lang ako ng umiyak.. habang nakaakap ako sakanya....hinimas himas nya ang likod ko hindi sya nagsasalita...
Art POV...
binaba ko sa lamesa ang isang basong tubig na hawak ko... at hinimas himas ko ang likod nya....sinusubukan ko sya pakalmahin... pero hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya... nasasaktan akong makita syang ganito... kaya inakap ko nalang sya...at hinayaang umiyak....
"Bakit ngayon kalang?"
bahagyang lumayo sya sakin at hinampas nya ko sa dibdib ko.... habang umiiyak....
"Pasensya kana"
wala akong pwede idahilan sakanya... kaya inakap ko ulit sya...hindi ko na namalayang tumutulo napala ang luha ko.....
"Wala na sya!!!"
sabi nya habang patuloy sya sa pag iyak... hindi ko na alam kung gaano nakatagal syang umiiyak ng umiiyak... sya na mismo ang umalis sa pagkakayakap ko.... pinunasan nya ang luha nya..... naningkit na ang mata nya.. kakaiyak... humihinga sya ng malalim at sinusubukan nyading pakalmahin ang sarili nya....kaya inabot ko na sakanya ang tubig... para makatulong din sa pag kalma nya kahit papano...matapos nyang inumin yun... nakatulala nalang sya.... pinagmasdan ko sya... ang buhok nya na hanggang balikat lang ngayon hanggang bewang nya na... ang laki na ng pinayat nya.... at nawala na ang ngiti na palagi kong nakikita pag nakikita ko sya.... puro luha nalang ang nakikita ko samata nya...kalungkutan ang Sakit na nararamdaman nya... Nararamdaman ko... sinubukan kong ayusin ang buhok nya na halos... matakpan na ang muka nya.... tumingin sya sakin na may mga luha nanamang babagsak sa mata nya.........hinawakan ko ang muka nya at nginitian ko sya... sinusubukan man nya pero himbis na ngiti umiyak lang sya....hindi ko na ngawa pang pigilan ang sarili ko.... unti unti kong nilapit ang muka ko sakanya at hinalikan ko sya sa labi nya..... unti unti nako lumayo sakanya...gulat na gulat ang itsura nya....ang naniningkit nyang mata ngayon ay nanlalaki na...
"ba-bakit mo-"
sabi nya habang hawak nya ang labi nya....tinitigan ko sya alam kong namumula na... ang muka ko sa ginawa ko ang tagal ko nadin gusto sabihin sakanya ito... at nagdesisyon ako na one na magising nasya aaminin ko na ang nararamdaman ko sakanya....
"Mahal kita"
matapos kong sabihin sakanya... iyon...yumuko sya at tinakpan nya ng dalawa nyang kamay ang muka nya at lalo syang umiiyak... hindi ko dapat ginawa iyon pero hindi ko na nagawang mapigilan ang sarili ko sobrang tagal ko na inantay ang pagkakataon nato...wrong timing pa ata....napahawak nalang ako sa Noo ko ng biglang mag ring ang Cellphone ko pagtingin ko si Trish ang natawag.... hindi ko ito sinasagot.. at pinatay ko lang ulit... tumayo ako...
"sa labas lang ako"
paalam ko sakanya....lalabas muna ako ng kwarto at uupo sana ako sa upuan sa tabi lang ng pintuan...pag labas ko nakita ko si Trish nakatayo..sa tapat ng pintuan....
"Anong ginagawa mo dito.."
"Huwag ka magagalit pero kasi..sinundan kita"
"Umuwi kana..."
"Ahmm sino sya? sya ba ang Girlfriend mo"
hindi ko sya sinagot...
"Pasensya na pero hindi ko kasi sinasadyang makita na halikan mo sya..."
dugtong nya sa sinabi ko...
"sya ang nagiisang babae na minamahal ko kaya.. buti pa umalis kana at simula ngayon tigilan mo nako...kahit anong gawin mo.. hindi mo makukuha ang puso ko"
"ang sakit mo naman mag salita....nasaktan ako dun.. so Girlfriend mo nga sya... ay oongapala Hindi narinig ko sa mga Nurse...na patay na ang Boyfriend nya at ngayon nyalang nalaman yun matapos ang isang taon na tulog sya..kaya yang nararamdaman mo sakanya ay Onesided lang tama...may pag asa pako"
"Hindi mo ba ko narinig...umalis kana..alam kong ikaw ang pumapatay ng Cellphone ko... huwag na huwag mong pakikialaman ang gamit ko.."
"Ginawa kolang naman iyon kasi...gusto kong makasama ka ng walang umiistorbo sayo...sana naman maintindihan mo... na Mahal kita"
"Sana din maintindihan mo na Hindi kita Mahal!"
pumasok nako ulit sa loob ng Kwarto...at nakita kong umalis na sya.....Art Throwback...tumawag so Koji at sinabing nasa Hospital si Mirella kaya naman hindi nakami nag dalawang isip ni Zita na puntahan sya sa Hospital.... si Koji nasa labas ng operating room at ang mama nya...
"Sino inooperahan si Taro...ba? nasaan si Mirella...?"
lumapit sakin si Koji at sinabing patay na si Taro dahil may Stage4 Cancer daw ito...naging dahilan kung bakit nawala sa sarili si Mirella at naglakad palabas ng Hospital.. kaya ng yari ang aksidente...nabangga si Mirella at ngayon ay inooperahan na sya... pagdating namin.. nag paalam muna si Koji at ang mama nya dahil aasikasuhin pa nila ang magiging burol ni Taro...
"Mire"
iyak ni Zita nanlambot ang mga tuhod nya...at napaupo sa sahig...kinakabahan kaming dalwa... labas pasok ang nurse sa operating room may dala dalang bag ng dugo... hindi ko mapigilan pero nangangatog na pati mga kamay ko...maya maya pa.. dumating na sila mama at papa kasama si Kai.... napaakap si Zita kay mama habang umiiyak...samantalang ako....
"Anong ngyari?"
tanong ni Papa sakin...tinakpan ko ang dalwa kong kamay... ng muka ko at umiyak nadin...nakahiya man pero hindi ko na kaya pigilan pa ang luha ko lumabas maya maya lang lumabas na ang Doctor na syang nag oopera kay Mirella... hindi ko man narinig.. ang pinag uusapan nila.. nakita ko si Mama... napakapit kay papa.. at umiiyak nadin...
"Hindi hindi maaari...!!"
gulat na gulat ako sa mga reaksyon nila... hindi hindi maaaring patay na sya.. ni hindi ko pa nasasabi sakanya kung gaano ko sya kamahal imposible...
"Mirella hindi maaari...hindi ko pa sayo na sasabi"
lumapit na si Zita kay Mama at nag akapan silang dalwa...
"Pakiusap kung naririnig mo ako...huwag mo po muna kunin si Mirella samin..."
dasal ko....habang umiiyak...ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko....pag lingon ko si Kai nakangiti...
"Ligtas na sa panganib si Mirella...."
maya maya pa nilalabas na ng operating room si Mirella... agad akong napalapit pinagmamasdan ang kalagayan nya....sa isang private room dinala si Mirella..at si Kai.. lahat ang nagasikaso.. si Mama at papa naman ay umuwi muna para asikasuhin ang gamit ni Mirella...habang si Kai.. ay bumalik muna sa Cafe nila para isara nayun ng maaga...habang nakaupo ako sa tabi ng kama.. ni Mirella lumapit sakin si Zita....
"hindi pa malaman kung kelan magigising si Mirella maaaring ilang araw, linggo o buwan pa..maaaring taon pa o maaaring hindi na...yun ang sabi ng Doctor...ano bang nagawa ni Mirella at kailangan mang yari sakanya ito"
naiiyak ulit si Zita...
"naging maayos naman ang operasyon nya... kaya magiging ok din sya...."
"Maykailangan akong sabihin sayo...nangako ako kay Mirella... na hindi ko sasabihin sayo pero...pano kung hindi na sya magising.. hindi mo na malalaman"
napatingin ako kay Zita...
"Ano yon?"
"naalala mo ba ng unang dating ni Zita sa Lugar natin.... naging Close kagad kami...dahil napaka saya nyang kasama kahit palagi syang nagkakamai.. isang beses nun"
nag simula ng mag kwento si Zita