Chapter 11

4219 Words
Zita and Mirella Childhood Memory...  hinahanap ko si Mirella... at nakita ko syang nakangiti habang nakatingin sayo ng hindi mo namamalayan... "Andyan kalang pala kanina pakita hinahanap" namumulang humarap sakin si Mirella "Ano ba kasing tinitignan mo dyan.." "Wala yun...." pigil sakin ni Mirella... "Oh si Art..." ng time nayun mag isa kang naglalaro ng Volleyball...tatawagin sana kita.... kaso... pinigilan ako ni Mirella kaya... natumba kami pareho... kahit natumba kami pareho pinipigilan naman nya ako tumayo.... "Ano ba kasing ginagawa nyo dyan...?" sabi ni Art papalapit kana nun samin...kaya agad kaming tumayo... "Kasi itong si Mirella kanina kapa pinapanood mag laro ng VolleyBall gusto ata makipag laro sayo kaso.. masungit ka kasi kaya natatakot sya lumapit sayo" paliwanag ni... Zita habang naka pamewang pa... tumawa si Art... "gusto mo ba mag laro..." inabot ni Art ang bola kay Mirella... namumula at tuwang tuwa si Mirella ngiting ngti sya...napatitig nun si Art kay Mirella...kinuha naman ng batang Mirella ang Bola... "Bat ka namumula dyan?" puna ni Zita.... "Dali na dali na mag laro na tayo" tumatakbo na si Mirella...habang hawak ang bola... "Mag iingat ka" pero bago pa masabi ni Art yun nadapa na si Mirella...Araw ng Aksidente sa kwarto ni Mirella sa hospital "Napakasaya natin nun... natamaan mo panga sa muka si Mirella ng Bola....kasi hindi nya alam pano nya tatamaan iyon... nung time nayun hindi ko alam na... yun yung unang beses na sinabi nyang nagkagusto sya sayo...... bago pakami" nagulat ako sa sinabi ni Zita.....habang patuloy padin sya sa pagkukuwento... "naalala mo ba ng umuwi syang mag isa at hindi manlang nya tayo inantay..." "oo sabi nya masama daw yung tiyan nya at hindi na nya kayang pigilan" natawa ako ng maalala ko yun... "hindi iyon ang totong ng yari? sinabi nya lang iyon para hindi kana mag usisa..." nagulat ako sa sinabi nya...hinawakan nya ang kamay ni Mirella..at nagpatuloy sya sa pagkwento Zita and Mirella Grade8 life... "Mire...!! nasaan kaba?" pagpasok ko ng Kwarto...nakataklubong sya ng kumot... "Masama ba pakiramdam mo?" tanong ko sakanya... "Ahh m-m-medyo" hinila ko yung kumot nakataklubong sakanya..at nakita ko syang umiiyak..... "Anong ng yari bakit ka umiiyak?" "Si Art kasi -" "Si Art anong ginawa ng mokong nayun manda sya sakin" aalis na sana ako para komprontahin si Art pero pinigilan nya ako.... "Nakita ko sya may kasama syang babae... magkahawak sila ng kamay ata inakap pa sya nito....." at lalo pa syang umiyak habang nakaakap sakin.....natawa ako.... "Yun lang ba? wala yun" "Malaking problema yun Zita...masakit yun dito"sabay turo nya sa puso nya.... "at saka dito saka dito saka dito" kung ano anong parte na ang tinuturo nyang masakit..... "Huwag mo nga pag aksayahin ng panahon ang lalaki na iyon..madami talagang naaligid na babae sa kanya kasi isa syang atleta...mas magaganda at seksi... ikaw kasi...bilang kaibigan nag sasabilang ako ng totoo sayo...." "Zita!!!!" lalo syang umiyak....at nawalan ng pag asa... "Alam mo balang araw.... makakahanap ka ng mas higit sakanya.. yung hindi kasasaktan tulad ng ginagawa nya ngayon sa iyo..." lalabas na sana ako pero pinigilan nya ulit ako... "Saglit lang bat ba palabas na palabas kana?" "Kasi mag papalit muna ako sa bahay ng Damit..." "Zita ipangako mo hindi mo sasabihin kay Art ito...huwag mo na sabihin at susubukan ko na pigilan tong nararamdaman ko..." tumanog ako sa kanya bago ako lumabas ng kwarto nya ni lock ko ang bahay nya bago ako lumabasAraw ng Aksidente sa kwarto ni Mirella sa hospital "pero matapos ako makapangako sakanya...nung araw ding iyon sinabi mo sakin na gusto mo sya... nag mamadali ka papunta sa bahay nya nung time nayun...dahil aaminin mo na sana kaso ng oras nayun..hindi sya handang humarap sayo kasi... namumula pa ang mata nya sa kakaiyak madali mo kagad mahahalata ng umiiyak sya at mag tatanong ka kung bakit... kaya sinabi nya sayo nasa CR sya at masama ang Tiyan nya... dinalan mo pasya ng pagkain nun at ang sabi mo panga sakin hindi sya natayo ng higaan.. may practice kanun kaya ang sabi mo bantayan ko muna sya baka madehydrate sya kailangan nya madala sa Hospital at sinabi mo pa sakin na huwag kong sasabihin sakanya ang sinabi mo sakin na gusto mo sya sabi mo ikaw na ang bahalang magsabi sakanya..kaya kahit alam ko.. wala akong sinasabi sanyong dalwa.. Bestfriend ko si Mirella at Pinsan kita" "B-b-bakit mo sakin sinasabi ngayon yan?" "Kasi kung hindi kalang naging duwag at nung una palang sinabi mo na sakanya na gusto mo sya hindi nya na sana makikilala si Taro... at hindi sya masaskatan ng Ganito... hindi mo sya makikitang nakahiga sa kama nayan at walang malay...ni Hindi ko alam kung mabubuhay pasya..hindi ko alam kung gaano sya katagal... na nakahiga dyan.... hindi ko kaya makita si Mirella na ganyan kaya sinasabi ko na sayo? bakit kasi ng gabing iyon.. hindi mo pa tinuloy ang dapat mong sabihin..." napatingin ako kay Zita....ng gabing iyon... "ibig mong sabihin..." "OO gising ako sinadya ko na huwag kang pagbuksan at nagtulogtulugan ako... pero naduwag kapadin at hindi mo padin sinabi sakanya...." napatingin ako... kay Mirella... at umiyak uli habang nakasubsob ang muka ko sa mga braso nya....kasalanan ko kung bakit ng yari ito kung meron lang ako ng lakas ng loob tulad ni Taro.. hindi sana mang yayari ito... pinanghinaan nako ng loob ng patunayan ni Taro... na mas mahal nya si Mirella kesa sa mas mahal sya nito... nakita kong masaya si Mirella sakanya kaya.. nag paubaya nako.. makita ko lang sya masaya masaya na ako...... araw ng libing ni Taro...nakipag libing kami ni Zita at nakiramay sakanila.....matapos ang araw na iyon...nakikita ko na si Koji sa Hospital... nagulat ako ng tanggalin nya ang Facemask nya...dahil magkamukang magkamuka sila ni Taro..nabanggit nya na itinigil nya ang pagpasok sa School para bantayan nyalang si Mirella.. nalaman ko din na...sya pala ang laging nagbibigay kay Mirella ng Gatas..araw araw...tulad ko natalo din sya ng kapatid nya...wala din syang lakas ng loob..mag pakilala kay Mirella.. at pinag mamasdan nyanalang ito sa malayo... "hindi nako mag papaubaya" sabi ko sakanya....ngumiti sya... "May the best man win" alam kong mapagkakatiwalaan sya habang wala ako..sya ang nagbabantay at ang mama nya ang nagaasikaso kay Mirella.... paminsan minsan si Mama naman ang napunta para mag asikaso kay Mirella...araw araw akong napunta pagkagaling sa School... pagwalang pasok dun nako sa Hospital natutulog nag babakasakali kaming magising nasya... lumipas na ang maraming buwan Grumaduate nako...pero hindi parin sya nagigising nagpasya ang magulang ko na ipasok ako sa Kolehiyo.. simula nag College ako hindi nako nakakapunta ng Hospital araw araw pero palagi akong natawag kay Koji at kinakamusta ko ang kalagayan nya...pag hindi busy at wala ng gagawin umuuwi ako...kahit konting time lang mailaan ko sakanya.. sinusubukan kong mag pakatatag sa tuwing nakikita ko ang kalagayan nya..ni Minsan hindi sumagi sa isip ko ang sumuko na...naniniwala ako na magigising din sya...mag antay lang kami..... Present Time... pagpasok ko ng kwarto nakita ko na nakahiga na si Mirella....umupo ako sa tabi ng kama nya... "Nagugutom ako...sobrang sakit na ng sikmura ko" sabi nya habang natatakpan ng mga braso nya ang mata nya...kaya pala nakahiga na sya...tama hindi pa sya naghahapunan matapos ang pangyayari kanina....agad akong nagasikaso ng kakainin nya....... "Kanina.. yung babae?" natigilan ako...at lumingon sakanya...nakayuko lang sya...habang nakasandal sa unan nya...nilagay ko...na ang pagkain sa harapan nya... "Narinig mo ba kami?" tumango lang sya...habang sinusubukan nyang isubo ang pagkain... "kaklase ko sya ngayong college" tumingin sya sakin... "hindi mo lang sya kaklase ng College....may mga alaala ako na bumabalik... ng makita ko kayong dalwa...ala ala nasana hindi ko nalang naaalala ulit" inalis na nya ang tingin nya sakin..at nakatingin nalang sya sa kumot nya mga nakailang subo lang sya ng prutas na hinanda ko.....at umiling na sya... matapos nya na masabi yun naalala ko ang kinuwento ni Zita....na may nakita syang babae na hawak hawak ang kamay ko at bigla nalang umakap sakin...ang babae nayun.. ay si Trish...naalala na nya ulit.. bumabalik na ang alaala nya..na nakasakit sakanya....isapala ako sa mga taong yun.....matapos nya kumain humiga na ulit sya at hindi na nagsalita pa.... "Mirella... patawarin mo ko.. kung nasabi ko na sayo ng mas maaga ang nararamdaman ko hindi nasana ng yari ang lahat ng ito" mahina kong sabi sakanya.... humarap sya sakin.... "huwag mong sisihin ang sarili mo patawarin mo din ako.. desisyon ko na baliwalain ang nararamdaman ko sayo dati... Kaya ng maramdaman ko ang pagmamahal na binibigay ni Taro sakin...hindi nako bumitaw...at ibinuhos ko lahat sakanya ang pagmamahal na hindi ko nagawang iparamdam sayo... kaya patawarin modin ako" hinawakan nya ang kamay ko.....at pumikit na sya....hinawakan ko ang muka nya.... at hinalikan ko sya sa noo nya.... nakatulog na sya.....ang kamay nya hindi na kasing init ng Kamay nya dati.... Koji POV... nagdesisyon kami nila Kuya Brian at Kai na pumunta samin at ipaalam kay mama at papa ang ng yari.... ikinuwento namin sakanila.. lahat... gulat na gulat sila... at napaiyak si Mama.. habang pinapakalma sya ni Papa... umalis na si Kuya Brion at Kai... ipinasok na ni Papa si mama sa kwarto at lumabas na sya... "Ok lang ba... na hindi ka pupunta ng Hospital maaaring hanapin ka ni Mirella?" yumuko ako... "hindi ko alam kung magagawa ko papa....na makita nyako..." "Iniisip mo ba na maalala nyalang si Taro sayo....at masasaktan mo sya? ngayon kapaba susuko kung kelan napakita mo na kung sino ka talaga... gabi gabi nag uusap kami ni Taro... at na kwento nya nga sakin na iisang babae lang daw ang minamahal nyong dalwa... umiiyak sya at nag papasalamat na hinayaan mo sya maging masaya sa mga huling araw nya dito... hindi nya yun masabi sayo kasi nahihiya sya... pakiramdam nya kasi inagaw nya sayo ang tanging nagpapaligaya sayo... lahat na kasi ipinaubaya mo sakanya...salahat ng bagay at ginagawa mo inuuna mo lagi ang kaligayahan nya..kaya miski ang natitirang nagpapasaya sayo pinaubaya mo pa sa kapatid mo..maging masaya lang sya" "Papa!" "Satingin ko... Hindi nya magugustuhan na Pabayaan mo ang pinakamahalaga sayo.. alam mo anak mana ka kasi sakin eh kaya nga nauunawaan kita"sabay tawa ni Papa... "Ang mama mo walang hinangad kundi ang sumaya kadin tulad ng ginagawa mo kay Taro...mas nag aalala nga sya sayo kesa kay Taro...sa tuwing nag kukuwento si Taro kung gaano sya kasaya kasama si Mirella... alam nyang nasasaktan ka sa ginagawa ni Taro pero tinitiis mo lang iyon...." dugtong nya...sabay hampas nya salikod ko.. "Ano kaba maging lalaking lalaki ka..kaya siguro pilit na isinasama ni Taro si Mirella kasi nakikita nyang wala kang ginagawa... gusto rin naman ng kapatid mo na maging masaya ka... Kung kukunin nya si Mirella sayo... malamang gagawa ka ng paraan para hindi mangyari yun... matatahimik lang ang kapatid mo kapag nakita nyang masaya ka...at babaeng minamahal nya... yun ay opinyon ko lang sa totoo lang mahirap maniwala sa mga multo multo..pero sa kaso nyo... tatlo kayong nakakita sa pangyayari kaya pinaniniwalaan ko kayo... Teka nga ikaw ba ay kumain na...? namamayat kana... saglit lang ipag hahanda kita" naalala ko hindi ngapala marunong mag luto si papa.... "Naku pa wag na ako nalang.." "Wala kabang tiwala sa Papa mo...ngayong gabi...pagkakain mo mag pahinga kana...mukang maykailangan tayong... gawin bukas... bago ka pumunta ng Hospital tigilan mo na pag suot mo ng facemask huh...ipakilala mo na kung sino ka..."si papa nakikipag usap sakin habang nag luluto kaya ayan tuloy na sunog ang Hotdog na niluluto nya... "Papa.. Hotdog na ngalang niluluto nyo nasunog nyo pa..." "Pasensya kana anak perfect ko na ito... eh wait lang uulitin ko na ulit..." "wag na kakainin ko nayan..." naglagay na si Papa ng kanin sa Plato ko.... "Magkamuka nga kayo pero magkaibang magkaiba kayo kasi kung si Taro yan... sinigawan nako at pinaulit ang pagluluto kaya mas pinili nyang umuwi dito sa pilipinas kesa mag tigil kasama ako" tumahimik si Papa... "Eh kasi naman papa puro sunog naman kasi ipinapakain mo sakanya....ma mimiss nya talaga ang luto ni Mama.." parehas kaming napatahimik... isang taon na simula namatay si Taro....Maysakit parin kaming nararamdaman...sa tuwing napaguusapan namin sya..... "Salamat Papa.." bigla nalang umiyak si Papa... "Ngayon ko lang narinig sayo ang Salamat naiiyak tuloy ako...ang laki talaga ng ipinag bago nyo simula nakilala nyo si Mirella ang kapatid mo ikaw... parehas kayo nag bago Malaking magandang pag babago.... Si Taro pag maypasalubong ako sakanya puro reklamo at nagagalit pa pag hindi nya nagustuhan ang binigay ko pero ng maging Girlfriend nya si Mirella kahit konting bagay lang ang masabi ko sakanya o maibigay nagpapasalamat na sya at nag i i love you...ikaw naman sa tuwing binibigyan kita ng Pasalubong kukunin mo lang hindi kana mag sasalita at papasok kana sa Kwarto mo mag mumukmok... ngayon... nagagawa nakitang makausap ng ikaw lang nagawa nadin kitang ipagluto at nagawa mo nadin magpasalamat...." "Pa.. huwag kanga mag drama... magpakalalaki ka kaya...gusto mo bang magsabi din ako sayo ng i Love you.... I Love you papa..." lalo syang umiyak at natawa naman ako kay papa tama naman sya... hindi naman ako basta basta nakikipag usap sakanya..dahil nga mas matagal nya nakakasama si Taro kesa sakin kaya malayo ang loob ko sakanya...naiiwan ako dito sa pilipinas habang silang lahat nasa Abroad...yaya lang ang kasama ko...pero ng magbinata na ako...akonalang mag isa... pero ok lang naman sakin...kasi ng mga panahon nayun... nakilala ko na si Mirella hindi ako umuuwi hanggat nakikita kong bukas ang ilaw ng Kwarto nya... matapos nun nakilala ko naman si Kai..na una ay naging kaaway ko hanggang sa naging kaibigan ko na... kaya siguro nagawa kong.. tumagal kahit mag isa lang.... matapos ang kumain... natulog na kami.. kinaumagahan.. pumunta kami sa paranormal Expert...sa totoo lang hindi ko na nagawang pumunta pa ng Hospital... kailangan naming gumawa ng paraan para hindi na maulit ang nga yari kay Mirella sa Hospital....Sinunugnamin ang maaaring pinagkukuhanan ng lakas ni Taro.. kaya nagagawa nyang... manakot at makapanakit tulad sa ng yari kala Mayumi at sa mga kasama nya...at kay Mirella... "May isang bagay pa.. na hindi nyo nasusunog... isang tao lang ang makakaalam nun..." nagkatinginan kami nila mama at papa ano ang bagay na iyon alam ko yun lang ang mga importanteng bagay sakanya... lahat ng bagay na may connection sakanila ni Mirella yun lang naman ang mga bagay na importante sakanya... ano pa kaya....?sa pag hahanap namin sa bagay na iyon.... hindi ko na namalayan..ilang araw napala ang lumipas... bago ko naalala ang Garden ni Taro... "Anal aalis na muna kami...tetext nalang kita.. kung nasaan kami gusto ko sumunod ka huh!" pagkaalis ni Mama at Papa agad akong pumunta sa Garden... Sasasakyan... "Hindi mo paba sasabihin sakanya ngayon?" Tanong ni Timothy ang tatay nila Taro at Koji "Hindi... gusto ko sya isupresa ilang araw nadin sya hindi nakakapunta ng Hospital alam kong mahirap sakanya yun pero mas ayaw nyang mapakamak si Mirella kaya... hindi sya tumitigil hanapin yung nag iisang bagay na nag kokonekta kay Taro at Mirella..." "Mahal...hindi ako makapaniwala mas kilala mo patalaga si Koji kesa sakin" "Abay syempre nanay nya ako...hindi lang naman sayo nag mana ang bata nayan.. may pinagmanahan din sya sakin.. isapa nag iisa nalang sya..kung ano magpapasaya sakanya kailangan natin syang suportahan...isa pa yung bagay na hinahanap nya ay hindi isa talaga yung regalo" "Anong ibig mong sabihin...? pero yun ang sabi nig Paranormal" "Hindi nyo naunawaan... pag labas nyo kinausap nya ako" Paranormal...House "Mrs.. may kailangan akong sabihin sa iyo... inantay ko talaga na makaalis ang asawa nyo at anak nyo dahil yun ang sabi sakin ni Taro" "Andito ngayon ang anak ko..." tumango ang paranormal.... hahayaan ko syang sumanib sakin para magkausap kayong dalwa...nag iba na ang ikinikilos ng Paranormal...maya maya lang... "Mama!" nagulat ako...boses ni Taro yun...nakasanib nasya sa Paranormal Expert...napaiyak ako....muka na nya ang nakikita ko... "Anak!" "Mama huwag napo kayong umiyak....may kailangan pako sabihin sa inyo... ang bagay na nasa garden ko ay hindi ang naguugnay samin ni Mirella.. nung Time nayun nag pasya nako na...ipaubaya kay Koji si Mirella... nakita ko kasi kung gaano nya kamahal si Mirellla... nagawa nyang ipaubaya at ipagkatiwala sakin si Mirella...Karapatan din nyang sumaya... patawarin nyo ko kasi nagawa ko ang bagay nayun kay Mirella... pero ng makita kong ipinakita na nya ang muka nya kay Mirella naniniwala akong gagawin nya lahat ang paraan para.. hindi kona maulit iyon... si Koji kasi napaka Torpe...kailangan ko pasya i push paralang lumakas ang loob nya...... oongapala mama..huwag mo sasabihin kay Koji...ang bagay na makikita nya sa Garden ko ay isang Regalo... Regalo na nagmula sakin... at may basbasko pa iyon... Kampante nako...nabigyan ko nadin ng leksyon ang bumangga kay Mirella at hindi nanila magagawa pang saktan si Mirella....Mama salamat.. dahil hanggang sa dulo Ibinigay mo ang buong suporta mo samin ni Mirella... huwag nyo sya pababayaan...sana hindi magbago pakikitungo nyo sa kanya....Huwag nyo po din pababayaan ang sarili nyo pati si Papa at Koji..aalis nako... Mahal ko kayong lahat.." Balik sa kasalukuyan... "Bakit ngayon mo lang sakin sinabi iyan...?" "Kasi alam kong sasabihin mo kagad kay Koji... hindi nya pwede malaman.. alam ko nag txt si Mirella dadaan daw muna sya sabahay... hindi nya alam naaalis tayo at tutulong sa pag aayos ng welcome party para sakanya" "Hanggang sa huli kaligayahan din ni Koji..ang iniisip nya...Tama ako..." mangiyak ngiyak si Timothy "Naku itigil mo ngayan..andito na tayo kailangan natin silang tulungan" pagbaba namin ng sasakyan andun na lahat at busy sa pag aasikaso... "Ano bang ma itutulong namin?" Tanong ko Kay Aira na mama ni Art... "Tamang tama lang dating nyo.... eto kasing asawa ko hindi ko maasahan sa pag gagayat" "Naku naiintindihan ko yang nararandaman mo.." nagtulong tulong kami... sa pag asikaso ng pagkain at decorasyon... Sa Garden... "Asan kaya yun?" nasabi ko habang hinahanap yung bagay na tinutukoy ng paranormal "oh Taro!?" isang pamilyar na boses ang narinig ko...mula sa likod ko biglang bumilis ang t***k ng puso ko...gulat na gulat ako ng paglingon ko si Mirella.... hindi kagad ako nakapag salita.... ilang araw ko syang hindi nakikita pagkatapos ngayon....nasaharapan ko nasya... "Imposible nga pala... ikaw...ikaw si Koji...?" lumapit sya sakin....... Mirella POV.. sa Wakas... makakalabas nako ng Hospital.. matapos mahigit isang Taon..na nakahiga lang ako... "Kuya Oongapala nag Txt ako kay Mama napupunta ako sakanila pag nakalabas nako maaari bang dumaan muna tayo sakanila..." "Ok sige...." at ipinaandar na ni Kuya ang sasakyan na ipinahiram sakanya ni Kai... "Ok lang ba sayo na pupunta kadun...?" tanong sakin ni Art...tumingin lang ako sakanya... at hinawakan ko ang kamay nya... "Huwag kang mag alala handa nako.." tumingin na ulit ako sa labas ng bintana ng sasakyan...ang nararamdaman ko... kakaiba...wala akong maramdaman....ilang araw hindi pumasok si Art simula ng yari ang insidente nayun... hindi ko na nakita pa ulit si Koji.. at si Art na ang palaging nasatabi ko.... "Oongapala.. mag tatransfer nako sa College na malapit dito" pagbasag ni Art ng katahimikan... "Pero bakit? sapag kakaalam ko pangarap mo dun mag aral ng Kolehiyo bakit kanaman lilipat dito? alam naba iyan nila Tita?" "Oo sila muna ang una kong kinausap naayos ko nadin ang pagtransfer ko hindi naman importante kung anong University ako mag aaral... meron din namang Schoolar dito sa Lugar natin para sa mga Atletang katulad ko... meron din namang Kurso na napili ko...wala yan sa Ganda ng University nasa mga Guro yan na nagtuturo... at sa Estudyante kung nag aaral ba talagang mabuti...." "Tama ka dyan Art...dapat nung una palang na isip mo nayan hindi nasana kayo napagastos ng malaki..." "Kelan kolang po nalaman namay ganung University dito satin... kung hindi pa po sinabi ni Papa sakin...alam nila kasi kung anong university ang gusto kong pasukan kaya hindi na nila sinabi sakin.. ang tungkol sa University dito..." "Buti naman atlist malapit kalang anytime mababantayan mo si Mirella.." "Kuya!" saway ko sakanya....nakarating nakami sa wakas.. sa bahay nila Taro....... bumaba nako ng sasakyan... "Mire gusto mo ba samahan kita..." Tanong sakin ni Art... tinignan ko sya at umiling ako... "Huwag ka mag alala....." nagsimula nako maglakad papunta sabahay nila Taro at Koji... bumabalik sa isip ko ang mga alaala ko sa bahay na ito...pero kailangan kong lakasan ang loob ko... huminga ako ng malalim bago ako kumatok.. naka ilang beses ako ng katok pero walang nasagot... kaya pumunta na ako sa Garden...napansin ko na duon may Tao... "Oh Taro!" unti unti syang lumingon napatitig din ako sakanya..akala ko multo ulit ni Taro pero.... "Imposible nga pala... ikaw si Koji...kumakatok kasi ako ng kumakatok kaso walang nasagot kaya nagbakasakali akong may Tao dito" gulat na gulat sya angtagal nyang nakatitig sakin... lumapit ako sakanya...naka facemask nanaman sya....sinubukan kong tanggalin ang facemask nya..... akala ko pipigilan nya ako pero hinayaan nyalang ako....ngumiti ako sakanya....pero tumalikod kagad sya... "Hindi ba dapat nagpapagaling kapa sa Hospital??" "Pinayagan nako ng Doctor lumabas..." tinignan ko ang mga bulaklak ni Taro...at umupo... "Akala ko dati... may kung anong pangit dyan sa Muka mo.... kaya lagi kang nakafacemask... na isip ko lang hindi bat ikaw yung nakabangga ko sa Locker...nung unang araw ng pasukan.... ikaw din ang kausap ni Mayumi nung makita ko kayo sa isang sulok ng School.... yung tumakot sakin kaya nabitawan ko yung mga dala ko nun..tapos tinulungan mo ako damputin iyon... kaya pala ng unang beses kitang nakita dito at ipinakilala ka sakin ni Taro..pakiramdam ko nakita nakita..pero pakiramdam kong maskilala mo pako hindi lang iyon ang unang beses ng pagkikita natin tama ba ako..may mga alaala pa na hindi ko maalala...at pag naalala ko iyon...sasabihin ko sayo..." "Bakit kangapala napapunta dito....?" tanong ni Koji sakin.... "May hinahanap ako... satingin ko ang hinahanap mo at hinahanap ko iisa lang..." "Pagnakita ko iyon susunugin ko iyon?" "Pero bakit?" tumahimik lang sya... at hindi na nagsalita...kaya nag simula nako sapaghahanap... inisip ko ulit ang sinabi ni Taro... hanapin ko ang kakaiba sa mga bulaklak.. napansin ko sa isang sulok ang isang maliit na Cactus... "Koji namumulaklak ang Cactus diba...?" "Oo bakit?"nilapitan ko agad ito at tinanggal.. isang box ang nakita ko na agad inagaw ni Koji... "Kailangan ng sunugin ito..." agad ko syang pinigilan hawak hawak ko ang mga Braso nya.... "Pakiusap hayaan mo muna na makiata ko kung ano nasa loob nyan..." hindi ko na namalayang tumulo napala ang luha ko... akala ko wala nako mararamdaman akala ko ubos na ang luha ko... pero sobrang sakit parin ang nararamdaman ko.... inabot sakin ni Koji ang Box.... "Maraming Salamat...." pagbukas ko... isang sulat ang naandito at isang Couple Bracelete... hinawakan ko ito at tuluyan ko ng hindi napigilan ang pag iyak... pakiramdam ko... ang bagal ng oras...ang pag iyak ko... hindi matapos.. iniupo ako ni Koji... sa Bench na nasa Garden at binigyan nyako ng panyo pamunas ng luha...Binuksan ko ang Sulat... pero nagulat ako... Hindi para sakin ang Sulat... "Koji..?" napatingin ako sakanya. matapos ko mabasa kung kanino ba talaga ang Sulat... iniabot ko sakanya ang sulat...at tinignan ko ang bracelete...may pangalan ito.... pangalan naming dalwa ni Koji.... pero bakit...?nakayuko si Koji...hindi ko alam kung umiiyak ba sya... iniwan ko ang box sa upuan.. "aalis nako... satingin ko kailangan mong mapag --" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nya akong inakap... "Huwag mo ako iwan... ayokong magisa lang ako..." lalo pang humigpit ang yakap nya sakin.... "Koji!!" umiiyak na sya....hinimas ko ang likod nya para mapakalma sya.....pero hindi ko naman mapakalma ang sarili ko..... "Masaya ako at nakita nyo na ang Regalo ko para sa inyong Dalwa...makakatawid nako" napalingon kaming dalwa sa nag sasalita... "Taro!" sabay naming nasabi... pero ngumiti lang sya... at unti unti..nawala sya na parang bula.... lumakas nalang ang hangin... dahil sa pangyayari nayun.. nagawa naming kumalma.... "Gusto mo bang sumama samin sabahay?" ngumiti si Koji...at tumango kinuha nya yung Box...at pumasok sya sa bahay habang inaantay ko naman sya makapag bihis.... "oh suot mo nanaman yang facemask mo..." sabay tanggal ko sa muka nya ng facemask... "Pero kasi ano?" "Mag kamuka nga kayong dalwa pero mag kaiba ang ugali nyo... mas matangkad ka sakanya at may palatandaan sayo... yang taling mo sa leeg..marami kapang dapat sabihin sakin..pero sabahay nalang nag handa kasi sila kuya ng konting makakain..." "Teka mag lalakad lang ba Tayo?" "Hindi hindi pako pwede mapagod ng husto...naandyan si Kuya... at si Art.. maydala kaming sasakyan kaya...tara na..."agad namang sumunod si Koji sakin.. kumaway samin si Kuya... sa Tabi ni Kuya ako umupo at hinayaan ko na mgakatabi si Art at Koji... "Oh mukang nagkakahiyaan pa kayong dalwa...isuot nyo nayang mga seatbelt nyo...aalis na tayo" hindi ko namalayang ngumingiti napala ako....at napansin yun ni Kuya... tumigil sya sa pag Ddrive.. "Bat tayo Tumigil kuya....?" tinanggal nya ang seatbelt nya at bumaba... "Bumaba kadyan" sabi nya kay Koji... "Kuya ano bang ng yayari sayo...?" bumaba naman si Koji...iilag sana si Koji pero aakapin lang pala sya ni Kuya.. habang naiiyak iyak.... "Nakakahiya ka kuya ano bang problema mo huwag mong sabihing naging bakla kana" "Shhhh" matapos nyang akapin si Koji pinasakay nya na ulit ito at muli na nyang pinaandar ang sasakyan..naiiling nalang ako...sa mga pinaggagawa ni kuya... Koji POV... nagtataka ako bat ako pinababa ng kuya ni Mirella pero sumunod nalang ako...bigla nalang akong inakap nito... "Maraming salamat nakita ko na ulit ngumiti si Mirella..." mangiyak ngiyak pasya...habang binubulong nya sakin yun... gusto ko sanang sabihin na Si Taro... ang dahilan bakit nagagawa na nya ulit ngumiti....makalipas lang ang ilang minuto nasa compound nakami ng paupahan nila Kai...at pag pasok namin sabahay nila Art...andun ang lahat...pati sila Mama at Papa....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD