Chapter 5

3346 Words
Zita POV... "Ang tagal naman ata ni Mirella ilalagay nyalang naman yung baonan" lumabas nadin sa CR si Art at Taro... "wala paba si Mirella?" tanong sakin ni Taro... "wala pa nga eh saang locker nya ba nilagay yun....alangang sa kabilang building nya pa nilagay yun" "Puntahan ko nalang sya... susunod nalang kami sa inyo" paalam ni Taro samin ni Art....... "Hindi sasama nakami sa iyo" sabi ni Art na agad akong hinila para makasunod kami kagad kay Taro... "Ano ba Art... bigyan mo naman ng Space yung dalwa no" bulong ko sa pinsan ko... "Space ka dyan basta sumunod nalang tayo.." napansin naming may dinampot sa sahig si Taro at napatakbo sya samay locker....namin... "si Mirella wala sya dito..." nag aalala ang muka ni Taro....kaya napalapit kami agad sakanya... "Ano bayang hawak mo?" Tanong ni Art kay Taro... "Eto yung gatas na laging iniinom ni Mirella nasa sahig at hindi manlang naubos nakalahati lang ito....kinakabahan ako" kinabahan kaming tatlo... "Hinahanap nyo ba yung babaeng lagi nainom ng gatas nayan?" sabi ng isang lalaking Estudyante samin... "OO nasaan sya?" tanong ko dito... "umalis kanina pa kasama yung mga babae sa kabilang building...si Mayumi... tama sya nga nag tataka ngako bat naandito yung mga iyon..." kuwento nya samin... "May kakilala ba kayo sa kabilang building?" Tanong ni Taro....samin ni Art napaisip kami.... "Kung kami tatanungin mo ni Art meron kaming kakilala pero ilan ilan lang pero si Mirella imposible yun kung sino lang nakakasama nya yun lang kilala nya...mahina ang memory nya pagdating sa pag alala ng mga pangalan at muka kung minsan nyalang ito nakasama.." paliwanag ko kay Taro...kinuha kagad ni Art ang Phone nya at may tinawagan...lumayo sya samin... "Alam ko na susubukan kong tawagan sya" agad na kinuha ni Taro ang Cellphone nya... sa dikalayuan naririnig namin na may nag riring... hinanap namin ni Taro.... "Ang Cellphone nya iniwan nya sa Locker" sabi ni Taro... agad kong binuksan ang locker nya dahil nga mag BFF kami alam ko Password ng Locker nya...at nakita nga namin ang Cellphone nya napahawak ako sa ulo.... "Saan ba kasi nag punta yung babae nayun?" pinag aalala nakami ni Mire masyado...lumapit si Art samin... "hindi din nakita ng mga teammate ko si Mire" "Tinatawagan ko Si Taro Yong... Art Capono at Zita Pua Pumunta kayo sa Clinic ngayon din Emergency" Boses yun ng Nurse sa Clinic.....napatakbo kaming tatlo at nauuna samin si Taro... kinakabahan kami.....malapit nakami sa Clinic... nauna ng pumasok si Taro.... "Mire!" napasigaw si Art ng mabuksan nya ang pintuan ng Clinic.... "Bakit? Bakit ganun ang pagkakasigaw ni Art may ng yari bang hindi maganda?" agad ako napatakbo papasok sa loob....nanlaki ang mata ko...bakit may dugo... anong ng yari? nangangatog ang tuhod ko habang papalapit kay Mirella... duguan ang ulo nya na umaagos sa muka nya... ang mga braso nya binti at hita puro pasa na at sugat....duguan nadin ang damit nya.... "Buhay sya diba?!" "Oo naman nawalan lang sya ng malay dahil malakas ang pagkakahampas sa ulo nya...pero bugbog ang mga katawan nya...tumawag nako ng ambulancia kailangan nya ma isugod sa Hospital... pa unang lunas lang ang magagawa ko habang inaantay natin ang ambulancia" napa hagulgol nakong lumapit kay Mirella...si Art tumalikod hindi pinapakita na umiiyak... samantalang si Taro....nakaluhod habang hawak hawak ang kamay ni Mirella hindi ito umiiyak... pero makikita mo samuka nito.. ang galit.... "Kayong tatlo ayusin nyo mga sarili nyo paparating na ang ambulancia...tumabi na muna kayo at lilinisin ko ang mga sugat nya....pakitulungan mo ako Miss Zita isa sa inyong dalwa.. abangan ang ambulancia...at ang isa tawagan nyo ang magulang ni Mirella" "wala po syang magulang matagal na pong patay" sabi ni Art.... "mga kapatid wala ba?" tanong ulit ng Nurse samin... "Meron po pero nasa ibang bansa po" sagot ko sa nurse habang tinutulungan sya linisin ang sugat ni Mirella... "Kahit sinong matanda na maaring maging guardian ni Mirella pakitawagan pati ang adviser teacher nya tawagan... at papuntahin nyo kagad sa Hospital sa ngayon sasamahan ko muna kayo... sino ang sasama sakin" "ako po!" sabay nasagot ni Taro at Art... umalis ang dalwa at sabay kinuha ang mga cellphone pareho silang may tinawagan..... dumating na ang ambulancia...at sumakay na sila.... "hindi kaba sasama?" tanong ni Art sakin.... "susunod nalang ako..." "Tawagan kanalang namin mamaya" sinadya ko talaga mag pa iwan kailangan ko pang kunin ang gamit namin...at may kailangan pakong gawin.... hinanap ko ang Mayumi na sinasabing huling nakasama ni Mirella na nasa kabilang building wala nakong pakialam...kahit ano pang mangyari hindi ako papayag namay mananakit ng ganun kay Mirella....anong ginawa ni Mirella para bugbugin ng ganun...nag tanong tanong ako kung sino yung Mayumi at may nakapag sabing nasa CR Daw ito..pumasok ako ng CR "sino si Mayumi!" sigaw ko sa loob ng CR "ako bakit anong kailangan mo sakin?!" maangas na sagot nito sakin....hindi nako nag dalawang isip agad kong sinungaban ang buhok nya..... hindi ko sya tinigilan kahit inilalayo nako ng mga kasama nyang umaawat... hindi ko ala pero hindi nila ako mapipigilan....pinagsasampal tadyak at suntok sa sikmura ang ginawa ko sakanya.... wala akong pakialam kahit sinasabunutan nadin ako ng mga kasama nya... "Para to kay Mirella!!!" sinuntok ko sya sa muka.... "Anong kaguluhan ito" pumasok na sa loob ang isang teacher at pinigilan kami... "sya po bigla nalang kami sinugod dito..! at sinaktan ako" naag papaawa pa ito... "Anong ako ikaw!!!! Bruha ka... anong kasalanan ng Kaibigan ko sayo!" "So kaibigan ka pala ng babae nayun wala naman syang binatbat sakin mahina sya" nag init ang ulo ko at kahit may teacher susugurin ko parin sya pero humarang na ang Teacher samin... "Ikaw Mayumi at kayong apat pati na ikaw Zita sa principal Office! ngayon na!" nakakaimbyerna...kasama ko ang mga walang hiyang nanakit kay Mirella... "Zita gusto ka makausap ng principal" tumayo nako at pumasok na sa Loob..... "Maupo ka Miss.Pua kaano ano mo si Miss.Aspasia?" "Matalik ko pong kaibigan..." "Patay na ang mga magulang nya Tama.. at ang kuya nya naman nasa ibang bansa alam mo ba kung sino ang na ngangalaga sa kanya ngayon....?" "Nanunuluyan po sya sa apartment ng kaiibigan ng Kuya nya... na malapit lang po sa tinitirhan namin ang tito at tita ko po ang Pansamantalang tumitingin sa kanya pati po ang Kaibigan ng kuya nya na may Ari ng apartment na tinitigilan nya ngayon" "Alam naba nila ang ng yari?" "Hindi ko po alam" "Mabuti pa ipaalam mo na... papuntahin mo sakin ang Tito at Tita mo na sinasabi mo at pati ang Kaibigan ng kapatid ni Miss.Aspasia bukas para maayos natin ang ng yari ngayon bukas ng umaga kailangan kong makausap sila" "Bakit? bakit nila nagawa kay Mirella iyon" hindi ko na napigilan ang umiyak...sa harap ng Principal... "yun ang aalamin natin...hayaaan mo gagawan namin ng aksyon ito...sa ngayon kontrolin mo muna ang emosyon mo..huwag ka mag patalo... huwag ka gumaya sa kanila...Sige na Miss.Reyes ilabas mo na si Miss.Pua dito..." "Mam Principal andito napo sya..." habang inilalabas ako ni Mrs.Reyes... isang lalaki ang pumasok...at sunod na pumasok ang mga bruha....hindi ko na alam kung ano ang ngyari sa loob... umalis nako at pumunta na sa Hospital dala ang gamit naming apat... "Anong ng yari sayo?" bungad sakin nila Tita habang papalapit ako sakanila....tumakbo ako at umakap sakanya "Hinanap ko kasi yung mga gumawa nyan kay Mirella Tita pasensya na hindi ako nakapag pigil nakipag away ako..." umiiyak ako habang kinukwento ko kala Tita ang ng yari... sinabi ko din ang pinapasabi ng Principal sakanila..... Kai POV... "Ano ok sige papunta nako dyan" nagulat ako sa binalita sakin ni Art... "Boss anong ng Yari?" "Si Mirella nasa Hospital ngayon....isasara ko muna tong Cafe... pasensya na wala muna kayong pasok ngayon...." "sasama po ako sa inyo" sabi ni Dion.... "Ako din" sabi ni Nani habang nag mamadali hubarin ang Apron na suot.... agad kong isinara ang cafe at Closed sign ang nilagay ko.... matapos makasakay ang lahat... ipinaandar ko na ang sasakyan ko..... "Ano bang ng yari?" tanong ni Nani... "Hindi ko rin alam duon nanatin malalaman pag dating...." tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ni walang bumabasag ng katahimikan..pare pareho kaming nag aalala...hindi kami mapakali hanggang sa makarating na kami ng Hospital... nakita ko si Art na nakaupo katabi ang mama nya pati si Zita samantalang si Taro ay nakatayo... "Art nasaan si Mirella?" "CniCTScan sya ngayon... at i x-ray paraw para malaman kung may nabali bang buto sakanya at kung nagka hemorage sa utak si Mirella" "Alam naba ito ni Brion?" umiling si Art na nangingilid ang luha... "sya ako ng bahala sa bayarin..." pumunta ako ng cashier at binayaran ang dapat bayaran... "Private Room... ok Nurse" nilapitan ko sila Art... at maya maya dala dala na ng mga Nurse si Mirella... sumunod kami.. sa kwarto na pinag dalhan kay Mirella.... hindi ko alam ang mararamdaman sa gumawa nito kay Mirella... may Benda ang ulo nya.. hanggang ngayon wala pa syang malay... matapos maiayos si Mirella sa kwarto... nilapitan ko sya.... hindi ko sya magawang hawakan... bugbog sarado si Mirella halos kulay ube na ang mga braso nya....may mga gasgas sa muka... lumapit sakin ang mama ni Art... "Pinapatawag tayo ng Principal bukas para pag usap usapin tayo ng mga magulang ng estudyanteng gumawa nyan kay Mirella..ok lang ba sa iyo?" "Oo tita...kailangan ko talaga sila makausap...bakit ganito ang ginawa nila kay Mirella..." may biglang pumasok na Doctor... "sino ang Guardian ng Pasyente maaari ba kayong makausap" agad kaming sumunod sa Doctor... "Dito lang muna kayo" sabi ko sakanila na may balak pang sumunod... ng makalabas nakami... "Wala naman kaming nakitang problema sa CTScan ng pasyente walang Hemorage o kahit practure sa bungo nya.. mukang napaka matigas nabagy ang inihampas sa ulo nya kaya nag karon sya ng sugat sa ulo nakailangan tahiin ng 4stitches...hindi natin alam kung kelanmagigising ang pasyente kailangan pa syang obserbahan sa ngayon..kung mapapansin nyo halos kulay ube na nag mga braso nya...satingin ko ipinangsangga nya iyon para hindi mapuruhan ang ulo nya... may mga kalmot sya sa muka...bukod sa pag kabugbog ng katawan at sugat sa ulo nya wala namang problema sa mga buto at internal organ nya pero dahil grabe ang pagkabugbug posibleng mag ka internal bleeding sya... hanggat maaari huwag nyong hayaang kumilos ang pasyente.. huwag kayo mag taka pag inantok sya pag katundo ng gamot na irereseta ko sa kanya... side effect iyon... sa ngayon hayaan nyo muna mag pahinga ang pasyente...oongapala bibigyan ko kayo ng kopya ng findings sa pasyente request ng School dalhin nyo daw ito bukas...dahil Serious case ito ng bullying ang gumawa sakanya nito.. hindilang binalak na saktan sya.." paliwanag ng Doctor samin... sumunod kami sa Doctor para ibigay samin ang kailangan ng School.... Bullying ang ng yari at hindi lang sya balak saktan...napahawak ako sa noo ko hindi ko alam panong paliwanag ang gagawin ko kay Brion... ipinagkatiwala nya samin ang kapatid nya tapos ganito lang ang mangyayari.... ********************************************************************* saloob ng kuwarto kung saan nagpapahinga ang pasenteng si Mirella umupo si Nani sa Tabi ni Zita... at sinusubukan nya itong pakalmahin dahil umiiyak padin ito ng umiiyak... "Ano bang ng yari?" tanong ni Nani kay Zita... "May mga walang hiyang babae nanakit sa Kaibigan ko...tignan mo ginawa nila... at nagagawa pa nila tumawa kanina hindi ko talaga nagawang pigilan ang sarili ko... wala nakong pakialam basta maka ganti lang sakanila" "Mga babae ang gumawa sa kanya nito!" gulat nasabi ni Dion.... "oo isipin nyo naman lima sila... ano banaman ang laban ni Mirella sakanila" lalong napahagulgol si Zita... hinimas himas ni Nani ang likod ni Zita.... nasuntok ni Art ang pader...sa sobrang pagpipigil sa galit.... "Wala akong pakialam kahit babae pa sila pagbabayaran nila ginawa nila kay Mirella...ipinapangako ko magbabayad sila" galit na tono na sabi ni Taro... na hindi manlang lumilingon sakanila.. at ni hindi magawang bitawan ang kamay ni Mirella...simula ipasok sa loob ng kwarto si Mirella hindi na ito umalis sa tabi nito.... Taro POV.... Bumalik na galing Doctor office sila Kuya Kai..at Tita Aira.... "Anak umuwi na muna tayo......ayusin nyo mga sarili nyo lalo na ikaw Zita muka ka ng bruha sa itsura mo" "Pero tita ayoko iwan si Mirella" hindi sang ayon si Zita na umuwi at iwan si Mirella....maging si Art ay ganun din... "Sumunod na kayong dalwa..." pero dahil seryoso si Tita aira walang magawa ang dalwa kundi ang sumunod nadin sila... lumapit sakin si Kuya Kai... "Ikaw hindi kapaba uuwi? para mag palit ng suot mo" "Ayoko syang iwan gusto ko pag mulat ng mata nya ako ang una nyang makikita" "kaya nga umuwi kanamuna hindi maganda sa katawan mo ang mapagod at mapuyat...kailangan mo mag pahinga ng tama... para bukas may lakas ka para bantayan si Mirella satingin mo ba pababayaan ko sya" tama sya hindi pwede na mauna bumigay ang katawan ko kailangan ko ng tamang pahinga at pagtulog... para maalagaan ko si Mirella... "Favor lang... pag nagising sya tawagan mo ako...kahit anong oras pa iyan... pupunta ako..." "Oonaman ikaw kagad ang kokontakin ko..." mabigat man sa loob ko kailangan kong umuwi....madilim na ng lumabas ako sa Hospital...hindi ko na namalayan ang oras at kung gaano nako katagal sa loob...mabigat ang mga paa ko napauwi sa bahay.... pag katok ko si Mama ang nag bukas ng pintuan.... "Anak pasok kana" pumasok nako sa loob...at dumaretsyo na sa kuwarto ang mga luha na kanina ay hindi bumabagsak ngayon ay wala ng tigil sa pag labas.. masikip sa Dibdib halos hindi nako makahinga...kinakatok nako ni Mama pero hindi ko na magawang buksan ang pintuan...wala nakong lakas...sinusubukan kong maging matibay kanina ng makita kong duguan at walang malay si Mirella.... hindi ko na namalayan na nakapasok na sa kwarto si Mama... "anak!" iniupo nya ko at hinihimas ang likod ko...tumingin ako sakanya.... "Mama hindi ko kayang mawala sya....hindi ko mapapatawad ang mga nanakit sakanya... akala ko iniwan nya nako ng makita ko syang walang malay at duguan... hindi ako handa sa ganung pangyayari mama... si Mirella ang dahilan..Kung bakit hanggang ngayon... buhay pako... gusto ko syang samahan ngayon ma.....ayoko syang iwan wala ako sa tabi nya ngmay mang yari sakanya.....ni hindi ko sya nagawang protektahan sa isang iglap lang ng yari sakanya iyon...kasalanan ko kung bakit ng yari sakanya yun hindi ko kasi sya sinamahan...hinayaan ko sya mag isa" "Anak huwag mo sisihin ang sarili mo... hindi ikaw ang may kasalanan kung bakit ng yari yun bukas ok lang sakin na huwag kang pumasok kahit agahan mo pa ang pag punta sa Hospital basta ngayong gabi kumain ka at uminom ng gamot kailangan mo lalo mag palakas para sa kanya kung gusto mo sya protektahan...bukas pupunta ako sa school hindi ako papayag na hindi mag babayad ang mga taong nanakit kay Mirella kakausapin ko ang Principal..matapos ko makapunta ng School pupuntahan ko kayo ni Mirella sa Hospital... basta ngayong gabi dito kalang sa bahay...ok halikana kumain kana..." niyakag nako ni mama kumain hindi ko kasabay kumain si Koji.. mukang umalis uli sya maaga ako natulog matapos makainom ng gamot... kailangan ko matulog ng maaga para maaga din ako magising... para makapunta sa Hospital... Mirella POV... nagising ulit ako... nakita kong nakayuko parin si Taro...sa gilid ng kama... mukang nakatulog nadin sya... hindi nya padin binibitawan ang kamay ko..sinusubukan kong bumangon nanunuyo na kasi ang lalamunan ko gusto ko makainom...kaya ng sinubukan kong bumangon na dantay ko ang kamay ko na hawak ni Taro...pero hindi ko padin nagawang bumangon ang sakit ng katawan ko... sa ginawa ko.. nagising ko si Taro... tumunghay sya... pero hindi ko sya natignan nagising ko tuloy sya... "may kailangan kaba? bawal kapa kumilos..sabihin mo nalang sakin.. kung ano kailangan mo" "Tubig.. na uuhaw ako" sabi ko sakanya.... tumayo sya...at binitawan na nya ang kamay ko...pinag masdan ko sya habang kumukuha ng tubig hindi panaman ganun kalinaw ang Vision ko... pero naaaninag ko na ang muka nya.....itinaas nya ang higaan ko para hindi nako mahirapan sa pag bangon para uminom... pagka abot ng isang basong tubig ininom ko kagad ito... "Isa pa" kulang ang isang baso para mawala ang pag ka uhaw ko...agad naman syang kumuha... "Hindi kaba nagugutom may pagkain dito... bili ni Kai... umalis lang sya saglit at babalik din sya" "wala pako gana kumain..tama na ang tubig..." may pumasok na Nurse.... "Oh gising kana pala... mabuti naman kailangan mong kumain bago kita tutunduan ng gamot.. medyo mataas ang dosage nito kaya kailangan may laman ang sikmura mo.. (sabi ng Nurse na saakin nakatingin) tawagin nyo nalang ako pag nakakain na ang pasyente (Sabay baling nya kay Taro na kanyang binilinan)" nakatingin ako kay Taro...pero ng mapatingin sya sakin iniwas nya ang tingin sakin...bakit kaya...? dahil ba sa ng yari sakin.. baka sinisisi nya sarili nya... tumalikod sya at hinahanda nya ang pagkain... "narinig mo sinabi ng Nurse..... kailangan mo kumain..." matapos nya maiayos ang pagkain...nilagay nya ito sa harapan ko...may lamesang maliit na pang kama... pag kalapag ng pagkain tumalikod na sya...ang tipid nya mag salita...hindi ko gusto na sinisisi nya sarili nya... "Huwag mong sisihin ang sarili mo sa ng yari sakin... wala kang kasalanan ano ba... buhay ako... hindi nila ako tinuluyan... isa pa hindi ko gusto na sinisisi mo ang sarili mo kasalanan ko iyon kasi sumama ako sakanila at hindi manlang ako nag hinala sakanila kahit pakiramdam ko may kakaiba baka na pagkamalan lang nila ako.. hindi naman siguro nila sinasadya yun hehe" lumapit sya sakin at dahan dahan nyako inakap...iniingatan nya na masaktan ako... "sisiguraduhin kong magbabayad sila...sa ginawa nila sayo... simula ngayon poprotektahan kita.. hindi ko hahayaang may manakit ulit sayo..patawarin mo ako kung nahuli ako ng dating" bulong nya sakin habang unti unting bumibitaw na sya sa pagkakaakap....sinubukan kong itaas ang kamay ko kahit medyo masakit hinawakan ko ang balikat nya....at yumuko ako hindi ko pa gusto na ialis nya ang pag kakaakap nya sakin.... kaya...inakap nya ako ulit... "Salamat at naandito ka...ikaw ang una kong nakita ng magising ako...lumalakas ang loob ko dahil na andyan ka...akala ko hindi nakita makikita ulit (nagsimula ng tumulo ang luha ko) takot na takot ako ng mga oras nayun takot na takot akong hindi nakita makikita" hindi nako makapag salita pa dahil hindi kona mapigilan ang luha ko...sa pagtulo... "Lagi lang ako na sa Tabi mo..." hinimas himas nya ang likod ko para mapakalma ako....sinubukan ko ng punasan ang mga luha ko sa mga balikat nya.. "Pasensya na wala kasi akong panyo" sabay ngiti ko sa kanya.. hinawakan nya ang muka ko...pinunasan nya ang luha sa mata ko... unti unti nyang nilapit ang muka nya sa muka ko...at nilapat nya ang labi nya sa labi ko...saglit lang ang halik nayun...pero ang halik na iyon.... iba kesa sa nauna... tumalikod kagad sya matapos nyako halikan at lumabas sya ng kuwarto... ang bilis padin ng t***k ng puso... bat pakiramdam ko.. first kiss ko padin iyon kahit pangalawang beses na iyon.... muli ulit nag bukas ang pintuan...na eexcite ako makita ulit si Taro..pero si Sir.Kai lang pala... "Oh bat ganyan ang itsura mo Dissapointed...hindi ako yung inaasahan mong pumasok" "Hindi naman sa ganun hehehe" "mukang ok kananga... hindi mo ba alam na pinag alala mo kaming lahat! kumain ka..." agad akong sinubuan ni Sir.Kai ng pag kain...sa bibig... at pinaubos lahat ang pagkain na nasa harapan ko...maya maya lang pumasok na ang nurse...at tinundo ang gamot sa Dextrose... "Medyo masakit ito...." sabi ng nurse... ramdam ko ang gamot na dumadaloy sa Ugat ko.... "Nurse bakit lumalabo ang paningin ko" "Dahil yan sa gamot...maya maya makakatulog ka ulit...yan ang side effect nyan.. kaya huwag ka mag alala natural lang iyan" "nahihilo na ko" sabi ko kay Sir.Kai... ibinaba na nya unti unti ang higaan ko....napansin kong dalwa na sila.. siguro si Taro yun kababalik lang nya kaya ngumiti ako... "Oh sige na ikaw na bahala umayos ng pag kakahiga nya" sabi ni Sir.Kai... sabay tapik sa balikat nya... inayos ni Taro ang unan ko... at kinumutan nya ako....umupo ulit sya sa tabi ko... "saan ka nag punta kanina? bigla kanalang umalis..." hindi sya nag salita at hinawakan nya lang ang muka ko at ang kamay ko.... "matutulog lang ako.. nahihilo kasi ako" sabi ko sakanya habang pinipikit ko ang mata ko.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD