Mirella POV...
Hindi ko alam gaano na katagal...ang pagkaka halik sakin ni Taro.... My Gosh... First Kiss ko ito...
maya maya.. nilayo nya na ang muka nya sakin...at nilapat nya ang noo nya sa noo ko... bago sya ngumiti...
"Mahal kita.... hindi lang basta pagka gusto o pag hanga ang nararamdaman ko para sayo....isa lang ang alam kong sigurado ako na Mahal na Mahal kita....Pasensya kana dahil hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko..."
Masarap sa pandinig at pakiramdam ang sinabi nya ngayon lang,, pero hindi ako makapag salita... nanlalaki parin ang mga mata ko sa ginawa nya ni hindi ko nga nagawang pumikit....para akong nanlalambot...gustong bumigay ng mga tuhod ko...pero kaya ko ito..hinawakan nya ulit ang kamay ko at nag simula na kami mag lakad...
"Hindi ka nag sasalita galit kaba sa ginawa ko"
"Ako hindi bat naman ako magagalit!!"
pasigaw kong sabi...
"So kung hindi ka nagagalit nagustuhan mo?"
nakangiti sya sakin....
"Hi - Hindi!!!"
nawala ang ngiti sa muka nya ng sabihn ko iyon ano ba bat hindi ako makapag salita ng maayos... hindi ko masagot ng tama ang tanong nya...
"Hindi sa ganun Nagustuhan ko nga...ang ibig kong sabihin ano! Ano kasi - "
"First Kiss ko yun"
sinabi nya yun habang sa iba nakatingin halatang nahihiya din sya sa nagawa nya kasi pulang pula ang muka nya.... natawa ako sa kanya....
"Bakit may nakakatawa ba dun?"
tanong nya sakin pero sa iba parin sya nakatingin...
"First kiss ko din iyon.... nagulat kasi ako sa ginawa mo kaya hindi kagad nag process ang utak ko kaya kung ano ano nasasabi ko"
"Ibig sabihin ba nun tayo na?!"
namumula syang tumingin sakin habang tinatanong iyon.... pero yumuko ako pakiramdam ko kasi namumula nadin ang muka ko...pero pakiramdam ko hindi nya inaalis ang tingin sakin at hinihintay ang sagot ko... kasi tumigil uli sya sa pag lalakad... kaya kahit pulang pula na ang muka ko tumingin ako sakanya at ngumiti.....
ang bilis naman pero ayoko din syang pakawalan... kaya tumango nalang ako...
isinuot nya ulit ang Sumblero sa ulo ko....
"Sakin kalang"
habang humihigpit pa lalo ang pag kakahawak nya sa kamay ko.... ang sarap sa pandinig ng mga salitang sinasabi nya.. punong puno ng pag mamahal... na sa kanya kolang naramdaman..gusto ko din sabihin sa kanya na sakin lang din sya pero hindi ko magawa....
Eto na ang pinaka masayang araw sa lahat ng araw sa buhay ko..... pagmamahal na sakin nyalang ipinaparamdam......pakiramdam ko kilalang kilala nya nako...
"OI!!!!! Mire"
si Zita.... Tumatakbo habang kumakaway samin.....hila hila nya si Art...
tumingin ako kay Taro... pero ngumiti lang sya....
"ok lang"
sabi nya sakin habang inaaayos nya pag kakalagay nya sa Sumblero ko....at pinisil nya pisngi sa muka ko..
"Aray!!!! Masakit yun huh!"
habang hinihimas ko yung pisngi na kinurut nya sakit huh! pinanggigilan baang pisngi ko...
"Pulang pula kasi yang muka mo... bakit gusto mo ba ipaalam kagad sakanila ang ng yari kanina"
"Ano kaba hindi pako ready ipaalam sakanila yun noh"
lalo tuloy namula ang muka ko sa sinabi nya naalala ko kasi ang ng yari kanina... kaya hinawakan nya ang dalwa kong pisngi at hinila hila iyon....
"Ahh ano ba!!!"
hawak hawak ko ang kamay nya at sinusubukan kong alisin yun...
tumigil kami sa pag lalakad at inantay sila Zita at Art...
"Kayong dalwa basta nyo nalang kami iniwan ang bilis nyo pang mag lakad"
nagtatampong sabi ni Zita...
"Pasensya na...."
tumingin ako kay Art at ngumiti... pero inilihis nya lang ang tingin nya...
"Anong problema ng isang yan?"
tanong ko kay Zita....
"Hay naku.. naiinis yan sa ng yari kanina..."
"Ahh pero hindi naman sinasadya ni Tita yun"
"Bilisan nyo na dyan kung ayaw nyong malate"
sabi ni Art habang nauuna na samin sa paglalakad umakbay si Zita sakin.... at hinawakan ni Taro ang kamay ko
"Ano yan huh!?!"
puna nya...
pero tumawa lang ako.... at binitawan ni Taro ang kamay ko... kasi hinihila ako ni Zita...
"Ikaw may kailangan kang ipaliwanag sakin mamaya?"
sabi ni Zita habang si Taro ay natatawa lang......
ng makarating na kami sa School pinagtitinginan kami ng mga babae bukod kasi na si Art ang kasama ko kasama din namin si Taro...
Hinawakan ulit ni Taro ang kamay ko... at bumulong sya sakin....
"Ipapakita ko lang sakanila na akin kana para wala ng magbalak na lumapit pa sakin..."
kasasabi palang ni Taro yun...lumapit samin yung babae na maganda na kausap nya kahapon lang...
"Huwag mong sabihin Taro na Girlfriend mo sya....?"
tanong ng babae sakanya......
"Nakikita mo naman diba"
seryosong sagot nya sa babae....
tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa at ang sama ng tingin nya sakin.....humarang si Art... samin...
"Huwag na huwag mong balakin yang nasa isipan mo Carlyn... kilala kita.... lakad na Taro ihatid mo na si Mirella siguraduhin mo lang na hinding hindi sya masasaktan"
"Sisiguraduhin ko iyon"
sagot ni Taro... habang hinihila ako... para mag simula na ulit kami mag lakad...
"Etong mga babaeng ito... napaka inggitera"
sabi ni Zita habang isa isang tinitignan ang mga babae na nag bubulungan...
ano..
"Oh pano bayan... hanggang dito nalang kami.. pumasok na kayo...."
sabi ni Art samin.... papasok na kami pero hindi pa binibitawan ni Taro ang kamay ko...
"Mauna na ko pumasok mukang maykailangan pa kayong pag usapan..."
samantalang... si Art mukang inaantay padin si Taro pero malayo samin at kinakausap ang mga ka team mate nya sa Volleyball...
"Taro?"
tumingin lang sya sakin... at tumingin sa kamay naming dalwa na halos ayaw nya ng bitawan....
"Hindi ko ito Gusto..."
"Ano kaba magkikita naman tayo mamaya...."
sabay hampas ko sa balikat nya.... at sabay tawa.... nagulat ata sya sa ginawa ko... kasi nanlaki ang mga mata nya.....
sa ginawa ko nabitawan nya ang kamay ko at hinawakan nya ang balikat na hinampas ko....
"Napalakas ba? pasensya kana..."
pero tumawa lang sya at kumamot sa ulo... nya...
"Tama... sige mamaya nalang...."
umalis sya habang kumakaway sakin....nakahinga nako ng malalim...ng makita kong sabay na sila nag lakad ni Art...
breaktime... nagkita kita ulit kaming apat....at sabay kumain....may pagkaing dala si Taro at lahat kami binigyan....
"Oh!"
abot nya ng pagkain kay Art....
"Salamat!"
kinuha naman ni Art ang pagkain... at kinain iyon....
"Satingin ko tinanggap na ni Art ang pag katalo nya"
bulong sakin ni Zita....
"Pagkatalo? bakit lumaban naba sila bat hindi ko ata alam"
"ay naku ganun talaga ang hina mo kasi maka gets"
"Kaya pala kakaiba sya kagabi siguro kaya sya nag kaganun dahil sobrang depress nya sa pagkatalo nila sa Laro hindi ko manlang nagawang mag Cheer"
"Kagabi ibang kwento yung kagabi.. Mire"
"Iba? anong iba?"
"Nanaginip kasi sya ng hindi maganda kaya nangbulabog yan kagabi nakakatakot na panaginip.."
"Oh natakot sya matulog mag isa kaya binulabog nya tayo kagabi hindi ba dapat kala tita sya pumunta hindi satin"
"Yun nga din ang sabi ni Tita pero sa tingin ko kasi nahihiya sya kaya satin sya pumunta ang laki laki nga naman nya para kala tita sya pumunta pag masama panaginip nya"
"Sabagay ang halay nganaman tignan yun"
"ano yang pinag uusapan nyong dalwa.."
tanong ni Taro samin.. naka upo napala sya sa tabi ko
"kasi kagabi -"
pinigilan ni Zita ang bibig ko...
"wala yun taro... walang ka kwenta kwentang nakakahiyang kwento wag mo nalang alamin"
"Ganun ba? ok...sige Tara na...baka malate pa kayo sa next subject natin"
yakag ni Taro sabay hila sakin ni Taro para makatayo ako sa pag kakaindian seat ko.....
"Ah wait nangingimay ang paa ko"
sabi ko sakanya...
"Talaga..!"
sabi ni Zita na may nakakalokong ngiti...
"Wag Zita wag mo na balakin payang nasa isip mo"
pero sinimulan na ni Zita tapik tapikin ang paa ko......
"Wag!!!!!"
napakapit ako sa mga braso ni Taro sinusubukan ko makalayo kay Zita pero sa tingin ko pati si Zita..na ngimay nadin ang paa kasi hindi nasya makatayo...kaya ng maging ok na ang paa ko gumanti ako sakanya... diko sya tinigilan....
"Kala mo huh!!!"
"Wag Mire Hindi ko na gagawin sayo yun"
pagmamakaawa ni Zita kaya tinigilan ko na at tinulungan ko na sya tumayo.....
"Para kayong mga bata"
sabi ni Art....
"Nag salita ang isa dyan gusto mo bang ibunyag ko yang ikinilos mo kaninang madaling araw - "
agad na tinakpan ni Art ang bibg ni Zita....
"Tumigil kanga dyan"
habang hila hila nya papalayo samin si Zita.....nag katinginan lang kami ni Taro at nagkatawanan....
"Tara na..."
hinawakan nya ulit ang kamay ko at tumango nalang ako....
matapos nila kami maihatid..umalis nadin silang dalwa....
sa kalagitnaan ng klase inutusan ako.. ng Teacher namin na kunin ang gamit nya na nalimutan nyang dalhin para sa Art Class namin....
nag lalakad ako sa papunta sa kabilang Building ng School namin.. kasi naandun pa yung Office ni Sir... Ngayon palang mag bbrake time ang kabilang building.... nauuna kami palagi bago sila...
pumasok nako sa Faculty at pumunta na sa Desk ni Sir. kinuha ko na mga Materials na gagamitin sa Art namin....
pabalik nako ng may marinig ako na parang nag aaway....sa isang sulok ng building may dalawang tao ang nag uusap sa di kalayuan sakin....napalingon ako...nagulat ako ng itulak ng lalaki ang babaeng umakap sakanya....
"Sinabi ko na sayo Hindi kita gusto buti pa tigilan mo nako!"
sigaw ng lalaki sabay hagis ng sulat at gamit sakanya....
dinampot ng babae ang sulat at isang regalo....
"sabihin mo sakin bakit hindi mo kayang magustuhan ang tulad ko?!"
umiiyak na sabi ng babae.....
hindi sumagot ang lalaki....at maglalakad nasya sa gawi ko...
ng mapatingin sya sakin...
"Pa - pa sensya na.., hindi ko sinasadya na marinig ang pinag uusapan nyo"
sabi ko habang nakayuko....
"kung ganun Anong ginagawa mo dito?"
"kasi nautusan lang ako ng Teacher namin na kunin tong mga dala ko pasensya na talaga"
napaatras ako ng pakiramdam ko papalapit sya sakin....
"aalis nako...! pasensya na talaga..."
nag mamadali akong umalis... pero nahawakan nya ko sa braso ko....at hinila nya ako....dahilan para mabitawan ko mga hawak ko....
"huwag mo ako sasaktan hindi ko talaga sinasadya na makita lahat ang ng yari"
sabi ko sakanya habang nakapikit pakiramdam ko kasi baka itulak nyadin ako tulad ng ginawa nya sa babae kanina.....
"Sino naman may sabi sayo na sasaktan kita..."
binitawan nya ang braso ko...at sinimulan nyang damputin ang mga gamit na dala ko...na nalaglag dahil sa ginawa nyang paghila sa braso ko... agad ko syang tinulungan sa pag dampot....
"Ako na huwag kana mag abala"
sabi ko sakanya habang inaayos ko ang mga gamit....hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya... ang weird kasi ng suot nya ang init init naka jacket namay hood sya... napatingin sya sakin at napansin ko ng laki ang mga mata nya naka face Mask din sya... napansin ko ang mga mata nya... parang nakita kona iyon.... agad nyang iniwas ang tingin sakin inabot na nya sakin ang mga gamit...
"sa susunod huwag ka basta basta makikinig sa usapan ng iba"
yumuko lang ako...
"pasensya kana talaga at salamat...nadin sa pagtulong mong damputin ang mga gamit"
napansin kong umalis na sya....at nag simula nadin akong bumalik sa room namin...napa hinga ako ng malalim.,nabunutan ako ng tinik akala ko sasaktan nya din ako...nakakatakot ma involve sa ganung klaseng away...naalala ko mas nakakatakot pag hindi kagad ako makabalik sa Room
"Naku magagalit sakin si Sir"
kaya tumakbo nako...
oras na ng pananghalian...
ibinigay sakin ni Taro ang isang baunan...
"Para ngapala sayo pinabibigay ni Mama sana daw magustuhan mo pasasalamat nyadaw yan kasi... binigyan mo ko ng binake mo na Pineapple Pie"
"ano? nakakahiya naman nag abala pa mama mo... hindi mo ba nasabi sakanya na pasasalamat ko lang yun sa tulong mo sakin"
"sinabi ko yun sa kanya pero sabi nya gusto parin daw nya nabigyan ka ng luto nya,,, sya kainin mo na yan"
"Napaka swerte mo naman Mire.. hindi kapa nakikita ng mama nya pero may pabaon na pagkain para sayo"
sabi ni Zita sakin...naparang gusto din nya makitikim sa pag kain na binigay ni Taro sakin...
"Ok lang ba kung pagsaluhan nating lahat ito?"
tanong ko kay Taro... ngumiti lang sya at Tumango....
walang ano - ano... agad na kumuha na si Zita at binigyan nyadin si Art.. pinag saluhan namin...kung ano mang dala naming pagkain..ng matapos na kami kumain....nag paalam ako sa kanila saglit...
"Sabay nako sayo Mire..."
sabi ni Zita habang tumatayo....
"Teka saan kayo pupunta?"
Tanong ni Art...
"sa CR bakit sasama ka?"
pang asar nasagot ni Zita...
"sabay nakami sa inyo...."
nag CR na silang tatlo habang ako naman ang nag tabi ng kinainan namin sa Locker.... hindi ako nag kamali... akala ko ngayong kami na ni Taro titigil na ang pag lalagay ng Tao nayun ng gatas sa Locker ko pero....Meron paring gatas.. inilagay ko muna ang mga pinagkainan namin na nakalagay sa isang bag at ipinasok ko sa Locker... bago ko sinimulan inumin ang gatas....
at naglakad nako... sa paglalakad ko napansin kong... may mga babae nanakaharang sa dadaanan ko..bakit kaya ano meron at nag kukumpulan sila.... kaya sa iba nasana ako dadaan pero may nakaharang padin... napatingin nako sakanila kasi bat parang ayaw nila ako padaanin....
nagulat ako ng makita ko kung sino ang mga babae na humaharang sa daanan ko sya ang babae kanina... yung babae na umiiyak dahil nasaktan sya nung lalaki...naandito siguro sya dahil sa nakita ko kanina...
"Kung nandito dahil sa nakita ko kanina pasensya kana...pangako hindi ko ipagsasabi ang narinig at nakita ko"
tumawa lang sya...
"maaari ba kitang makausap pero hindi dito..."
"ah ok sige"
inakbayan ako...ng mga babae na kasama nya.... hindi ko alam saan kami pupunta pero hindi maganda ang pakiramdam ko....sa isang abandonadong bodega ako dinala ng mga babae....matagal ng hindi ginagamit ang bodega na ito....
"bakit dito nyo ko dinala?"
pero nagulat nalang ako sa sumunod na pangyayari.. itinulak ako ng mga babae na kanina naka akbay sakin...
"ano bang kasalanan ko sayo..humingi nanaman ako ng pasensya hindi ko naman kasi sinasadya na makita ang pangyayari kanina... kaya paki usap huwag nyo ito gawin...."
pero nag sisigaw ang babae na kanina ay umiiyak at pinag hahampas ako ng kung ano hindi ko alam kung ano yun basta nararamdaman ko matigas ang bagay na iyon....
"ahh"
hindi ko alam kung gaano katagal nila ako pinag hahampas...
"Pakiusap tama na"
pakiusap ko sakanila ng nag mamakaawa.... matapos nilang gawin iyon... satingin nila nawala nako ng malay dahil hindi ko na magawang igalaw ang katawan ko...umalis nalang sila bigla....wala nako makitang liwanag matapos nila isara ang pintuan ng bodega....
"tulong..."
yun nalang ang nasabi ko... nag blurd na ang paningin ko hindi ko alam.. kung dugo ba ang tumutulo sa may mata ko....pero biglang lumiwanag... hindi ko makita pero hugis tao... ang nakikita ko na tumatakbo papalapit sakin.....
"Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sayo"
hindi ko makita ang muka nya pero bat parang lumilipad ata ako....
"patay naba ako? kasi bat parang lumilipad na ata ako"
mahina kong sabi saknya....
"Huwag kang matutulog dadalhin kita sa Clinic"
"wala ako makita"
nasabi ko at hindi ko na alam kung ano pa sunod na ng yayari puro aninag nalang ang nakikita ko.... hindi ko alam kung patay naba ako oh buhay pa....matutulog muna ako....
ilang oras pa ang lumipas.....
nagising ako sa ingay ng ambulancia..... bahagya kong naimulat ang mata ko....nilibot ko ang paningin ko sa paligid....
"Mirella....naririnig mo ba ako? si Taro ito..."
naramdaman kong hawak hawak ni Taro ang kamay ko.... buhay pako nararamdaman ko sya
"Taro?"
ngumiti ako....
"Mire si Art ito"
si Art naman ang sunod na nag salita... naramdaman kong hinawakan nya ang muka ko...
"sino ang gumawa sayo nito"
tanong ni Art naka kuyom ang mga kamay nya... magkatabi lang sila ni Taro... nasabandang may ulo ko si Art....
umiling lang ako..dahil hindi ko naman kilala ang mga babae na iyon... ni hindi ko nga alam ang pangalan nila.... inaantok...ulit ako kaya ipinikit ko ang mga mata ko...
hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na ngyari.... pakiramdam ko ang haba ng tulog ko...ng imulat ko ulit ang mata ko..bat parang nasa isang kwarto ako... medyo nag blublurd parin ang paningin ko naramdaman ko na may nakakapit ng mahigpit sa kamay ko... nakayuko sya...sinubukan kong hawakan ang ulo nya ng tumunghay sya... si Taro lang pala...napansin kong medyo dim ang ilaw sa kwarto na iyon..
"Nasaan ako?"
mahina kong tanong kay Taro...
"salamat naman at nagising kana"
ang boses nya parang may kakaiba... umiiyak ba sya? sinubukan kong hawakan ang muka nya....medyo madilim sa kwarto nayun dahil hindi ganun kaliwanag ang ilaw...naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mata nya...
"bat ka umiiyak...?"
pero hagulgol nalang ang narinig ko habang humihigpit ang pag kakahawak nya sa kamay ko.... pumikit ako... naramdaman kong binitawan na nya ang kamay ko...kaya minulat ko ulit ang mata ko......nakita kong pinupunasan nya ang mga luha nya sa mata nya at tumayo na sya kaya agad kong hinila ang manggas ng Jacket na suot ni Taro.
"saan ka pupunta?... huwag ka umalis dito kalang..."
umupo sya ulit sa tabi ng kama inayos nya ang kumot sakin...at muli nyang hinawakan ang kamay ko...pumikit ulit ako...at muli akong nakatulog.