NANGINGINIG ang mga kamay ni Emil sa galit habang binabasa ang artikulo sa kung anong diyaryo. Ayon sa mga nakasulat do'n ay kabit si Sava ng EIC ng Turning Point Mag na si Echo Roque at ang lalaki ang dahilan ng pagiging editor ni Sava sa babasahin. Hindi niya magawang mapaniwalaan iyon. Hindi gano'ng klase ng babae ang kilala niyang Sava. But then again, he didn't know what happened to her or what she had become for the past seven years. Naguguluhan siya. Hindi niya matanggap ang nababasa niya, pero sa tuwing naaalala niya kung paano pinrotektahan ng Echo na iyon si Sava kanina mula sa mga reporter, hindi niya magawang mabale-wala ang pangit na balitang iyon. "Calm down, Emil, will you?" iritadong saway ni Kenneth sa kanya. Nilamukos niya ang diyaryo. "Kalmado ako." "You're not. Gal

