SINUKLOB ni Emil ang hood ng jacket niya sa ulo niya paglabas niya ng pribadong kuwarto niya sa Chai General Hospital. Nagpa-general check-up kasi siya para malaman niya kung nasa kondisyon ang katawan niya. Hindi naman kasi biro ang halos pitong tao na pakikipagbugbugan sa boxing ring. Baka may iniinda na pala siyang sakit na hindi niya namamalayan. "'Ready to go, Emil?" tanong ni Kenneth sa kanya. Isinilid niya ang mga kamay niya sa bulsa ng jacket niya matapos niyang magsuot ng shades. "Oo. Umalis na tayo. Hindi maganda ang karanasan ko sa mga ospital." Tumango lang si Kenneth. Pribadong ospital ang Chai General Hospital at bigating mga tao rin ang kadalasang pasyente do'n kaya mahigpit ang seguridad do'n. Sigurado siyang hindi makakapasok ang mga paparazzi do'n. Gayunman, kailangan

