35th Chapter

1197 Words

"TINGNAN mo nga naman, Emilio. Aba'y sikat na sikat ka na, ha. At kung tawagin ka na ngayon ay 'Pinoy Champ. Naaalala ko noon ay 'yong mga siga lang sa kanto ang binubugbog mo. Ngayon ay mga porener na!" Natawa si Emil. "Si Mang Emyong talaga, oh. Hanggang ngayon ay mapagbiro pa rin kayo." Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "Pero masaya talaga ako na kahit ang tayog na ng lipad mo, nagawa mo pa ring bumaba sa lupa. Nagbalik ka pa rin dito sa San Felipe at tumutulong ka pa ngayon sa mga kabataan natin. Bilang dati niyong kapitan, ipinagmamalaki kita." Sinang-ayunan din ng iba pa nilang mga kababayan na kasalo niya sa inuman. Naroon sila ngayon sa hardin ng ipinatayo niyang mansiyon para sa ama niya sa bayan nila. Sa tuwing umuuwi siya ro'n ay naghahanda siya ng malaking salu-salo na buk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD