"IPA-BACKGROUND check si Echo Roque?" Tumango si Emil bilang sagot sa tanong ni Kenneth habang iniikot-ikot niya ang mga balikat niya. "Oo. Gusto kong malaman kung bakit nasabi ni Sava na masisira ako kapag nalaman ko kung sino talaga si Echo. Kahit lasing siya no'n, alam kong may kahulugan 'yong sinabi niya." "Okay. I'll here a PI." Tinapik niya ito sa balikat. "Thank you, pare." "Alisin mo muna sa isip mo ang problema niyo ni Sava at mag-concentrate ka muna sa training. Aakyatin pa natin 'yang bundok na 'yan." Tumango lang siya at nagsimula nang mag-warm up. Malamig ang klima sa ibaba pa lang ng bundok sa Baguio kaya hindi gano'n kadaling kumilos do'n, lalo na ang tumakbo paakyat ng bundok. Pero kailangan niyang gawin iyon bilang bahagi ng pagsasanay niya. Kasama niya ro'n si Kenne

