TAHIMIK lang si Sava habang nakaupo sa gilid ng kama ni Emil sa dorm habang nagkukuwento ito sa kanya. "Sava, nag-sparring kami ni Kenneth kahapon. Sa unang pagkakataon, tumama na ang suntok ko sa kanya! Ang sabi nga ng mga kasamahan ko sa gym, nag-improve na raw ako," masayang kuwento ni Emil. "Sabi pa nila, mas magaling ako kaysa do'n sa ibang may lisensiya." Mapait na ngumiti siya. "Ang dami mo nang nakuwento, Emil. Kailan mo sasabihin sa'kin ang tungkol sa resulta ng finals mo?" Biglang nawala ang ngiti nito. "Sava..." Tumayo siya at nilabas mula sa bag niya ang mga exam papers ni Emil at binato ang mga iyon sa mukha nito. "Kinuha ko ang mga 'yan kay Drei. Bagsak ka sa halos lahat ng subject mo! Finals 'yan, Emil! Kapag hindi mo naipasa ang make-up exams mo, uulitin mo ang lahat ng

