"ALAM kong hindi ito ang tamang oras para sabihin sa'yo 'to, pero maghiwalay muna tayo, Emil," malamig na sabi ni Sava kay Emil. Naroon sila ngayon sa harap ng dorm nito. Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Emil. Nabitawan din nito ang hawak nitong malaking bagahe. "Dahil ba 'to sa naging pagtatalo natin?" Iniwas niya ang tingin niya nang maramdaman niya ang pagbabadyang pagpatak ng mga luha niya. "Habang nasa probinsiya ka, pag-isipan mo uli ang naging desisyon mo. Sana lang, 'wag mo munang banggitin kay Tito Jacinto ang balak mong paghinto sa pag-aaral. Makakasama iyon sa kalagayan niya. At hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya kapag nalaman niyang ako ang dahilan kung bakit ipinagpalit mo ang edukasyon sa kikitain mo sa pagbo-boksing." Matagal bago muling nagsalita si

