Seven years later... Emilio "Emil" Agoncillo NAPANGITI na lang si Emil nang makita niya ang pangalan at litrato niya sa front cover ng isang kilalang sports magazine. Normal na yata sa kanya ang makita ang pagmumukha niya sa kung anu-anong babasahin o palabas sa telebisyon, mapa-local man o international. Nilapag niya ang kopita na wala nang laman sa mesa at dinampot ang isa namang men's magazine kung saan cover ang ex-girlfriend niyang si Kara. Nawala ang maganda niyang ngiti kanina at napalitan iyon ng ngitngit. The woman was drop-dead gorgeous, but she was a pain in the ass. "This witch is delusional for saying we'll still get back together," iritadong sabi niya matapos mabasa sa artikulo tungkol sa babae na sinabi nitong hanggang ngayon ay tinatawagan pa rin niya ito kahit hindi iy

