Nararamdaman pa rin ni Troy ang ngiti sa kaniyang mukha hanggang sa nakarating na nga siya sa labas ng kanilang bahay. Hindi alam ni Troy kung ano ang kaniyang naiisip sa mga oras na iyon. Ang alam lang niya ay sobrang naging masaya ang gabi niya kasama si Roen. Tutuloy na sana siya sa paglalakad mula sa labas ng tarangkahan papasok sa loob nang biglang narinig niya ang isang pamilyar na boses. "Ngayon lang 'to nangyari, Troy. Ganiyan na ba ang lakad mo ngayon? Halos umagahin ka na." Malamig ang boses at hindi siya maaaring magkamali. Kahit na hindi niya tuluyang nakikita ang mukha ay siguradong ang ama niya iyon. Nakaramdam na lamang siya bigla ng kaba nang marinig ang boses ng ama. Ni hindi niya magawang makapagsalita at tumugon sa ama. Dahil wala itong narinig na sagot mula sa kaniya

