"I'm sorry," sabay na sabi ni Troy at Roen. Hindi alam ni Troy kung ano ang sunod na sasabihin at ikikilos nang tuluyang magkalayo ang mukha nilang dalawa. Sigurado si Troy na pareho silang nakalapit sa isa't isa. Nabalot ng hiya si Troy at parang sasabog na ang kaniyang pisngi sa pamumula samantalang hindi naman alam ni Roen kung ano ang gagawin. Pareho silang napapaiwas ng tingin. "H-hindi ko sinasadya..." Nang marinig iyon ni Troy mula kay Roen ay hindi niya batid kung tama bang sabihin nito iyon dahil alam naman nilang dalawa na pareho silang lumapit. Wala na ring nagawa si Troy kundi ang magpaumanhin. "Pasensiya na... Hindi ko rin sinasadya... Siguro tanggapin mo na lang din yon kasi normal na man lang siguro na pasasalamat 'yon sa ibang tao?" Ni hindi sigurado si Troy sa kaniyang

