"Nahihiya ka pa!" natatawang sabi ni Troy kay Roen. Napatawa na rin si Roen hanggang sa sabay na silang tumatawa. "Alam mo, ngayon ko lang naranasan 'yong gan'to... Ang sarap pala sa pakiramdam na may kasama kang tumawa." Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan nang sabihin iyon ni Roen kay Troy. Napahinto naman si Troy sa pagtawa at saka niya pinakatitigan si Roen. Parang nakikita niya ang sarili kay Roen. Sa tantiya niya ay kagaya niya, may pinagdadaanan din itong mabigat na problema sa pamilya. "Bakit? Hindi ka rin ba lumalabas kagaya ko?" natatawang tanong niya kay Roen. Nang sabihin niya iyon ay saka naman ito tumitig sa kaniya. Tila ba pinapakiramdaman nito ang sinabi niya. "Ibig sabihin hindi ka rin lumalabas kagaya ko?" Pagkatapos na sabihin iyon ni Roen ay saka na naman ito humalak

