*CHAPTER FIVE*

1157 Words
"Talaga bang hindi mo na titigilan 'yang pagpipinta?!" Halos masapo ni Roen ang kaniyang dibdib nang biglang pumasok sa kaniyang kwarto ang ama. Kahit na hindi pa niya ito nililingon ay ramdam na niya ang galit nito. Alam na ni Roen kung ano na naman ang kanilang pag-uusapan at nasisiguro niyang pagagalitan na naman siya nito. "Papa, napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Gagawin ko ang gusto mo pero hindi ko papayagan na pati ang hilig ko ay pakikialaman niyo–" "May karapatan ako na pakialaman lahat ng kilos mo lalo na kung 'yang pagpipinta mo ay makakaapekto para sa responsibilidad mo sa pamilya natin. Kung patuloy mong sisirain ang kasunduan natin, sisiguruhin ko sa 'yo na hindi mo makukuha ang mga pansarili mong interes." Pagkatapos nitong magpahayag nang maririing salita ay agad itong lumabas ng kuwarto. Napabuntong hininga na lamang si Roen dahil sa mga sinabi ng kaniyang ama. Para kay Roen, wala na rin namang pianagbago ang takbo ng kaniyang buhay. Patuloy siyang nakakulong sa mga kagustuhan ng kaniyang ama. Habang patuloy niyang ginagawa ang isa sa kaniyang mga obra, hindi naman mawala sa isipan niya ang taong nakasalubong niya kahapon. Hindi niya maiwasan na mapangiti lalo pa at nagkaroon ito ng interes sa kaniyang paintings. Pakiramdam ni Roen ay dekalidad din ang kagustuhan nito sa kaniyang mga ginawa. Sayang lamang at ang paborito niyang sakura blossom ang napili nito. Kung ikukumpara iyon sa ibang ginawa niya ay iisipin na mura ang halaga niyon pero para kay Roen, iyon ang pinaka mahalaga sa kaniya sa lahat ng mga ginawa niya dahil iyon ang pinaka una niyang pininta. Napagdesisyunan na lamang niya na ibenta iyon dahil gusto niyang makita ng ibang tao kung gaano kahalaga ang sining sa industriya. Patuloy na ginagawa ni Roen ang pagpipinta. Bawat punto ng kaniyang ginagawa animo'y isang hininga na magbibigay buhay sa kaniyang ginagawang pagpipinta. Sa kalagitnaan na ng kaniyang ginagawa ay bigla na lamang tumunog ang kaniyang cell phone. Mabilis na naibaling niya ang atensyon mula doon at kaagad din naman niyang sinagot. "What's up?" agad na bungad niya. Napatawa siya nang bigla na lamang tumawa ang kausap sa kabilang linya. "Anong what's up? If you have time, please come here. May naghahanap sa 'yo at kanina pa 'to nangungulit. Dala niya ang isang painting mo na sakura blossom. Gusto ka raw niyang makausap." Halata ngang iritado ang boses ng kaniyang assistant pero mas ikinagulat niya ang mga sinabi nito. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang siyang napatayo at mabilis na nagbihis. "I'll be there in a minute," mabilis na pahayag niya at agad na pinatay ang tawag. Wala siyang pinalampas na segundo. Hindi maaaring hindi niya maabutan ang taong iyon. Kailangan niya itong makausap at sa kung ano pang dahilan ay hindi na rin niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang siya ka-agresibo na makita ulit ang taong iyon. Marami siyang gustong itanong kung bakit ang sakura blossom ang napili nitong bilhin. Sa hindi mawaring kadahilanan ay bigla na lamang siyang napangiti nang sumagi sa isipan niya ang pagtatagpo nila kahapon. **** "Matagal pa ba siya?" iritadong tanong ni Troy sa taong kanina pa niya kausap. "Sir, ang kulit mo. Ang sabi ko, papunta na siya at kung maaari lang po sana, maghintay naman po kayo. Nakakaabala na po kayo sa trabaho ko." Dahil sa sinabi nito ay bigla na lamang tumikom ang bibig ni Troy. Napaupo na lamang siya sa gilid ng bench at doon ay napagdesisyunan na hintayin na lamang niya ang taong hinahanap. Marahil nga ay kanina pa siya nangungulit pero pakiramdam ni Troy ay epekto lamang iyon dahil sa kagustuhan niyang makita si Roen. Habang tumatagal ang kaniyang paghihintay ay mas lalo siyang kinakabahan. Muntik na niyang masapo ang bibig nang maalalang nakalimutan pala ng tao kahapon na bawiin ang valid ID nito na kaninang umaga lamang ay isinuksok niya iyon sa bulsa bago umalis ng bahay at ngayon lang din niya iyon naalala. Dudukutin na sana niya ang ID mula sa kaniyang bulsa nang bigla na lamang siyang may narinig na pamilyar na boses. "Nasa'n siya?" narinig niyang tanong ng isang lakaki sa assistant na kausap niya kanina lamang. Huli na bago pa man din niya mahawakan ang kaniyang bulsa nang makita ang taong hinahanap. "'ayon po siya, sir Roen," tugon naman nito. Dahil sa sinabi nito ay awtomatiko namang nagtagpo ang kanilang paningin. Nakaramdam siya ng kaba nang makitang nakatingin na ito sa kaniya hanggang sa nagsimula na nga itong maglakad papunta sa kaniya. Bawat hakbang nito ay parang dinadalaw siya nang mahihinang kaba sa dibdib. Tinitigan niya ito nang maigi at doon lang napagtanto ni Troy kung gaano ito kamaskulado sa suot na polo shirt at maong pants. Sa simpleng porma nito ay tila ba tinatangay siya nito sa sarili nitong hangin. Hindi na rin alam ni Troy kung ano ang kaniyang hitsura sa mga oras na iyon. Ang tanging nasa isipan lamang niya ay kung gaano kaaya-aya ang bulto nito. "Hinahanap mo pala ako?" Hindi na napansin ni Troy ang paglapit nito at ang sinabi nito sa kaniya. Dahil doon ay agad nabaling ang kaniyang paningin sa mukha nito. Awtomatiko naman na napatiitig siya sa mukha ni Roen. Hindi maintindihan ni Troy kung bakit dumiretso ang kaniyang paningin sa mga mata at labi nito. Hindi niya mawari kung basa ba ang labi nito o sadyang binasa lamang nito iyon at saka siya tinitigan. "Ang sabi ko, hinahanap mo pala ako?" pag-uulit nito. Inahon ni Troy ang sarili mula sa pagkakatitig. Napaiwas naman siya ng tingin mula rito. Mabuti na lamang at hindi nawala sa isipan niya ang ID nito na naiwan kahapon. Sakto na iyon ang gagamitin niya para sabihing iyon ang kaniyang dahilan. "Naiwan mo 'tong ID mo," pahayag niya at saka naman niya dinukot ang ID mula sa bulsa. Napansin ni Troy na agad itong napatingin sa kamay niyang nakalahad. Agad din naman nitong kunuha ang IDu mula sa kaniyang kamay at saka siya tinitigan. "Naniniwala ka na na ako si Roen?" nakangisi nitong tanong sa kaniya habang sunod-sunod ang pagtaas at baba ng magkabilang kilay nito. Hindi alam ni Troy ang isasagot. Batid niyang ito na nga si Roen pero hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Kahit kailan at hindi pa niya naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam. Para bang dinudumog siya ng sandamakmak na daga sa dibdib. Ni hindi niyang magawang tumingin sa mukha nito dahil kapag ginawa niya iyon ay sigurado siyang magiging mapang-asar na naman ang mukha nito. Ikinagulat ni Troy ang biglang paglapit nito sa kaniya kaya kaagad siyang umalma at napaatras. Nakaiwas pa rin ang tingin niya mula rito. "Uulitin ko pa ba?–" "Oo na naniniwala na ako sa 'yo," tipid na sagot niya. Dahil sa sinabi niya ay narinig niya ang pasimpleng pagtawa nito. Ang akala ni Troy ay hindi na ito gagawa ng hakbang pero isang pagkakamali ang kaniyang pag-aakala dahil sunod-sunod na ang paghakbang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD