*CHAPTER EIGHT*

1059 Words

"Saan ka na naman ba pupunta? Mukhang napapadalas na ang paglabas mo nitong mga nakaraang araw, ah?" Bahagyang natigilan si Troy sa paglabas ng pinto nang usisahin siya ng kaniyang ama. Sa mga oras na iyon ay hindu niya alam kung ano ang idadahilan sa ama. Batid niyang nagdududa na rin ito sa kaniyang mga ikinikilos at hindi rin lingid sa kaniyang kaalaman na iniisip na rin nito na baka umalis siya sa bahay nang walang paalam. "May kikitain lang po akong kaibigan," nakatalikod na sagot niya sa ama. Hindi alam ni Troy pero nakaramdam na naman siya ng kaba. "Kaibigan? Sa tinagal-tagal mo rito sa bahay, ni wala akong nakitang kaibigan na dumalaw man lang sa 'yo. Baka naman kung sino-sino na lang ang kinakaibigan mo o baka naman ka-ibigan?" Naging makahulugan ang huling salita nito. Sa hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD