PROLOGUE: STARRING AT THE GRACE OF GALAXY
Prologue: Starring at the grace of galaxy
Katulad ng isang roller coaster, bawat pag ikot ay mapapasigaw ka dahil sa taas nito at sa pagbaba. Makakaramdam ng takot at kaba pero kailangan mong sumabay, sumigaw at sumakay hanggang matigil ang oras. Parang buhay ng tao, minsan kailangan mong sumabay sa problema at agos ng pagsubok kahit mahirap.
Ako si Audrey Nicole Bretana, dalawangpu’t – dalawang taon gulang. Isang babae na lumaking mag-isa. Iniwan sa kalye hanggang napunta sa Isang orphanage. Minsan iniisip ko baka pagod na ang Ina ko sa kaka-alaga sakin kaya iniwan nalang ako sa kalye ng mag isa.
Matapos kong bilangin ang pera sa kahera ay nilagay ko ito sa volt kung saan dito lahat tinatago ang pera para sa kinabukasan ay pupunta ng bangko upang edopisito. Apat na taon na akong nagtratrabaho ako sa isang Cafe Restaurant na pinag mamay ari ng tiyahin ng aking kaibigan na si Stacy. Si Stacy ang unang tao na tumulong sakin simula noong lumabas ako ng orphanage. Nakilala ko siya sa hindi inaasahang pangyayari noon hanggang naging mag-kaibigan kaming dalawa na nauwi sa kaisa - isang pamilya. Hindi ko man kadugo si Stacy pero ang nararamdaman namin sa isat isa ay sobra pa sa pamilya kung iisipin.
Araw – araw ay gabi akong lumalabas ng Cafe Restaurant, ito ay dahil tinatapos ko ang lahat ng gawain bago ako umuwi. Isang daang kilometro ang layo ng restaurant papunta ng bahay at sa apat na taon na paglalakad na ginagawa ko upang makatipid sa pamasahe ay salamat sa diyos dahil ligtas naman akong nakaka-uwi.
Pagkatapos kong seguraduhin ang pera at ang lahat ng gamit sa loob ng restaurant ay nag-desisyon na akong mag-ligpit at umuwi at lampas alas syete na ng gabi. Aking kinuha ang locker sa isang drawer at mga gamit ko sabay patay ng lahat ng ilaw. Pinalitan ko narin ang pangalan na nakasabit sa labas ng pintuan ng CLOSED.
Sinimulan ko ang pag-lalakad ng mag isa habang kinukuha ang isang headset sa aking shoulder bag. Ang musika ang aking naging kakampi sa bawat pagsubok at pagod na nararamdaman ko araw araw. Habang nasa gitna ng daan kung saan ilaw ang liwanag ng daan ay napatango ako bigla sa kalawakan kung saan kitang – kita ang milyong butuin sa madilim na kalawakan. Pansin ko ang ganda nito pero ang mas napansin ng aking mata ay ang buwan at butuin na siyang kay liwanag. Dahil sa ganda ay napatigil ako sa paglalakad sabay upo sa tabi ng highway. Alam Kong hahanapin ako nito ni Stacy dahil sa gabi na ako uuwi pero maaga panaman kaya pinili ko muna langhapin ang malamig na simoy ng hangin habang yakap yakap ang aking bisig na siyang mag isa nagmamasid sa kalawakan.
Ang iba ay nakapag-pahinga na, ka-piling ang mga mahal sa buhay samantala ako ay walang pahinga sapagkat pagod buong araw sa pag-tratrabaho upang maitaguyod ang sarili ng mag isa. Siguro kong hindi ako lumabas ng orphanage ay masasabi kong sa oras na ito ay tulog na rin siguro ako pero hindi ko mahahanap ang aking sarili kong pipilitin kong doon habang buhay at alam iyon ng aking Mother Superior na siyang nag - alaga sa akin bago ako lumabas at umalis ng orphanage. Huminga ako ng malalim sabay pikit ng mga mata kasabay ng kanta na aking pinaparinggan.
Matapos ang ilang saglit ay aking minulat ang mata na sa iyong pagtingin ay makikita agad ang butuin na kay layo. Ang dami kong tanong pero hanggang ngayon ay wala paring kasagutan akong natatanggap. Minsan gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng tumigil sa buhay na puno ng pagod at lungkot.
Kung kaya ko lang sana abutin ang mga butuin sabay hiling sa kalawakan pero sadyang imposible. Sobrang imposible na maging masaya dahil sa kasiyahan dito nagsisimula ang lungkot ng kadiliman.