Chapter 1: First step of reaching the stars
Audrey POV>
Alas syete ng umaga pagkatapos kung bumangon sa sarili kong higaan ay lumabas ako ng silid upang maghanda ng almusal. Sabi ko nga sa inyo ay nakatira ako sa bahay nila Stacy at sa aking pagtitira ay ako ang gumagawa ng mga Gawaing bahay dito. Umaambag rin ako sa kuryente at sa pagkain sa loob ng bahay kapag meron akong sobra pero minsan hindi ito tinatanggap ng tiyahin ni Stacy kaya bilang bawi ko ay ako na ang gumagawa ng gawaing bahay para sa kanila. Nakakahiya rin naman kasi kapag wala akong ambag dito sa loob ng bahay tyaka hindi rin kasi ako sanay na walang ginagawa kapag day off ko.
Tatlong kwarto ang meron sa bahay na ito, isa para kay Stacy, isa para kay Auntie Loyda at isa para sakin. Habang nasa kusina ay pansin ko ang tahimik ng buong paligid kaya habang tulog pa ang mga tao sa bahay na ito ay inilagay ko ang aking atensiyon sa pagluluto ng kanilang almusal bago ako umalis ng bahay. Nagluto ako ng hotdog at itlog para sa kanilang dalawa. Nagtimpla narin ako ng tsa-a para kay Auntie Loyda dahil mahilig ito uminom tuwing umaga sabay sa kanyang pag - almusal. Pagkatapos kung iligpit ang mesa ay pumasok ako ng silid upang kunin ang tuwalya pero bago ako pumasok ng banyo ay hinanda ko muna ang aking susuotin papuntang paaralan upang kumuha ng exam para sa paparating na pasukan sa kolehiyo. Binuksan ko ang closet at pumili ng damit. Gray sleeveles kasama ang short denim jacket at white jeans ang aking pinili. Ngayon ang unang araw kung saan kukuha ako ng exam para sa scholarship program na pinasukan ko. Malaki ang aking pangarap pero ito ay nasira dahil sa isang dahilan na matagal ko narin kinalimutan. Pero ngayon ay mangangarap ulit at wala ng makakapigil pa. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas ako dala ang mga papeles na aking ipapasa. Isinigurado ko ang lahat bago umalis. Ang mesa, ang pagkain at mga bagay – bagay sa loob ng bahay. Binuksan ko ang pintuan ng bahay at dahan – dahan itong sinara kasama ang gate.
Pag kakampi mo nga naman ang tadhana ay tiyak hindi ka mahihirapan sa paghihintay. Nang makalabas ako ay agad akong nakasay kaya segurado ako na makaka-abot ako sa paaralan sa tamang oras ngayon. Alas nuebe ang simula ng examination na aking natanggap sa aking email at isang oras pa ang natitirang oras ko bago makarating sa university. Nang makarating ang sasakyan sa harap ng gate sa malaking paaralan kung saan merong malaking pangalan na gawa sa metal ay nakalimutan kong bumayad dahil sa hindi ko inaasahan na ganito pala kalaki ang aking papasukan sa susunod na buwan. Mabuti nalang at tinawag ako ng konductor upang kunin ang pamasahe kaya kinuha ko agad ang aking petaka at binigay ang bayad kay manong.
Nang makapasok ako sa paaralan ay pansin ko agad ang matang nakatingin sa akin na akala mo naman ay para akong basurang naligaw sa kanilang sobrang linis na tahanan. Sa bagay, halata sa ayos nilang lahat na merong mga ginto at diyamanteng tinatago. Habang lumalakad ako ng mag – isa sa foot walk ay napansin ko ang shoe lace kong nakaapak na ito sa semento kaya tumigil ako ng saglit upang ayusin ito at baka madapaan ko pa ito sa wala sa oras. Nagulat na lamang ako dahil sa isang grupo ng kababaihan na siyang aking nabangga ng hindi sinasadya kaya bigla akong napatingala sa babaeng nabangga ko at hindi ko na nairintas ang shoe lace ko. Babaeng nakaayos at merong magarang mga gamit. Titig niyang medyo mataray sa akin.
“Pasensya na Ms. Hindi ko sinasadya” paumanhin kong sabi. Akala ko ay ganito rin ang kaniyang sasabihin dahil dalawa kaming nagkabanggaan ng pareho pero laking gulat ko ng bigla itong nagtaray sa akin.
“Are you stupid or rather a blind eye?!” mataray na sabi ng babae.
“Ms. Pasensya na talaga pero diba dalawa lang naman tayo nagkabanggaan? Kaya siguro dalawa rin tayo yung may kasalanan” sagot ko.
“So ngayon sinisi mo ako? Ako yung sinisisi mo sa katangahan mo?! What I slap your fa----” biglang putol ng kaniyang salita sabay titig sa aking likod dahil sa boses na aming narinig pareho. Napalingon ako sa aking likuran. Isang babae na merong taas na 5’5. Papunta sa amin habang merong mataray na aura sa kanyang mukha.
“Good morning Ms. Loretizo, Is something wrong?” bungad na tanong sa amin ng babae na.
“Nothing Ma’am, everything here is okay, right girls?” napatingin ako sa babae dahil sa kanyang sagot. Kung hindi dumating ang guro na ito ay muntikan niya na akong sampalin tapos ay sasabihin niyang walang problema?
“Really Ms. Loretizo? Or you are just hiding your colors again? You know what I meant to say, right?”
“Don’t worry Ma’am, but I change now. The truth is she is a new student and she is asking where is the room for examination. Right Girl?” sabay hawak niya ng aking kamay na parang akala mo naman ay magkaibigan kaming dalawa. Tumingin ito sa akin na merong pagbabanta na hindi ko alam kong ano yun kapag sasabihin ko ang totoong nangyari.
“And you are? Are you a new student? ” tanong ng guro sabay tingin sa akin.
“Good morning, Ma’am, yes! I am Audrey Nicole Bretana. The student who applied a scholarship program through online application as I received the email last week. And today is the schedule of my examination based on the alphabetical arrangement that I saw on my email” paliwanag ko
Tingin na merong kilatis na kasama na ikinabigla ko dahil sa hindi ko inaasahan na pagharap sa gurong ito.
“Come with me” seryosong sabi sa akin.
Pumasok kami sa isang opisina na siyang makikita mo ang ibat ibang certificate na nakalagay sa isang cabinet na gawa sa transparent glass. Umupo ako sa isang upuan at pinagmasdan ang buong paligid. Siya kaya ang Dean ng Paaran na ito? Isa ang Yamaguchi na kilala bilang isa sa napakagandang paaralan at sikat sa buong mundo.
“Okay so your name is Ms. Audrey Nicole Bretana, right?” pagsisimula ng kaniyang pagsasalita na ikinatingin ko agad sa kanya ng maayos.
“Yes Ma’am” sagot ko ng simple. Hindi ito sumagot subalit meron itong puting folder na hawak at kaniya itong binabasa habang pasulyap – sulyap ito ng tingin sa akin. Hindi ko alam kong ano ang nasa loob ng puting folder at kung ano ang nasa utak ng Dean pero nakaramdam ako ng kaba habang naka upo sa harap ng kaniyang mesa.
“Just wait Ms. Delos Reyes here on my office. She will be handling you as your proctor for taking the examination. You will get a special test today. Goodluck for the examination!”