Chapter 2: It’s all about Stacy
Audrey POV.
Alas otso ng umaga pagkatapos kung bumukas ng Café Restaurant na siyang sakto naman ang pagdating ni Jane. Isa sa mga kasama ko dito sa trabaho. Matapos kong gawin ang ice coffe cappuccino ni Stacy na siyang naghihintay ngayon sa bakanteng mesa ay nag-paalam ako kay Jane na pupuntahan ko muna ang aking kaibigan bago lumabas sa Counter area.
“Jane ikaw na muna ang bahala dito sa counter, puntahan ko muna si Stacy" paalam ko kay Jane na siyang bumibilang ng mga barya ngayon cash box upang edeposito mamaya sa bangko.
"Sige Drey, di pa naman tayo magbubukas diba?" sagot sabay tanong sa akin.
“Maya – maya pag – umalis na si Stacy tyaka maglilinis pa tayo dito” sagot ko sabay ngiti. Lumabas ako ng counter at pumunta kay Stacy dala – dala ang ice coffee na ginawa ko para sa kanya.
“Wala na akong utang hah! Libre na yan!” sagot ko sabay abot sa kanya. Meron kasi akong utang sa kanya kaya ngayon ay bumabawi at mahirap panaman siyang suyuin kapag nagtatampo.
“Ay bumabawi pero salamat dito bes!” pagpapasalamat sa akin sabay ngiti.
“Akala ko ba tapos na yan kagabi?” tanong ko sa kanya.
Isang Wedding Planner and Organizer si Stacy. Inaral niya ito sa ibang bansa ng apat na taon pagkatapos ay ginawa niya na itong permanenteng trabaho. Meron itong sariling opisina at sariling shop na pinatayo upang hindi mahirapan ang mga kleyente na humanap sa kanya.
“Madami kasi bes na booking ngayon kaya kahit anong puyat ko tuwing gabi ay hindi matapos to tyaka madami pa kasi akong inaayos” paliwanag niya sabay inom ng cappuccino.
“Sinabi na kasi sayo na humanap ka ng assistant para merong tumulong sayo. Di naman kasi araw – araw matutulungan kita” pilit kong mungkahi ko sa kanya.
“Sa susunod nalang bes kapag meron na akong oras para diyan” sagot sa akin pero alam kong wala itong balak maghanap ng assistant dahil matagal ko na itong pinagsasabihan pero kanya laamang itong kinakalimutan. Hindi na ako nagsalita at umiling na lang ako sa kanyang sagot. Kaniyang tiniklop ang laptop at nilagay ang sarili sap ag – inom ng cappuccino.
“Bes, bukas ha? Huwag kang mawawala. Magtatampo talaga ako kapag di ka dumating bukas” paalala sa akin sabay lagay ng cappuccino sa mesa.
Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan ang kaarawan ni Stacy. Bukas nan ga pala iyon at hindi pa ako nakakabili ng regalo para sa kanya. Hiindi pa ako nakakapag – handa ng maisusuot dahil sa daming ginagawa sa restau sabay pa ng examination kahapon na nilakad ko. Bigla akong natahimik ng ipaalala ito niya sa akin. Hindi makasagot dahil sa nakaramdam ako ng konsensya hindi dahil nakalimutan ko kundi dahil wala pa akong naiisip na regalo para sa kanya.
“Oh, bakit natahimik ka bigla?” gulat na tanong ni Stacy.
Sasagot na sana ako ng mahagip ng aking pheripheral ang isang lalaki na merong taas na 5’3. Matipuno at morenong mukha. Matangos ang ilong na merong maliit na mga bibig na kulay rosas. Malabon na mga kilay na merong mahabang malikmata na siyang nagbigay sa kanya ng kagwapuhang mukha.
“Hi Audrey, Hi Hon” singit niya sa aming dalawa ni Stacy ng ito ay makapasok sa restau. David John Tiongson. Karelasyon ni Stacy higit anim na taon. Lumapit ito kay Stacy sabay halik sa kanyang noo pagkatapos ay tumingin sa akin at ako’y nginitian.
“Are you done?” bilog na tono na tanong ni David sa kanya
“Yes, Hon. Tama lang ang pagdating mo” ngiting sagot ng aking kaibigan na merong malambing na boses .
“So, let’s go?” pagyaya ni David sa kanya na siyang ipinagtaka ko.
“Bakit saan kayo pupunta bes?” tanong ko kay Stacy.
“Ay bes! Hindi ko ba nasabi sayo? Aalis kami ngayon para maghanap ng magandang lugar para sa isang photo shoot. Actually, meron na kaming nakita pero hahanap ulit kami ng option para kapag hindi gusto ng kleyente meron kaming option na ipapakita agad” paliwanag ni Stacy
“Ganun ba, sige ingat kayo ah. Bes tawagan mo nalang ako mamaya kung ano oras ka uuwi para masabihan ko si Auntie” sagot ko. Nagpaalam kami sa isat isang dalawa sabay halik sa kanan at kaliwang pisngi bilang simbolo ng aming pagkakaibigan at sanay na si David sa amin dahil kapag kami ang magkasama ay palaging may kaagaw si David sa oras. Ayaw kasing lumayo ni Stacy sa kamay ko kaya minsan hindi ako sumasama sa mga lakad nila upang mabigay ni Stacy ang buong oras kay David. Minsan nga ay sinasabi sa amin ni David na kami nalang daw ang magkarelasyon pero amin lang itong tinatawanan na dalawa. Nang makaalis ang dalawa ay bumalik na ako ng counter area upang merong kasama si Jane sa pag – aayos at malapit ng mag alas - nuebe.
Nang makapasok ako sa counter area at naisuot ko narin ang apron at hairnet ay napatingin ako kay Jane dahil sa mata niyang parang nakadikit sa dalawang magkasintahan hanggang makalabas ang dalawa kaya lumapit ako ng dahan – dahan sa kanyang tenga at ginulat ito.
“Inggit ka?” mahinang boses na aking tanong.
“Hihimatayin naman ako sayo Drey. Para ka namang multo na bigla – bigla nalang nagsasalita” Napatawa na lamang ako dahil sa expresiyon ng kaniyang mukha dahil sa gulat.
“Pano kasi yung titig mo sa dalawa, parang matutunaw na. Alam mo para di ka mainggit humanap ka narin kaya ng sayo” tawang sabi ko ng nakakaloko.
“Drey, seryoso ka jan?” walang modo na sagot niya sabay tingin sa akin. “Di lang kasi mawala sa isip ko tyaka nahihiya naman ako kay Ma’am Stacy, sabihin nun pinagchichismisan kita sa kanya. Magkaibigan pa naman kayo” sabi sa akin na siyang napaisip ako ng husto.
“Bakit? Ano ba yung iniisip mo tungkol sa kanila?” tanong ko na siyang napunta sa seryosong usapan.
“Kasi diba? Matagal ng magkarelasyon si Ma’am at Sir. Meron narin silang mga sariling trabaho at Negosyo. Wala ba silang balak magpakasal? O wala bang balak si Sir David na bigyan ng singsing si Ma’am?” napatingin ako kay Stacy na siyang nakatayo sa labas ng restau at naghihintay kay David. Sa ilang taon na pagkakaibigan namin ni Stacy, isa ako sa saksi kung saan nagsimula ang kwento ng dalawa at kung paano nila nalalampasan ang problema bilang magkasintahan. Hindi ko alam kong magiging sila hanggang huli pero kung ako ang tatanungin? Oras at panahon ang hinihintay ng dalawa.
“Mabuti pa, tapusin mo na yung pagbibilang mo para maka-deposito kana sa bangko” pag – iiba ko ng usapan.
“Ito na nga, tinatapos na!”