Chapter 3: When she meets his enemy
Audrey Pov.
Dahil sa maaga kaming natapos sa pag - bibilang ng kita ngayon ay maaga rin natapos ang lahat ng trabaho sa restau. Pagkatapos kong sumira ng restau ay naisip ko munang gumala sa Mall upang tumingin ng regalo para kay Stacy bago umuwi. Nag-paalam kami sa isat - isa ni Jane. Pinasakay ko muna siya ng taxi pagkatapos ay lumakad naman ako papuntang Mall. Malapit lang naman kasi ito. Pag – lagpas mo ng kabilang kanto ay ang harap nito ay Mall na. Habang naglalakad ako naisip kong makinig ng musika kaya tumigil muna ako sandali sa gilid upang ayusin ang aking telepono at ang headset na ilalagay ko sa aking tenga. Music is one of my comfort zone. Kahit saan ako mag-punta ay di mawawala ang earphone sa akin. Dahil sa mag – isang lumalakad ay di ko na namamalayan na nasa pedestrian lane na pala ako, nag-hihintay na mapunta ang traffic light sa kulay pula.
“Aaaaaayyy! Anak ng tipaklong!” biglang sigaw ko sabay hawak sa dibdib dahil sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat sa busina ng isang kotse na sobrang lakas habang ako ay tumatawid. t***k ng puso na kay bilis pagkatapos ng aking pagsigaw. Akala ko ay masasagasaan na ako. Napaharap ako sa kotseng bumusina sa akin. Isang magara at bagong Porsche na merong halong itim at puting kulay. Isang lalaki ang lumabas na merong taas na 5’5. Akin itong tinitigan habang ito ay papalapit sa akin.
“Bulag ka ba?!” matapang na sabi ng lalaki na ikinagulat ko dahil sa bigla niyang pagsigaw sa harap ko. Sandali?! Bakit parang siya pa ang may Karapatan magalit? Siya nga tong lumabag na muntikan na akong mabangga, diba!?. Hindi parin Nawala ang aking kaba pero pilit kong kinakalma at siya ay sinagot.
“Sir Excuse me lang hah? Baka nagka-mali ata kayo ng tanong, diba ako yung muntikan ng mabangga ng kotse mo? Kaya dapat diba ako yung magsabi sayo nun?” sagot ko na merong sarkastikong tono at siya ay tinignan ng sarkastiko rin.
“What theee…… Are you stupid?! Ikaw yung tatanga – tanga sa daan kaya ka muntikan ka ng mabangga. Buti nga at mabagal ang takbo ko”” talagang sinusubukan ako ng lalaki ito.
“Ano sabi niyo po? Stupid? Tanga?” sarkastiko kong tanong. “ Kung tanga po ako at stupid bakit di niyo po tignan ang traffic light kung ano yung senyales ng pulang ilaw nuh?” ngiting sarkastiko sabay tingin sa traffic light na kaniyang tinignan din.
“Ngayon Sir, sino po sa atin ang tanga at stupid?” tanong ko pero sa seryoso at mataray na mga titig na ibinigay sa kanya.
“Okay fine! It’s my fault, What do you need? Money? I will give you!” napangisi ako tuloy dahil sa sagot niya. Talagang ang yabang mong lalaki. Ganun ba ka liit ang tingin nito sa buhay ng tao? Bigyan lang ng pera ayos na? Di nga marunong humihingi ng sorry at respeto sa babae eh!
“Hindi ko kailangan ang pera mo” sagot ko sabay harap na merong matang matulis at mataray na mukha. Hahabol na sana ako ng salita ng biglang may lumapit sa amin na traffic enforcer.
“Maam, Sir, may problema po ba tayo dito?” singit ng traffic enforcer na lalaki. “Pansin ko po kasi ang haba ng usapan ninyo, Sir, Ma’am paumanhin mo po pero nakakadagdag po kayo ng traffic’ mahinahon na sabi ng traffic enforcer sa amin. Humarap ako ng matapang sa lalaki na nagmamay ari ng Porsche at ito ay tinabihan sabay harap sa traffic enforcer.
“Ay Sir, huwag po kayong humingi ng paumanhin. Kung meron man po dito ay baka yung iba diyan” sagot ko. Napatingin ako sa aking bisig ng bigla niya akong hawakan at tignan ng seryoso.
“What are you doing?” matapang na tanong ng lalaki pero nginitian ko lamang ito at kinuha ang kamay niya sa aking bisig.
“Violation of Traffic Light Signal known as TS10 Driving Offence na nagawa ng aking kasama po na muntikan na akong mabangga dahil sa hindi marunong tumingin ng traffic lightmataray kung paliwanag habang siya ay kaharap.
Kitang – kita ang pagbilog ng kanyang mata ng sabihin ko ang isa sa mga violation na kaniyang nagawa. Kung inaakala niya ay wala akong alam pagdating sa mga violation ay nagkakamali siya dahil minsan na akong nag – aral sa pagmamaneho pero hindi ko iyon itinuloy dahil sa isang malaking dahilan.
“Ganun po ba ma’am, sige po, Sir sumama nalang po kayo sa akin para mapag – usapan natin ito” sabi ng traffic enforcer sa kanya na ikinangisi ko naman habang siya ay pinagmamasdan . Kung kanina ay sobrang yabang nito, ngayon ay parang isang s**o na nagtatago sa sariling shell.
“Sir, kayo na po ang bahala sa kanya ah. Nagmamadali na po kasi ako. Meron pa kasi akong pupuntahan” Umalis ako at iniwan ang lalaki pero bago ako umalis ay tinignan ko ito at nginitian ng nakakaloko sabay pagtataray.
(kung akala niya ay madadaan niya ako sa tapang at yabang niya, ngek!ngek! niya nuh!)