CHAPTER 95 Habang pinagmamasdan ko siya at nakikita ko sa mga mata niya ang kanyang pagtatangi sa akin ay nanghihina ako. Parang gusto ko na rin uling subukan. “Alam mo bang sa tuwing pinagmamasdan kita at hindi ko masabi sa’yo ang gusto kong sabihin dahil alam kong hindi mo ako sasagutin, na hindi mo sa akin masabi ang mga gusto kong marinig, papasok lang ako sa opisina ko, tahimik na tititig sa kawalan, hindi ako mapakali. Napajabigat sa dibdib. Nagsisigaw sa nakasaradong pintuan. Sa ganoon ko na lang inilabas ang aking hinanakit at takot na baka masanay ka na lang na ganito tayo hanggang sa aasa lang talaga ako na mahalin mo rin ako pero hindi kailanman mangyayari. Lalabas akong sinasarili lang yung nararamdaman kong pagkabigo. Lalo na kung nagkikita tayo sa hallway o kahit saan dito

