bc

After We Met (Completed)

book_age16+
120
FOLLOW
1K
READ
billionaire
mxb
lighthearted
city
cheating
first love
lies
secrets
slice of life
passionate
like
intro-logo
Blurb

Felicity Dela Torres is just a simple girl who dreams of a happy and healthy relationship with her boyfriend, Luis Fajardo.

Luis Fajardo loves his girlfriend, but his dark secrets turn their happy relationship into a nightmare.

Cover is not mine. Credits go to the rightful owner.

chap-preview
Free preview
After 1
"FELICITY pupunta ba ang nobyo mo dito?" tanong sa akin nang kababata ko na matalik ko ring kaibigan. Kanina niya sa akin tinatanong yan, Mas excited pa ata siya kaysa sa akin. "Miah alam mo namang malayo at mahaba ang byahe papunta rito kaya matatagalan siya pero sigurado akong pupunta siya rito." Galing siya maynila patungo dito sa probinsya at alam kong mahaba ang magiging byahe niya kaya sigurado akong aabutin siya ng gabi bago makarating dito. Lagi bumisita si Luis dito simula ng sinagot ko siya isang taon na ang nakalilipas pero may mga araw na hindi siya kakapunta dahil may trabaho pa siyang inaasikaso kaya naiintindihan ko kung hindi siya makakapunta dito. Isa itong negosyante kaya paiba ibang lugar ang kailangan niyang puntahan. Naalala ko pa kung paano kami nagkakilala noon, Nang tinulungan niya ang mga magulang ko sa pamamagitan ng pagbili niya sa lupain na sinasakahan ng aking mga magulang sa kadahilanang ibebenta na ito ng may ari at kapag naibenta iyun ay wala na kaming mapagkukunan ng pagkain sa araw araw, kaya nang binili niya iyun ay labis kaming nag aalala na baka may gawin siya sa lupain na iyun ngunit labis naming ipinagpasalamat na hindi niya ginalaw ang lupa Imbes ay hinayaan niya ang aking mga magulang at ibang pang magsasaka na patuloy magsaka sa lupain na yun. Hindi naging mahirap sa amin ang paalis alis niya dahil may tiwala naman kami sa isa't isa. Pati gusto niya akong pasamahin sa kanya pero ayaw ko sapagkat ayokong iwan sila nanay dito lalo't baka kailanganin nila ako. Saka uso ang internet at social media ngayon kaya videocall pwede na. Basta nagkakaroon kayo nang communication sa isa't isa. Natigil kami sa pagkukuwentuhan ni Miah nang lumapit sa amin ang isa namin katrabaho. "Felicity pwedeng ikaw muna sa cashier, magbabanyo lang ako please" pakiusap sa akin nang katrabaho ko. Tumango ako sa kanya kaya labis ang saya at pagpapasalamat nito sakin bago pumasok sa banyo. Pinasa ko muna kay Miah ang ginagawa kong kape para sa customer namin. Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop habang nag aaral, mahirap man pero kakayanin. Konting tiis nalang ga-graduate na ako sa kursong nursing. "Can I take your order, sir?" sabi ko habang nakatingin sa screen. "Yes Mrs. Felicity Fajardo" nag angat ako nang tingin at mukha ng aking nobyo ang bumungad sa akin. Hindi pinahalata na nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa harap ko. "What is your order sir?" pigil ngiti kong sabi. Na-miss ko siya sa ilang linggo na lumipas na hindi kami nagkita. Patagal nang patagal pa-gwapo siya ng pa-gwapo sa paningin ko. Lalo na sa suot nitong polo na black na hapit sa kanya. Bakat ang biceps niya at dapat ako lang nakakakita niyan. "You" Focus Felicity nasa trabaho ka, kailangan may professionalism ka parin. Huwag kang kiligin sa banat niya. Mamaya nalang after work. "Sir hindi po ako kasama sa menu" seryoso kong sabi. Ngumiti ito kung kaya't lumabas ang dimples nito. "I know love, but I want you." Awtomatikong namula ang pisingi ko sa sinabi nito. Grabe naman 'tong maging kong boyfriend dito pa nagkalat. Lumapit si Miah at tumabi sa akin. "Uy tigilan niyo muna yan, maraming customer oh" nguso nito sa mga taong nasa likod ni Luis. Nakakahiya lalo na sa mga taong nakarinig ng paglalandian namin ni Luis. "Ako na nga dyan" pinatabi ako nito at siya na ang pumalit sa pwesto ko. Nginitian ko siya at nagpasalamat bago tumungo kay Luis. "Let's go" pinagsiklop nito ang aming mga kamay. "Wait" pigil ko at tinanggal ang apron na suot ng hindi naghihiwalay ang aming mga palad. Ayos lang naman kina Miah na lumabas muna ako sa coffee shop kahit hindi breaktime dahil ito palang naman ang unang beses. Hindi ko pinapabayaan ang trabaho kapag nandito si Luis ngayon lang. Saglit lang kami baka kasi pagbalik ko marami ng customers at hindi na makayanan nila Miah yun. Sumaglit kami sa isang karinderya malapit sa coffee shop para less hassle. Parehas kaming hindi pa kumakain ng umagahan pati panghalian. Napuno ang lamesa namin ng pagkain at tawanan. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga nangyari sa mga araw na hindi kami magkasama. Ayaw namin ni Luis na magkaroon ng pag aawayan kaya mas maganda ay open kami sa isa't isa. "Love promise me kahit anong mangyari hindi mo ko iiwan." Kahit mayroong pagtataka ay dinaan ko nalamang iyon sa mahinang tawa. "Love naman!" pagmamaktol nito. "Oo na, promise" natatawa tawa kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain namin habang nagkukuwentuhan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook