After 2

1361 Words
NAGING MAAYOS ang takbo sa lumipas na mga araw na magkasama kami ni Luis. Hatid sundo niya ako kapag papasok ako sa trabaho. Pagkatapos sa trabaho ay diretso sa unibersidad na pinapasokan ko at siya rin ang naghahatid at sumusundo sa akin. Kapag rest day ko naman ay lumalabas kaming dalawa o kaya doon lang kami sa bahay. Pero ngayong araw ay aalis siya dahil may aasikasohin siya sa kanyang kompanya kaya baka matagal siya bago pumunta ulit dito. Kaya makakapag usap lang kami thro social media account kasi magastos kapag text. Magiging LDR ulit ang magiging set up namin na ayos lang sakin basta nagkakaunawaan kami sa isa't isa. Wala pang minuto ng pag alis niya ay nakaramdam na ako ng pangungulila sa kanya. Para maibsan ang aking pangungulila ay pinili kong pagtuonan nalang ng pansin ang pag aaral at pagtatrabaho. Hindi ko namalayan na dalawang linggo na pala ang nakakalipas simula nang huli niyang punta dito. Ito ang unang beses na nangyari ang hindi pagpunta niya dito sa buong dalawang linggo na nakalipas. "Miah pwede mo ba akong samahan?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng unibersidad. Magkaiba kami ng kurso pero may araw talaga na parehas ang oras ng labas namin. Magkapitbahay lang din kami kaya sabay kami lagi kapag umuwi. "Saan?" "Sa maynila" tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "Anong gagawin natin doon?" Taas kilay nitong tanong. "Nag aalala kasi ako kay Luis, baka kasi may nangyaring hindi maganda sa kanya." Higit sa hindi niya pagpunta dito ay hindi rin siya nasagot sa tawag ko at message ko sa kanya. Halos lahat ng social media account niya ay naka deactive. Mas lalo akong nag aalala dahil unang beses 'to na literal na hindi siya nagparamdam sakin. "Sige pero paano yung pamasahe natin?" bakas sa mukha nito ang pag aalala. Naiintindihan ko naman yon dahil may sakit ang nanay nito at maraming gastusin. "Ako nang bahala" may ipon naman ako galing sa tirang baon ko ayun nalang ang gagamitin namin pamasahe. Wala akong naging gastos sa pagbabayad sa tuition fee dahil may scholarship ako galing mismo sa university kaya nakakapagtabi ako nang pera. Galing sa sahod ko. NAGHANDA na ako nang susuotin para sa pag alis namin ni Miah bukas, nagsabi na ako kina tatay at ayos lang sa kanila basta daw ay mag iingat ako doon. Pagkahiga ko sa kama ay mabilis akong nilamon ng antok. Pagkagising ko ay bumangon na ako para maligo at nang matapos ay kumain kasabay sila nanay. Hindi ako nahihirapang gumising ng maaga dahil nasanay na ako lalo minsan ay kapag may sakit sila nanay ay ako ang nagsasaka at nagluluto. Lalo na only child lang ako. Ako lang pwedeng asahan nila nanay. Pagkatapos kumain ay nagsepilyo na ako at nang natapos ay nag ayos ako ng sarili para maayos ang aking itsura kapag nandoon na ako. Habang nag aayos ay kinuha ko yung cellphone at pagbukas ko ay mensahe galing kay Miah. Hindi raw ito makakasama dahil walang magbabantay sa nanay nito na may sakit. Nakaramdam ako nang konting dismaya pero ayos lang dahil mas kailangan siya ng nanay niya. Ni-replyan ko ang mensahe nito at sinabing ayos lang. Matapos akong makapag ayos ay nagpaalam na ako kina nanay. ** Naging mahaba at matagal ang byahe dahil naabutan ako nang traffic kaya tanghali na ng makarating ako sa kompanya na pagmamay ari ni Luis. Hindi naging mahirap sa'kin ang paghahanap sa kompanya na pagmamay ari ni Luis lalo't kilalang kompanya ito ngunit nahirapan ako sa paghahanap ng pwedeng masasakyan papunta dito. Pagkarating ko ay naglakad ako palapit sa guwardiya upang magtanong. "Kuya pwede po bang magtanong?" sabi ko habang sumisilip sa loob. Baka kasi magkataon na magkita kami ni Luis dito. May iba ay napapatingin sa akin tapos kung makatingin ay para bang taga ibang planeta ako. "Ano po yon ma'am?" tugon nito. Binalik ko ang tingin sa guwardiya. "Kuya alam niyo po ba kung nasaan si Luis Fajardo?" nakangiti kong tanong. Nakaramdam ako nang saya dahil baka matulungan ako ni Kuya para makapag usap kami ni Luis. Mukhang nagulat ang guwardiya sa tanong ko. "Sir Fajardo po, ma'am?" halatang bigating tao talaga ang boyfriend ko. Tumango ako. "Yes, pwede ko ba siyang makausap?" tanong ko at muling sumilip sa loob ngunit wala akong nakitang Luis. "May appointment po ba kayo?" pag uusisa nito. Alam ko naman na kailangan yon especially sa negosyante na kagaya ni Luis pero hindi ko alam kung paano ako magpapa appointment lalo't ni-text and tawag nga ay hindi sinasagot ni Luis eh. Umiling ako. "Wala po, pero kilala ko yung boss niyo" umaasa ako na sana ay pumayag si kuya. "Sorry ma'am hindi niyo po talaga pwede makausap si sir kung wala kayong appointment" paumanhin nito. Nakaramdam ako nang matinding pagkadismaya pero kailangan ko lang talaga makausap si Luis para maklaro kung ano bang problema. "Kuya please" pagmamakaawa ko ngunit umiling ito. "Hindi po talaga p-" hindi natuloy ang sasabihin nito ng dumiretso ito nang tayo at bahagyang yumuko. "What's happening here?" Lumingon ako nang may nagsalita galing sa aking likuran. Dalawang babae, isang nasa 50 na ngunit hindi masyadong halata sa itsura. Nakakaintimitida at sopistikada ang kanyang hitsura kaya kahit sino ay kakabahan kapag kaharap ito. "Who are you? And what are you doing here?" nakataas ng kilay na tanong ng babaeng na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin. Base sa kung paano 'to tumingin sakin na siyang may halong pandidiri ay halatang may pagka matapobre ito. "Ako po si Felicity, gusto ko lang po makausap si Luis" sagot ko nang may paggalang kahit nakakainsulto kung paano siya tumingin sa akin. Hindi ako pinalaki ng magulang ko na maging bastos. "Anong kailangan mo sa anak ko?" Nagulat ako nang bahagya. Hindi ko akalain sa gantong sitwasyon pa kami magkikita at magkakilala ng mama ni Luis. "Gusto ko lang po siya makausap" malumanay at may paggalang kong sabi. Tumaas ang kanang kilay nito sa sagot ko. "At bakit?" nakaramdam ng kakaiba sa pag uusap na 'to na para bang sinasabi na umalis na ako. "Nag aalala po kasi ako sa kanya, ilang araw niya na po kasi hindi sinasagot ang tawag at text ko sa kanya" magalang kong pagpapaliwanag. "Ano ba kayo ng anak ko?" Nakaramdam ako ng konting pagkadismaya dahil hindi man lang ako na ikuwento ni Luis sa mama niya. "Girlfriend niya po ako" diretsa kong sagot. Napasinghap ang mama ni Luis sa sinabi ko at tumingin sa katabi niyang babae. "What did you say, b***h?" galit na sabi nung babaeng kasama ng mama ni Luis. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang reaksyon nito. "Girlfrie-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito na nagpaestatwa sa akin. "So you are his mistress,huh?" Mistress? May asawa si Luis kaya ba hindi niya ako nakukuwento sa mama niya dahil kabit niya ako. Halo-halo ang nararamdaman ko, pandidiri at galit sa sarili. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin at mabilis na hinigit ang buhok ko. "I will f*****g kill you, b***h" kinaladkad ako nito gamit ang aking buhok na hawak niya. Napahiga ako sa semento at pilit na tumatayo pero dinaganan ako nito at pinagsasampal. "Tama na po please" nagmamakaawa kong sabi kasabay ng pag iyak ko. Sasampalin na sana ako nito ulit ng may humawak sa pulso nito at hinila paalis sa pagkakadagan sa akin. "Anak" nag angat ako nang tingin at nagkasalubong ang aming mga mata ni Luis. Walang emosyon 'to na para bang sinisisi ako nito. "Hubby" kung kanina ay para itong tigre ngayon ay bigla itong naging maamong tupa. "Umalis ka na" nanatili itong nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi iyun. "Luis" ayun lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. "Umalis ka na" ulit nito. Tumayo ako at inayos ang aking gulong buhok. Kinuha ko ang aking bag na dala at hindi pinansin ang mga mapanghusga nilang tingin sa akin. Nalipat ang aking mga mata sa dalawang babae, kapwa ito nakangisi sa akin para bang sinasabi na tama lang sa akin ito. Kinagat ko ng madiin ang aking pang ibabang labi para pigilan ang hikbi na gustong kumuwala sa aking bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD