"What's your order, sir?" seryoso kong tanong habang nakatingin sa monitor. No'ng pagkauwi ko ay binuhos ko ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko sa pag iyak sa buong araw na yon.
Hindi man mabilis ang healing process pero alam kong kakayanin ko. At mas napagtanto ko na bakit ko iiyakan ang taong nagtanggal sa'kin ng dignidad bilang babae, ginawa akong kabit na wala akong kamalay-malay. Kung sinabi niya sana nang maaga edi sana hiniwalayan ko na siya. I do not condone men such as him, who engage in cheating behavior.
"Let's talk, please" marahas akong napabuntong hininga. Nandito nanaman siya. Ilang araw na ang nakakalipas simula nang mangyari ang insidente na yon. At hindi na ako tinantanan ng taong 'to. Ayoko siyang maka usap baka makapagsalita pa ako nang hindi maganda.
Pumupunta siya lagi dito tuwing umaga dahil gusto niya akong makausap pero ako ayoko lalo na sa manlolokong kagaya niya. Hindi pa siya nakuntento sa asawa niya at ginawa niya pa akong kabit niya.
"Sorry, sir, we're not allowed lalo na sa oras ng trabaho" walang emosyon kong sagot. Ayaw ko man magsayang ng laway sa kanya pero kailangan dahil customer siya.
"Okay, hihintayin nalang kita" napakatigas ng bungo ng taong 'to. Umalis ito at humanap ng upuan na malapit sa may counter. Napairap nalang ako sa hangin, akala mo naman kapag nag antay siya dyan kakausapin ko siya.
Hindi ko nalamang pinansin ang presensya nito at pinagtuonan ko nalang ang mga customer dahil dumadami na. Puro mga estudyante ang aming mga customer kapag sumasapit ang tanghaling tapat dahil malapit ang coffee shop na 'to sa university na pinapasokan ko kaya maraming mga estudyante na pumupunta dito para uminom at kumain kapag breaktime nila.
Hindi ko namalayang lunch break na pala kung hindi pa ako kinulbit ni Miah. "Uy Lunch na hindi ka pa ba kakain" napatingin ako sa wall clock. Saktong 12:30 na ng tanghali.
May iilan na customer na kumakain at uminom ng kape nila kay. Tinawag ni Miah yung isa naming kasamahan sa trabaho para pakiuspan na siya na ito muna ang pumalit sa pwesto ko. Walang pagdadalawang isip ito pumayag dahil alam naman daw nito na hindi pa kami kumakain kaya ayos lang sa kanya kung siya muna. Panatag kami ni Miah na mamaya pa dadami ulit ang customer dahil mamaya pa mag uuwian na ang mga estudyante.
Tinanggal namin ang apron na suot suot namin. Nakalingkis si Miah sa aking braso habang naglalakad kami palabas ng coffee shop ngunit hindi pa kami nakakaabot sa pinto ay hinarang kami ng kung sino. Si Luis.
"Love, please, let's talk" bakas sa boses nito ang pag sumamo.
May parte sa sarili ko na gustong pumayag at may parte ding ayaw. "Hindi pwede makipag usap ang kaibigan ko sa kagaya mo" sabat ni Miah at tinago ako sa kanyang likuran.
"Love please" Hindi pinansin ni Luis si Miah at pilit na gustong hawakan ang kamay ko.
"Pwede ba tigilan mo na yung kaibigan ko" galit na sabi ni Miah. Napatingin ako sa paligid at mukhang takaw kami sa atensyon dahil nakatingin ang ibang mga customer sa amin.
"Umalis ka na, pwede ba" bagay sila ng asawa niya parehas gusto laging gumawa ng escandalo.
"No, Hindi ako aalis hangga't hindi ka nakikipag usap sa akin" diin nitong sabi.
"Bahala ka sa buhay" walang emosyon kong sabi at iniwan siya doon. Sabay kaming naglalakad ni Miah patungo sa karinderya na malapit sa coffee shop na pinagtatrabohan namin.
"Sorry nga pala dahil hindi kita na samahan noong pumunta ka sa manila, kung sumama sana ako edi sana hindi napagtanggol man lang kita sa mga iyon" naikuwento ko sa kanya pati narin kina tatay yung nangyari nung pumunta ako sa pinagtatrabohan ni Luis.
"Wala ka dapat ihingi ng tawad, pati naiintindihan ko naman kung bakit ka hindi sumama" sabi ko at tinuro ang mga ulam na gusto namin sa tindera.
"Kahit na noh! Edi sana kung nandoon ako sinabunutan ko yung babaitang yon pati narin yung nanay ni Luis" nanggigil nitong sabi sabay kuha doon sa tray na may mga ulam at kanin na inorder namin.
Nilapag nito ang tray na may pagkain sa table na napili namin. Tinanggal nito ang mga mangkok na may ulam sa may tray. "Kalma Miah tapos na nangyari na wala na tayong magagawa pa" malumanay kong sabi at kumuha ng dinuguan.
"Paano ako kakalma Felicity sinaktan ka ng nanay at asawa nung g-gong mong ex" sabi nito sabay subo sa kanin na may sabaw. Nagpadala ako nang mensahe kay Luis no'ng araw na yon na nagsasaad na nakikipaghiwalay na ako sa kanya.
Wala akong naging tugon sa sinabi niya at sumubo nalang ng kanin na may dinuguan. Ayokong pahabain ang usapan na'to dahil baka kung saan pa mapunta.