After 4

1350 Words
Sa sampong taon na lumipas ay naging maayos ang takbo ng buhay ko. Lalo na ng mahawakan ko ang pinaka pinapangarap ko na diploma na pinaghihirapan ko pati nang mga magulang ko. Hindi man naging madali ay nakayanan ko dahil nandyan sila nanay. At labis kong pinagpapasalamat sa may kapal ng makapasa ako sa Licensure Exam. Kinausap ko si Luis months before my graduation, nakiusap ako na huwag niya na akong gulohin pati ang mga magulang ko o kahit sino na malapit sakin. Pinagpapasalamat ko na nakinig siya sa pakiusap ko at wala nang ginugulo si Luis na kahit sino. Naging tahimik ang buhay ko sa ilang buwan ko sa unibersidad pero nandalian lang yon dahil pinuntahan ako nang asawa ni Luis at pinaalis ang mga magulang ko sa sinasakahan nila na siyang kinagagalit ko pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman namin lupa yon. Nang matanggap ko ang diploma at makapag take ng exam ay napag pasyahan nila tatay na tanggapin ang alok ni Tita na pansamantalang tumuloy sa bahay nito sa manila habang nagtatrabaho ito sa saudi bilang isang katulong doon. Tutal ay wala itong anak sa namatay nitong asawa kaya walang gagamit ng bahay. Tsaka si tatay lang naman ang nag iisa nitong kapatid kaya pinagkatiwala niya kay tatay ang bahay. Nag resigned muna ako pinagtatrabuhan kong coffee shop bago kami umalis. Nag uusap parin kami ni Miah hanggang ngayon thro videocall at message after kong magresign sa trabaho. Nang makapasa sa licensure exam ay naging intern ako sa isang hospital sa manila at nang makapag ipon ay tumungo sa ibang bansa para magtrabaho sa tulong ni tita. Nagdesisyon akong bumalik sa pinas ng makapagpundar na ako nang bahay para kina nanay syempre pati sariling kong bahay at sasakyan. Syempre hindi dapat mawawala ang savings at insurance, incase na may mangyari sa akin ay hindi na magkakaroon ng problema sila nanay. Naging mahirap man sa akin ang mga yon pero kinaya ko. Nang makabalik ay nag apply ako sa isang kilalang hospital sa manila sa kabutihang palad ay natanggap ako. Maayos ang takbo ng buhay ko pero nang makilala ko yung lalaking nag ngangalang Luke Farjado ay nagbago ang lahat simula nang gulohin niya ako at umabot sa niligawan niya na ako. Sa limang buwan na pangliligaw niya sa akin ay sinagot ko siya hindi dahil magpinsan sila ni Luis. Kundi dahil napapamahal na ako sa kanya. Nalaman ko kay Luke na magkapatid ang father niya at father ni Luis kaya sila naging magpinsan. Naikuwento ko ang nangyari noon sa amin ni Luis at wala man lang akong nakitang panghuhusga sa kanyang mga mata ng marinig niya ang kinuwento ko sa kanya tungkol sa nakaraan ko. Tanggap niya ako at mahal niya ko. Mahal ko rin siya. "Mahal pwede bang ikaw nalang ang sumama sa akin" nakanguso nitong sabi tila nagpapacute. Gusto niya kasi ako ang kasama niya para mag assist sa isang pasyente. Kilala si Luke sa pagiging seryoso nito at pagkakaroon ng professionalism pagdating sa trabaho pero kapag umiiral ang pagiging clingy niya ay nagiging isip bata. Isang OB GYN doctor si Luke dito sa hospital kaya lagi kaming nagkikita. Hindi kami nag uusap dati kapag nagkakataon na nagkikita kami. Kaya ganun nalang ang gulat ko nang sinabi niya na gusto niya ako. "I like you Felicity" napakurap ako nang ilang beses dahil sa sinabi ni Doc. Luke. Paano nangyari yon eh bilang lang sa daliri ang pag uusap namin at lahat yon ay tungkol pasyente kaya parang imposible na magustuhan niya ako. "Doc, satingin ko ay infatuation lang yan dahil napaka imposible na magustuhan mo ko nang ganon kabilis" dalawang buwan palang simula nang magtrabaho ako dito. "No, I really like everything about you. I like you as woman" hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon o sasabihin ko. "Oo na, pasalamat ka at wala si Doc. Klay kung hindi parehas tayo papagalitan n'on" pigil kong ngiting sabi. Nakakrus ang aking mga braso habang nag iintay na bumukas ang elevator. Si Luke naman ay nakapulupot ang braso sa beywang ko. Kapag sinusumpong ng pagiging possessive at clingy si Luke ay nagugulat nalang ang mga katrabaho namin kung paano ito magpapansin sa akin. Sa two years na magkarelasyon kami ay nasanay na ako. Kahit sila nanay ay natatawa nalang kapag biglang sinusumpong si Luke kapag bumibisita sa bahay. Sumisilip ako sa relong suot ko dahil baka magtagal kami sa pag aantay ay maubusan pa kami ng oras dito. Parehas kami ni Luke na nagugutom na kaya naisipan namin na kumain sa malapit na mall ngayong breaktime. Habang nakatingin sa pinto ng elevator ay si Luke naman ang siyang pumipindot ng botton sa gilid. Nang magbukas ang elevator ay natigilan ako nang makita kung sino ang nasa loob. Si Luis kasama ang asawa nito na mukhang nagdadalang tao dahil sa maliit na umbok sa tiyan nito. Sabay kaming pumasok ni Luke sa loob at hindi pinansin ang dalawa. Nang magsara ang elevator ay ako na ang pumindot sa botton patungo sa ground floor. Nabalot ng tensyon ang loob ng elevator ngunit naging kalmado lang ako dahil wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa. Si Luke naman ay bahagyang inaamoy at nilalaro ang buhok ko. "Luke, hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo, I assumed that she was the girl you'll introduce at our family dinner on Saturday." Actually inimbita ako ni Luke pati nang mga magulang niya na pumunta sa family dinner nila sa saturday, pumayag ako since tanghali naman yon at nightshift ako sa araw na yon. Nang pinakilala ako ni Luke sa mga magulang niya ay ang akala ko ay papaalisin nila ako dahil baka hindi nila ako gusto para kay Luke pero hindi sinalubong nila ako nang yakap. Sinabing natutuwa sila na may natagpuan si Luke na babaeng magpapasaya dito at akala nga nila ay tatanda itong binata dahil sa edad na 36 ay wala nang muling pinakilala sa kanila na babae. Tinanong ko si Luke kung naisip niya ba na mag asawa noon bago niya ako makilala ngunit ang sagot nito. 'Hinihintay kasi kitang dumating.' Balak daw nila sana ipagkasundo si Luke sa anak ng kaibigan nila ngunit hindi nila tinuloy dahil baka hindi maging masaya si Luke at mapilitan lang. Mabuti pa sila kahit mayaman ay hindi matapobre. "Yeah, she is." Walang emosyon na sabi ni Luke at hindi man lang humarap sa asawa ni Luis na siyang nagtanong. "Oh, really, I didn't know na pumapatol ka sa babaeng mahilig sa may asawa, what a cheap woman" pang uuyam nitong sabi ngunit halata sa boses nito ang tinatagong galit. Excuse her, anong mahilig sa asawa eh ni-hindi ko nga alam na ginawa akong kabit ng asawa niya eh. Kung alam ko tapos tinolorate ko ayun matatanggap ko ang pang iinsulto niya sa akin. Humarap sa kanila si Luke. "Can you please shut your mouth and mind your own business? Bakit hindi mo pakielaman ang asawa mong manloloko at hindi ang girlfriend ko" sagot ni Luke sa asawa ni Luis. Tila umatras ang dila nito sa sinabi ni Luke dahil masama ang tingin nito sa akin. Oh ano ka ngayon! Kita ko sa pinto ng elevator ang tingin nilang dalawa sa amin kahit hindi kami humarap sa kanila. Lalo na si Luis na matiim na nakatitig sa akin. Humarap muli sa kanila si Luke. "Si Luis ang nangloko sayo at walang alam ang girlfriend ko na may asawa na yang g-gong yan" nagtatagis bagang sabi ni Luke. Pagkasabi niya non ay yumakap ito sa akin na tila pinapakalma ang sarili. "Ayos ka lang ba?" may pag aalala nitong sabi. Nakangiti akong tumango sa kanya dahil totoo naman na ayos lang talaga ako. Wala namang epekto sa akin yon. Nang bumukas ang pinto ng elevator kung saan kami ay akala ko ay lalabas na kami pero nagsalita si Luke. "Don't ever call my girlfriend a cheap woman, dahil kung hindi ako mismo ang makakalaban mo." may pagbabanta na sabi ni Luke at pinaglapat ang aming mga palad bago ako hinila palabas ng elevator na para bang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD