Brandon's POV Nakalabas na daw sina Mia ng utusan ko ang tao ko na tingnan ito sa hospital. Alam kong wala itong bahay kaya pinahanap ko ito sa tao ko. Nakaramdam ako ng awa dito dahil sa edad nito ay nakaranas na agad ito ng hirap at matinding obligasyon. Natawa ako ng maalala ko ang mukha nito ng una ko itong makausap bago ko pa bilhin sa bar. Malakas ang loob nito, marahil dahil narin sa pinagdaanan nito sa buhay. "Boss paakyat daw si Sir Lucas," sabi sa akin ng sekretarya ko. "Ano ang kailangan ni Papa at maaga itong pumunta dito sa opisina ko," bulong ko sa sarili ko. "Brandon!" sabi nito pagpasok. "Ano itong nababalitaan ko na parati kang nakatambay sa isa mong bar na bago mong binili?" bungad sa akin ni Papa. "Ano naman ngayon sayo Dad at negosyo ko naman ang bar," inis

