Pagdating namin sa ilalim ng tulay ay binati agad kami ng mga nakatira doon. Binigyan pa kami ng lugar para kami makapagpahinga. "Maraming salamat po sa inyo," masayang sabi ko sa kanila. "Naku walang anuman. Sino pa ba naman ang magtutulungan kundi tayong mahihirap lang din sabi ng katabi namin. Inayos namin ang aming mga gamit at higaan bago kami nagluto at kumain. "Inay, Jasmine magpahinga na muna kayo dito ha at ako ay mangangalkal lang ng basura para mabenta ko bukas ng umaga," paalam ko sa kanila. "Ha? Anak bukas nalang kasi nabasa ka ng ulan baka masobrahan ka na din ng pagod," pag-aalalang sabi ni inay sa akin. "Inay kailangan ko pong magkapera kasi sa susunod pa na linggo ang pasok ko. Ayoko naman din pumasok na agad kahit magaling na ang kamay ko kasi wala na akong matatang

