Ngayong pati hairstyle ni Miley Cyrus ay uso na din…
“Barbie, ano na? Lulubog na ang araw nakahilata ka pa rin dyan, bakla! Galaw-galaw din pag may time,” singhal ni Daniella kay Barbie na nakataas pa ang dalawang kamay sa higaan niya kaya naman todo exposed ang kili-kili nito na parang pwede nang pamugaran ng mga kuto. “Bumangon ka na nga dyan!” Inalog-alog niya si Barbie hanggang sa tuluyan itong magmulat ng mga mata.
“Bukas na lang natin kuhanan ng picture ‘yang bagong swimsuit mo. Please? Inaantok pa ‘ko,” reklamo ni Barbie.
“Hindi pwede! Kailangan ko nang i-post ‘to ngayon at naghihintay na ang mga followers ko. Sige na, saglit lang tayo, promise.”
Kasalukuyan silang nasa resort ng Visayas State University dahil doon ginanap ang bloggers conference kung saan isa siya sa tatlong panellist na kinuha para mag-discuss tungkol sa new trend sa fashion blogging. At ngayon nga ay huling araw na nila sa VSU. Bukas ng hapon ay babalik na sila sa Maynila.
After winning the Young Fashion Blogger Competition 2013, a lot of opportunities came into her doorstep. For once, she was chosen to be the ambassador of Xyza Inc.—a reputable clothing company in the Philippines—for two years. Her contract with Xyza Inc. has expired three years ago. But during those years, she was able to make a name for herself. She became in demand in the fashion world. She then became a television and print ad model. But most of the time, she would like to regard herself as a freelancer.
“Hindi ka talaga tatayo dyan?” tonong pananakot niya kay Barbie. “Sige wala kang 13th month pay…”
Tumayo na siya sa harap ng vanity mirror at isinukbit sa balikat ang DSLR niya. Pero bago pa man siya makalabas ay nakatayo na si Barbie mula sa higaan.
“Nakakainis naman ‘to. Kung hindi ko lang kailangan ang 13th month pay ko, hindi talaga kita sasamahan. Sarap-sarap matulog eh.”
“Tama na ang reklamo. Halika na at talagang lulubog na ang araw. Sayang ang view, bilis!”
At nagpatiuna na siya papunta sa gawi ng swimming pool kung saan sa tingin niya ay mas maganda ang view. She passed the camera to Barbie. Bahagya niyang inayos ang nagulo niyang buhok at nagsimulang mag-pose sa harap ng camera.
It was two years ago when they found out that Barbie was naturally gifted when it comes to photography. Magaling kumuha ng pictures ang bakla. Kaya naman pinag-enroll niya ito ng crash course sa photography. Kaya ngayon, bukod sa pagiging P.A. niya ay ito na rin ang tumatayong official photographer niya. Kumbaga ay na-promote ito bigla. Silang dalawa ang laging magkasama sa mga ganitong klaseng event.
Matapos ang ilang shot ay niyaya naman siya ni Barbie sa bandang dalampasigan. Kung kanina ay wala ito sa mood na lumabas ng cottage nila, ngayon naman ay parang buhay na buhay na ang dugo nito lalo na at napakagandang pagmasdan ng papalubog na araw.
Kung ano-anong pose ang ginawa niya sa harap ni Barbie. At balewala na lang sa kanya kahit pinagtitinginan sila ng mga nagdaraang mga tao na nahinuna niyang mga costumers din ng resort. Well, sino ba naman ang hindi mapapalingon sa kanya. She was only wearing a two piece na lalong nagpalitaw sa kaseksihan niya. Idagdag pang parang kumikinang ang maputi niyang kutis kapag tinatamaan iyon ng araw. Sabi nga ni Barbie ay halos magkapareho na raw sila ng kutis ni Jessy Mendiola.
Tuluyan nang nakalubog ang araw nang magpasya silang tapusin na ang shoot. Nang ipakita ng huli ang mga raw shots nito ay natuwa naman siya. Siguradong matutuwa na naman ang mga avid followers niya sa mga pictures na ia-upload niya maya-maya lang.
“Dinner na muna tayo, girl,” sabi niya kay Barbie habang naglalakad na sila pabalik sa pinanggalingan nila kanina.
“Hindi ka ba magbibihis muna? Nakabilad ‘yang katawan mo. Ikaw na naman ang pagtitinginan ng mga boys. Paano naman ako?”
“Well, hayaan mo na. Ipapaubaya ko naman silang lahat sayo, promise.”
Ngumisi si Barbie sa kanya tanda na nagkakaintindihan na sila. “Ay, bet! Sige na nga. Let’s go sister, Tom Jones na rin aketch!”
Sa isang sulok ng cafeteria nila napili ni Barbie na maupo. May namataan silang ilang pares ng mag-jowang naghahapunan. Mabilisan ang ginawa nilang pagkain dahil kailangan pa siyang makeup-an ni Mel dahil mamaya ay a-attend sila sa closing ceremony ng bloggers conference na iyon. And as far as she know, magkakaroon ng disco party right after the ceremony. At sa part na iyon mas excited sina Barbie at Mel.
“Sa tingin mo kaya girl, makakabangga ko na ang lalaking magpapatibok sa puso ko mamaya?” tanong ni Barbie sa kanya habang naglalakad sila pabalik sa cottage na tinutuluyan nila nina Mel—ang makeup artist niya na tuluyan nang isinara ang pagmamay-aring salon. Nagpaalam lang ang huli na mamasyal diumano ito kasama ang mga bagong kakilala nito na pawang mga makeup artist din. “Banggain ko kaya lahat ng gwapong lalaki na makita ko mamaya?”
Pero nawala ang konsentrasyon niya sa pakikinig sa sinasabi ni Barbie nang bumangga siya isang malapad na katawan. Napasinghap siya nang muntik na siyang tumimbuwang sa lupa. Mabuti na lang ay mabilis na naalalayan siya ng lalaking nakabunggo sa kanya.
“Sht! Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa—” Naputol ang sinasabi niya nang mapatingin siya sa lalaking nakabanggaan niya. She was staring at the most beautiful eyes her eyes have ever laid on. And those dazzling eyes… those are the same eyes that she had been longing to see for the last years of her life. She could still recognize this man that is holding her right now.
Bigla ang pagkabog ng dibdib niya nang ma-realize niyang hindi lang mga mata ng lalaking ito ang pamilyar sa kanya. Her body found familiarity in the way he touched her bare skin. Para siyang maliliyo sa realisasyon na gahibla na lang ang layo ng labi niya sa labi ng lalaking hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang bitawan.
“L-let go of me,” she mumbled.
Binitawan naman agad siya ng lalaki. Pero makikita sa mga mata nito ang matinding panghihinayang dulot ng paghihiwalay ng mga katawan nila.
Nag-umpisa na siyang maglakad palayo sa lalaking iyon. Pero bago pa sila tuluyang makaliko ni Barbie ay narinig niyang may tumawag sa pangalan niya. Pupusta siyang ang lalaking nakabangga niya kanina ang tumawag sa pangalan niya.
So after all those years, naaalala pa rin niya pala ako.
Pagdating nila ni Barbie sa cottage nila ay nanghihinang napaupo siya sa kama.
“Si Travis nga ba ang nakita natin kanina, girl?”
Nagtaas siya ng tingin sa binabae. “I’m afraid yes.”
“Oh my God, he looked way hotter now. Have you seen his face? Lalo siyang gumwapo! At ang katawan, jusko ulam na ulam! Kelan pa kaya siya nakabalik ng Pilipinas? Sa tingin mo, single na kaya siya ngayon?”
Pinukol niya ng masamang tingin si Barbie sa huling tinuran nito. Wala na siyang pakialam kay Travis. At lalong wala na siyang pakialam sa marital status nito! Weh? Di nga? singit naman ng isang bahagi ng isip niya.
Nang dumating si Mel ay pansamantalang natigil ang pagdakdak ni Barbie tungkol kay Travis. At habang sinisimulan siyang ayusan ni Mel, nahulog naman siya sa malalim na pag-iisip. Bigla niyang na-miss ang diary niya na naiwan niya sa Maynila.
Nakapag-move on na ako. Matagal na. Sa nakalipas na mga taon, umikot ang mundo ko sa pag-abot ng mga pangarap ko. At masaya ako sa mga na-achieve ko. Pero kanina habang nakatingin ako kay Travis, bakit parang biglang nagbalik ang kahungkagan sa puso ko? Mali ba ako ng inisip nitong mga nakaraang taon na masaya ako? Na tuluyan ko na siyang nakalimutan at nawala sa sistema ko?
Bakit ngayon unti-unting bumabalik ang mga alaala ng nakalipas? Bakit ngayon gusto ko siyang makita? At bakit pakiramdam ko ay naaalala pa rin siya ng puso ko? Bakit hanggang ngayon pangalan pa rin ni Travis ang isinisigaw ng puso’t isipan ko?
* * * * *
Pagkatapos ng closing program ay hindi agad bumalik sa cottage nila sina Daniella. They chose to stay para na rin masulit ang huling gabi nila sa VSU. Nakakailang shots na siya ng tequila nang yayain siya nina Barbie na magsayaw.
“Ang harot-harot ng tugtog. Di ko keri!” Pero walang nagawa pagtanggi niya dahil nakaladkad na siya ng mga bakla papunta sa dance floor.
“C’mon! Bawal ang KJ dito. Let’s enjoy the night!” sigaw naman ni Mel habang uma-ala-Shakira ang bewang nito. Si Barbie naman ay kulang na lang ay mag-split para mapansin ito ng mga papa na nakapalibot sa kanila. Pero siya, sapat na ang ganda niya para pagtuunan siya ng pansin ng mga lalaking nasa venue ring iyon.
Pagkatapos ng tatlo pang upbeat songs ay nagpaalam siyang pupunta muna ng restroom. Namimigat na ang tiyan niya.
“I really need to go to the comfort room. I need to pee.” Hindi na niya hinintay pa na makasagot ang mga bakla. Nagmamadaling pumunta na siya sa banyo.
Habang nasa trono siya ng cr ay hindi niya maiwasang mag-headbang lalo na at naririnig naman hanggang sa loob ng banyo ang malakas na tugtog na nagmumula sa labas.
Then she heard a “blag! blag!” sound. Someone’s banging her door! May gustong man-trip sa kanya!
“Who’s banging my door?” naiinis na sigaw niya mula sa loob. Pagkalabas niya ng cubicle ay wala naman siyang nakitang tao sa labas. Dala ng alak na nainom niya ay tumaas yata ang presyon niya. Nilapitan niya ang tatlong babaeng nagtatawanan sa tabi ng counter habang nakatingin sa kanya.
Familiar sa kanya ang mukha ng tatlong babae. Iyon ang mga nakasama niya sa isang fashion show kung saan siya ang nabigyan ng pinakamalaking exposure sa naturang event. It was so obvious that these three didn’t like her that much. “Were you guys banging my door back there?” matapang na tanong niya. Isa sa pinakaayaw niya ay ang pinagti-tripan siya. Lalo na ngayong masama ang timplada niya dahil sa muling pagkikita nila ni Travis.
“You don’t have evidence, poor girl.”
Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ng babaeng para sa kanya ay mukhang ipinaglihi sa sama ng loob. Kung hindi dahil sa makeup nito ay hindi ito magmumukhang tao. “How dare you! I can buy you, your friends and this function room!”
Akmang sasampalin niya ang babaeng ipinaglihi sa sama ng loob nang isang kamay ang mabilis na pumigil sa kanya.
“Hey! Stop it, Daniella. It’s not worth it.”
She turned her back and saw that it was Travis who stopped her from slapping that woman’s face.
Sa sobrang inis niya ay ito ang sinampal niya. Dinuro-duro niya ito. “You’re an as*hole! You’re an as*hole, Travis.”
Bigla ang pagsambulat ng lahat nang sama ng loob niya. It was no longer the girls who banged the door that was making her hysterical, it was Travis. Bago pa man siya tuluyang makagawa ng mas malaking eksena ay nakaladkad na siya ng binata papalabas ng venue ng party na iyon.
“What’s wrong with you?” singhal ni Travis sa kanya nang nasa labas na sila ng function hall.
Isang sampal ang muli niyang pinadapo sa mukha ni Travis. “Para ‘yan sa lahat ng sulat at tawag ko na hindi mo sinagot.”
And she walked out. Naglakad siya nang naglakad kahit hindi na niya alam kung anong direksyon ang tinutumbok niya. Pero bago pa man siya makalayo ay nakasunod na sa kanya si Travis.
“Saan ka pupunta? Lasing ka na kaya ang mabuti pa ay magpahinga ka na.”
“Wala kang pakialam sa buhay ko!” she hissed.
Pero sadyang mas malakas sa kanya si Travis. Bigla na lang niyang naramdaman na umangat siya mula sa lupa. Walang kahirap-hirap na kinarga siya ni Travis at nasumpungan na lang niyang nasa loob na sila ng isang cottage. Pero kahit na nahihilo siya, alam niyang hindi iyon ang cottage nila nina Barbie.
“Hindi ko alam kung saan ka tumutuloy. Dito ka na muna magpalipas ng gabi. You’re wasted. Kailangan mo nang matulog,” ani Travis habang ibinababa siya nito sa kama.
Nang maramdaman niyang kakalas na sa kanya si Travis ay bigla siyang nangunyapit sa leeg nito.
“Are you still married to Sasha?” she managed to ask in a sober tone.
Hinawi ni Travis ang ilang hibla ng buhok niya na tumabing sa mukha niya. “I guess this is not the right time to talk about those things, Daniella. Matulog ka na muna.”
“Goddamit! I want to know the answer right now, Travis. Are you still married to Sasha?”
Tumingin nang diretso sa mga mata niya si Travis. “No. We’ve got divorced a year ago. She’s still in California.”
“So, single ka na uli?” She hoped against hope that his answer would be yes.
Napalunok si Travis. “Yes. But Daniella, I already have a—.”
“Kiss me, Travis,” putol niya sa sinasabi nito.
Umayos siya ng upo at mas lalo pa niyang hinigit si Travis papalapit sa kanya. Siguro ay dala ng alak na nainom niya kanina kaya unti-unting nawawala ang inhibitions sa katawan niya.
“Why would I kiss you?”
“Because I miss you so much, Travis. And you owe me that kiss some four years ago. Isang halik lang at kakalimutan na kita.”
At hindi naman siya binigo ng binata. Naramdaman na lang niya na lumapat ang mga labi nito sa labi niya. It was one sweet kiss. And it was pure bliss. Pero ang isang halik ay nadagdagan ng isa pa at isa pa. Kumbaga ang halik na utang nito noon sa kanya ay nagkaroon na ng interest. At naniningil lang siya.
Hanggang sa namalayan na lang niyang unti-unting natatanggal ang mga saplot niya sa katawan. Gayundin si Travis. Later on, they were dancing into the rhythm that only the two of them could hear. And that night, she surrendered her body, soul and everything she has to Travis. And she was just so glad that he was the first man in her life.