Chapter Twelve

2273 Words
Dear Diary, I’m really sorry kung hindi ako masyadong makapagsulat ngayon. Huwag ka sanang magtatampo kung minsan ay nakakalimutan kita. Anyway, I’d like to share to you what happened last night. Maaga akong nagising kinabukasan. At ang una kong nakita nang magmulat ako ng mga mata ay si Travis na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Just like me, Travis was also naked. That scenario confirmed my thoughts na hindi lang isang magandang panaginip ang nangyari kagabi. Hindi ako agad bumangon. Bagkus ay pinagsawa ko muna ang mga mata ko sa pagtitig sa napaka-gwapong mukha ni Travis. He has long lashes that framed his equally beautiful eyes. Matangos ang ilong ni Travis samantalang mamula-mula naman ang mga labi nito. Marahang umisod ako papalapit sa binata at palihim ko siyang ninakawan ng halik. Sweet kiss, I thought. Alam kong malaki ang magiging pagbabago sa buhay ko dahil sa nangyari sa amin ni Travis kagabi. Pero kahit ganoon, wala akong makapang pagsisisi sa puso ko. Ang tanging nararamdaman ko nang mga oras na iyon ay purong kaligayahan. Gusto ko pa sanang magtagal sa kamang iyon kasama ni Travis pero hindi maaari. Bigla ko kasing naalala ang kaibigan c*m alalay kong si Barbie pati na rin ang makeup artist kong si Mel. Sigurado akong hinahanap na ako ng mga ito by now. So, I had no choice but to leave and look for my friends. Pero bago ako umalis sa cottage na iyon, nangako ako sa sarili kong mag-uusap uli kami ni Travis. I want him back in my life. I want him back in my life no matter what it cost. I need him and I want to spend the rest of my life with him. At hindi nga nagkamali si Daniella ng sapantaha. Ang mga nag-aalalang mukha nina Barbie at Mel ang naabutan niya sa entrada ng cottage na tinutuluyan nila. “Saan ka ba nagsususuot na babae ka? Bakit bigla ka na lang nawala kagabi sa party? Pinag-alala mo kami ng husto,” agad na ratsada ng bibig ni Barbie pagkakita ng mga ito sa kanya. Mahahalata ang concern sa mukha ng dalawang binabae. “Saan ka ba kasi natulog, mars? Ni hindi mo man lang kami tinawagan para nabawasan man lang ang pag-aalala namin ni Barbie. Ang akala namin ay may kung ano nang masamang nangyari sa iyo,” dagdag pangbubusa naman ni Mel sa kanya. “I’m sorry kung pinag-alala ko kayo. But don’t worry guys, I’m okay. Besides, andito naman na ako,” sabi niya sa mga ito na nakangiti pa nga. “San ka ba natulog? At bakit ganyan ka kung makangiti?” usisa ni Barbie sa kanya. Pero sa halip na direktang sagutin ang tanong nito ay mas pinili niyang pumasok na muna sa loob ng cottage nila. “Mel, order ka naman ng food natin. Gutom na ako. Parang na-drain yata lahat ng energy ko dahil sa mga nangyari kagabi.” At habang inaabot niya kay Mel ang perang pambili ng pagkain nila ay unti-unting nagbalik sa balintataw niya ang mga nangyari sa kanila ni Travis. Hindi niya masyadong matandaan ang bawat detalye pero meron at meron naman siyang naaalala kahit papaano. The way he kissed her nape. The way Travis caressed her skin. It was magnificent. The feeling was actually contagious. Ngayon nga ay nag-iinit na naman ang pakiramdam niya. So, she excused herself and headed straight to the bathroom. Quick shower lang ang ginawa niya. Paglabas niya ay naroon na uli si Mel at nagsisimula nang lantakan ang mga pagkaing ipinabili niya. Ang mga lintik, ni hindi man lang ako hinintay! Nakisalo na siya sa mga ito. Umikot ang usapan nila habang kumakain sila sa mga naging escapade ng dalawang binabae habang wala siya. Pero pagkatapos nilang mag-agahan ay nasentro naman sa kanya ang usapan. “Girl, magkwento ka nga. Saan ka ba talaga natulog kagabi? At sino ang kasama mo buong magdamag? Umamin ka. Lalaki ang kasama mo noh?” pangungulit ni Barbie. Nasa ibabaw na uli siya ng kama. Naka-cross legs siya habang nakaharap kay Mel at si Barbie na nakaupo naman sa sofa. “Si Travis ang kasama ko kagabi,” pag-amin niya. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Barbie. Understandably, hindi kagaya ni Barbie ang reaction ni Mel dahil isang beses pa lang naman nito nakikita si Travis. At iyon ay nang magpunta sina Travis at Barbie sa salon ni Mel. Besides, sa mga nakalipas na taon ay hindi na nila napag-uusapan ang binata. “You mean, you were with Travis Paxton the whole night? Yung dati nating neighbor sa Aplaya Street?” Tumango-tango siya habang maluwag na nakangiti. “Siya nga.” “OMG!” kinikilig na tumili si Barbie. “So what happened? Don’t tell me isinuko mo na ang Bataan?” Namula yata ang buong mukha niya dahil sa paratang ni Barbie na may bahid naman talaga ng katotohanan. “You don’t have to answer, mars. Kitang kita sa mukha mo ang sagot. So, kayo na ba uli nitong Travis na ito?” sabat naman ni Mel. Napailing siya. “Nope. Hindi kami. Pero kakausapin ko siya mamaya. Gusto ko siyang makausap bago tayo bumalik ng Maynila.” “Aba’y ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo pa puntahan ngayon na mismo? Ano pa bang inaantay mo, Pasko? Nauna na ang gift mo sa lalaking iyon kaya dapat lang na ngayon ay makapag-usap na kayo. Di ba, Mel?” “Correct ka dyan sister!” At dahil na rin sa pange-encourage ng dalawang binabae ay nagpasya siyang balikan si Travis sa cottage nito. Kasama pa nga niya si Barbie at Mel bilang moral support. Pero alam niya ang tunay na intensyon ng mga ito. Si Barbie ay para masilayang muli ang kagwapuhan ni Travis, samantalang si Mel naman ay para ma-refresh ang memory ng itsura ni Travis sa utak nito. Pero ganoon na lang ang panghihinayang niya nang pagdating nila sa cottage ni Travis ay hindi na nila naabutan ang binata. “Itanong kaya natin sa receptionist kung talagang nag-check out na si Travis. Baka naman namasyal lang sandali yung tao,” pagbibigay lakas ni Barbie sa kanya. Iyon nga ang ginawa nila. Pero kinumpirma ng receptionist na napagtanungan nila na nag-check out na nga si Travis an hour ago. Masama ang loob niya dahil doon. Mahigit tatlong oras pa lang ang nakakalipas simula nang iwan niya si Travis. Bakit bigla na lang itong umalis? Parang gusto niyang magtampo. Ni hindi man lang siya hinanap ni Travis para makapag-usap sila? Wala bang kahulugan para dito ang nangyari sa kanila kagabi? Siya lang ba itong umaasang magkakaroon ng karugtong ang naunsiyami nilang relasyon noon? Sa sobrang inis niya ay nagyaya na rin siyang umuwi ng Maynila. “Baka naman may valid siyang reason kaya hindi ka na niya hinanap. Baka may emergency siyang pinuntahan?” pakonswelo ni Mel sa kanya. At naisip niyang may point ang bakla. Kaya pansamantalang nawala ang pagka-badtrip niya. Pagdating nila sa Maynila ay ang paghahanap sa address ni Travis ang una niyang inasikaso. And it was not hard to do especially now that she has connections. Travis Marquez, successful businessman at the age of 26. Basa niya sa frontpage nang isang sikat na newspaper. I’ll find you Travis. And I promised myself that I’m‘gonna be with you forever. * * * * * Sa huling pagkakataon ay isinuko na ni Travis ang kagustuhang makapag-concentrate sa mga papel na kaharap niya. Hindi niya magawang mag-concentrate dahil pilit na umukilkil sa isip niya ang nangyari sa kanila ni Daniella sa VSU. Hindi siya lasing nang gabing iyon kaya nasa tamang pag-iisip siya nang gawin nila ang bagay na ‘iyon’. Sa kaibuturan ng puso niya ay wala siyang makapang pagsisisi nang magising siya kinabukasan. Pero nakaramdam siya nang matinding lungkot nang pagmulat niya ng mga mata ay hindi na niya nasilayan pa ang dalaga. Ang inaasahan pa naman niya ay magigisnan niya itong nakahiga sa tabi niya at mahigpit na nakayakap sa bewang niya. But he was wrong. Bigla na lang nawala si Daniella. Gusto sana niya itong hanapin para makapag-usap sila nang masinsinan pero bigla naman siyang nakatanggap ng isang tawag. Tawag na nagmula sa isang taong nagpaalala sa kanyang mali ang nangyari sa kanila ni Daniella. At dahil din sa tawag na iyon ay bumalik siya sa Maynila na magulong-magulo ang isip. Tinungga niya ang laman ng canned beer na nasa tabi niya. Halos mapangalahati agad niya ang laman ‘nun. Akmang ipipikit na sana niya ang mga mata niya nang marinig niyang may nag-doorbell. Nagtaka siya. Wala naman silang usapan ni Bless na magkikita sila ngayon. Besides, malapit nang mag alas-onse ng gabi. Ganoon na lang ang gulat niya nang pagbukas niya ng pinto ay si Daniella ang nabungaran niya. At sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok nang makita niya ang itsura nito. Daniella looked sinfully beautiful. Naka-expose ang balikat ng dalaga sa suot nitong jumpsuit. At biglang sumingit sa isipan niya kung paanong pinanggigilan niya ang balikat at leeg nito nang gabing may mangyari sa kanila ng dalaga. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay agad na lumapit ang dalaga sa kanya at maalab na hinalikan siya sa labi. Gusto sana niyang magprotesta pero mas nanaig sa kanya ang kagustuhang matikmang muli ang mga labi nito. Nang maglapat ang mga labi nila ay kusa namang pumulupot ang mga kamay niya sa malantik na bewang ng dalaga. God, I must be crazy for kissing this woman. Pero kahit na anong gawin niya ay ayaw manaig ng rational niyang pag-iisip. Pero hindi nagtagal ang halik na pinagsaluhan nila ni Daniella dahil isang galit na galit boses ang nagpahiwalay sa kanila. “How dare you, Travis! How could you do this to me!” Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal na nahuli sa aktong gumagawa ng masama. Pero hindi nga ba? Nahuli siya ng girlfriend niya na may kahalikang ibang babae. Technically, he was cheating on Bless—his girlfriend. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makilala ni Bless si Daniella. “You? Of all people, ikaw pa, Daniella? Ikaw pa na sarili kong kapatid? Ano, gusto mo akong gantihan ngayon dahil sa ginawa ko sayo noon?” Nagulat siya sa narinig. Magkapatid si Bless at Daniella? Doon niya naalalang may naikwento sa kanya si Daniella noon na minsan ay inagawan daw ito ng boyfriend ng sarili nitong kapatid. Pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na magkapatid sina Daniella Villacorte at ang girlfriend niyang si May Bless Pinlac. Could it be na tama si Bless? Ginagamit lang siya ni Daniella para makaganti ang huli sa kapatid nito. Hindi niya pinigilan si Daniella nang bigla na lang itong lumabas sa condo unit niya. Ni hindi siya nagtangkang habulin ito. Sa halip ay natagpuan niya ang sarili na niyayakap ni Bless. “I’m willing to forgive you, Travis. Just promise me na hindi na mauulit ang bagay na ito,” humihikbing pakiusap ni Bless sa kanya. At para namang kinurot ang puso niya dahil sa nakikitang itsura ng nobya niya. Siya itong nahuli nito sa aktong nagloloko, hindi ba’t mas tamang siya ang makiusap dito na patawarin siya? “Kapatid mo si Daniella?” sa halip ay tanong niya dito. “Yeah. Kapatid ko siya sa ama. Hindi ko lang siya binabanggit sayo dahil hindi rin naman kami close. Maldita ang babaeng iyon, Travis. Sigurado akong kaya ka niya inakit ay dahil gusto niyang gumanti sa akin. But for Pete’s sake. Matagal nang nangyari ang ikinakagalit niya sa akin.” “Bakit siya nagalit sayo?” Nakita niya ang uneasiness sa mukha ng girlfriend niya nang ibato niya ang tanong na iyon dito. “D-dahil ako ang pinili nung boyfriend niya noong high school pa lang kami. But hey, matagal nang nangyari ‘yun. Nakalimutan ko na nga ‘yun.” “And you’re saying na masama ang ugali ni Daniella?” “Why do I have this feeling na mas kinakampihan mo pa ang babaeng iyon kesa sa akin? You’re the one cheating here, Travis. And yes, masama nga ang ugali ng babaeng ‘yun. Palibhasa’y nagmana sa nanay niyang kabit.” “Please lang Bless, I don’t know her mom. Pero huwag mo naman sanang idamay ang taong patay na. She’s not here to defend herself.” “Whatever! But I want you to promise me na hindi ka na makikipagkita pa sa babaeng iyon. I love you so much, Travis. At hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Much ang maagaw ka ng Daniellang iyon.” For some reason, iba ang naging dating sa kanya ng naging pag-uusap nila ni Bless nang gabing iyon. Hindi siya kumbinsidong masama ang ugali ni Daniella. He knew that Daniella was sweet, caring and passionate. She was far from being an evil. Ang hindi lang siya sigurado ay kung totoong kaya lang ito nakipaglapit sa kanya ay para makaganti sa kapatid nito na noon ay nakagawa nang hindi mabuti dito. Lihim na nagpasalamat siya nang umalis din kaagad si Bless sa unit niya. He could not stand the night being with her. Masyadong magulo ang isip niya. Gusto niyang mapag-isa. Gusto niyang i-sort out ang feelings niya. Dahil sa totoo lang, simula nang magkita uli sila ni Daniella sa VSU ay parang hindi na siya masaya sa relasyon nila ni Bless. Parang noon lang niya napagtantong hindi talaga siya lubusang masaya kasama si Bless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD