“Bakit tayo nandito?” nagtatakang tanong ni Travis sa kanya nang pumasok sila sa department store ng isang sikat na mall.
Napamata siya dito. “Hindi ka nakinig kahapon sa orientation?”
“Grabe, napaka-judgemental mo. Nakinig naman ako noh,” tugon ng binata.
“Then why are you asking me now kung anong ginagawa natin dito?”
Nagkibit-balikat ang binata. “I must have missed something. You know, I was busy…”
“Busy ka sa kakakulit sakin kahapon. Kung hindi mo hinahawakan ang kamay ko, pinaglalaruan mo ang buhok ko,” putol niya sa sinasabi nito. Pero napangiti din siya pagkatapos maalala ang mga tagpo kahapon. “Nandito tayo dahil ibibili kita ng mga gamit na kakailanganin mo. Damit, sapatos, including your briefs.”
Nanlaki ang mata ng binata sa sinabi niya. “Pati briefs ko?” sabay pilyo itong ngumiti sa kanya.
“Oo,” nagkunwari siyang ini-inspeksyon ang isang damit na suot ng mannequin na nasa tabi niya. Pero ang totoo ay gusto lang niyang itago mula sa binata ang pamumula ng mga pisngi niya. Bakit ba kasi binanggit pa niya ang tungkol sa briefs?
“Alam mo ang sukat ng briefs na sinusuot ko?” This time ay nakangiti na si Travis. Iyong nakakalokong uri ng ngiti.
Nilingon niya ito. “Syempre hindi. Kaya nga kita isinama ay para hindi na ‘ko mahirapan pa. Come on, unahin na muna natin ang mga damit mo.” Hinila niya ito papunta sa stall ng isang sikat na clothing brand.
Nang iniaabot na niya sa binata ang ilang piraso ng long sleeves at maong pants na napili niya para dito ay nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. “What’s wrong?”
“W-wala akong pambayad sa mga ‘to,” nahihiyang sambit ng binata. Bigla naman siyang nakaramdam ng awa para dito. Nilapitan niya ito at marahang pinisil ang isang kamay nito.
“It’s okay, Travis. Ako naman talaga ang magbabayad ng mga ito. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa pera. Besides, ako ang nakiusap sayo na tulungan ako sa competition na ‘to. I hate to say this, pero isipin mo na lang na namumuhunan ako para maabot ko ang pangarap kong maging isang sikat na fashion blogger. So, all I want you to do is relax and enjoy. At the end of this competition, I’m sure maraming talent scout ang magkakandarapang kunin ka para magmodelo.”
“You really think so?”
“Oo naman! Kaya halika na’t isukat mo na ‘yang mga ‘yan at pagkatapos ay mga t-shirt at sapatos naman ang titingnan natin.”
Napipilitang pumasok sa loob ng fitting room si Travis habang siya naman ay naupo sa isang round sofa na nasa tapat lang ng fitting room.
After five minutes ay bumukas ang pinto ng fitting room at iniluwa ‘nun si Travis suot ang isang blue na long sleeve na kamakailan lang ay ini-endorse ni Zayn Malik na miyembro nang sikat na boy band group na One Direction. Hapit na hapit naman sa mga binti ni Travis ang maong pants na pinili nitong i-partner sa long sleeve.
Hindi niya maiwasang mapa-wow nang tuluyang itong lumapit sa kanya. “Nice. Bagay sayo,” she complimented him. Mas lalong lumutang ang kagwapuhan nito dahil sa mga damit na suot nito.
“Hindi ko yata kayang dalhin ang mga ganitong klase ng damit,” ani Travis na halatang hindi kumportable dahil sa suot nito.
“Ano ka ba? Bagay nga sayo eh. Sa umpisa lang yan nakakapanibago. Pero pasasaan ba’t masasanay ka rin. Sige, isukat mo rin ‘yung iba pang napili ko para sayo.”
Sa pagsusukat pa lang ng mga damit ay inabot na sila nang halos dalawang oras. Bago mag-tanghalian ay bitbit na nila ang ilang paper bags na naglalaman ng mga pinamili nila. Noong una ay ayaw pa ni Travis na bayaran ni Daniella ang lahat nang iyon dahil masyado raw marami. Pero mapilit siya. Paano’y nagustuhan niya lahat ng isinukat nito. Lahat yata ng damit ay bagay para dito.
“Tama na siguro ang mga ‘to,” sabi ni Travis nang makita siya nitong papasok na naman sa isa pang boutique.
“Wala ka pang briefs. Ibibili rin kita ng boxer shorts.”
Napamata sa kanya ang binata. “Kailangan pa ba talaga ‘yun? May ginagamit pa naman ako.”
Nginitian niya ito. “Pwede ba, huwag ka nang magreklamo? Nandito na rin lang tayo kaya lubus-lubusin na natin.” Wala nang nagawa pa ang binata sa kakulitan niya. “Small, medium or—”
“Large,” biglang singit ni Travis.
Wala sa sariling napatingin siya dito. “Sure ka?”
“Oo nga. Large nga,” giit naman ng binata. Sa sinabi nito ay hindi niya maiwasang mapahagikgik. May naisip kasi siya na medyo malaswa dahil sa salitang large.
“Ba’t ka tumatawa?” tanong ni Travis sa kanya nang ang simpleng pagbungisngis niya ay nauwi sa isang malutong na tawa.
“W-wala! May naisip lang ako,” aniya nang unti-unti nang bumalik sa normal ang paghinga niya. Pero naroon pa rin sa labi niya ang ngiti.
Matapos bayaran ang mga briefs at boxer shorts na napili nila ay niyaya niya ang binata na kumain sa isang fast food chain.
“May lalakarin pa ba tayo after nating kumain?” tanong ni Travis.
“Wala naman na. Uwi na muna tayo. Medyo nangangawit na ang mga paa ko sa kakalakad. Pero bukas ay papasamahan kita kay Barbie sa kaibigan kong may-ari ng isang salon. Ipapaayos natin ‘yang buhok mo.”
Ngumiwi ang binata dahil sa sinabi niya. “Bakit pati buhok ko pinagdidiskitahan mo? May galit ka ba sakin?”
Nahampas niya ito sa braso. “Tungek! Hindi naman masyadong gagalawin ‘yang buhok mo. Papalagyan lang ng kulay then ‘yung friend ko na ang bahalang mag-decide kung ano ang babagay na gupit sayo. Makinig ka bukas, okay? Dapat matuto kang mag-ayos ng buhok mo. Hindi yung ginagaya mo ang trademark ni Gat Jose Rizal,” natatawang saad niya.
“Ah, ganoon? Eh, kung mag back out kaya akong partner mo?”
Napanguso siya dahil sa sinabi nito. “Walang ganyanan, boi. Malaki na ang ginastos ko sayong hinayupak ka. Umayos ka kung hindi—”
“Kung hindi ano?”
“Gagawin kong miserable ‘yang buhay mo,” aniya sabay tawa. “Kumain ka na nga nang makauwi na tayo.”
And they ate silently. Paminsan-minsan ay nag-uusap sila tungkol sa mga buhay nila. Things that they wanted to know from each other. Pero hindi niya inaasahan ang huling tanong nito sa kanya habang nag-aabang sila ng taxi sa may taxi bay.
“Wala ka bang boyfriend, Daniella?”
Natulig yata siya dahil sa tanong nito. Wait, is he fishing for some information with regards to her love life? Balak ba siyang diskartehan nito?
Paano na ang mga kataga nitong, “Please don’t fall in love with me.”
Kaya ang ending, hindi niya ito sinagot. Nagkunwari siyang nahihilo dahil sa sangsang nang amoy ng aircon ng taxi na sinasakyan nila kaya hindi na siya nito pinilit pa na sagutin ang tanong nito.
* * * * *
KINABUKASAN.
“Barbie, ikaw na ang bahala kay Travis, okay? Pakisabi kay Mel siya na ang mag-decide kung anong hairstyle ang babagay kay Travis,” muling bilin ni Daniella kay Barbie. Actually, kanina pa niya iyon nasabi dito. Innulit-ulit lang niya at parang hindi nakikinig sa kanya si Barbie. “Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko, bakla ka?”
“Oo nga. Kanina ka pa paulit-ulit eh. Para kang sirang plaka.”
“Kinaklaro ko lang. Para kasing hindi ka nakikinig eh.”
“I got it na madam. Aalis na ako. Okay? Babush!” paalam ni Barbie saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
“Sige, mag-iingat kayo.”
Pagkalabas ni Barbie ng pinto ay saka lang siya parang nakahinga nang maluwag. At least wala na siyang mabubungangaan dahil mag-isa na lang siya sa bahay. Ang totoo ay pwede namang siya ang sumama kay Travis sa salon nang kaibigan niya. Pero may mga dapat siyang gawin para sa araw na iyon kaya nagpasya siyang si Barbie na lang ang pasamahin dito.
She was having lunch when she received a call from her good friend, Celebii. “Hello mars! What’s up?” bungad agad sa kanya ng kaibigan nang sagutin niya ang tawag.
“I’m fine. Napatawag ka, mars?” Celebii became her friend when they both attended an event last year at the World Trade Center.
Narinig niyang parang ngumuya muna si Celebii sa kabilang linya bago muling nagsalita. “Invite sana kita this coming Saturday, mars. Dito lang naman sa condo.”
“Anong meron?”she asked in between biting her nails. Hindi siya makapag-decide kung anong template ang gagamitin niya para sa blogsite na ginagawa niya. Should it be simple or a li’l bit complicated?
“Scream party. Post-halloween celebration. Jon Lucas will be there, too,” excited na bulalas ni Celebii.
“Jon Lucas? Who is he?” clueless na tanong niya. Hindi niya kilala ang pangalang binanggit nito.
Napapalatak naman sa kabilang linya si Celebii. “Ano ka ba mars? Jon Lucas plays the role of Dominic in Got to Believe. Yung karibal ni Joaquin kay Chichay.”
Alam niya ang palabas na Got to Believe at alam niya ring si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mga bida sa naturang soap opera pero hindi siya aware sa iba pang mga characters dahil madalang naman siyang manood niyon. Or should she say, madalang siyang magbukas ng TV.
Tatanggi na sana siya sa paanyaya ni Celebii nang maalala niyang isa pa pala sa dapat niyang gawin eh ang turuan si Travis na makipag-socialize sa ibang tao. Travis should learn how to present himself in a crowd.
“Can I bring a friend with me?” Friend, her mind reiterated.
Mabilis namang pumayag si Celebii. “Of course! So, see you this Saturday?”
“Yeah, see you! I have to hang up now. May gagawin pa kasi ko,” paalam niya.
“Sige, mars. I miss you. Bye!” Iyon lang at naputol na ang linya. Siya naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Lately ay binabagabag siya ng mga emosyong unti-unting nabubuhay sa puso niya sa tuwing nagkakalapit sila ni Travis.
At kagaya nang ginagawa niya lately sa tuwing naguguluhan siya, kinuha niya ang diary niya at nagsimulang magsulat.
Dear Diary,
Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Ginugulo ni Travis ang utak ko. Kahit ayoko, hindi ko siya magawang alisin sa isip ko. Naiintindihan ko naman nung sabihin niya sakin na huwag akong mai-in love sa kanya. It only means na ayaw niyang magkaroon kami ng relasyon. Baka may girlfriend na siya at hindi niya lang direktang masabi sakin.
Pero kahit na ganun, pasaway pa rin ang puso ko kasi kapag alam kong nasa malapit lang siya, kinikilig ang pasaway kong puso… pati tuloy ako kinikilig din.
What should I do? Does this mean that I’m starting to fall in love with him?
Hmmm…
“Daniella? Are you there?” Napatigil sa pagsusulat si Daniella nang makarinig siya ng mumunting katok kasabay nang pagtawag sa pangalan niya.
Itinabi niya ang diary niya at lumapit sa pinto ng kwarto niya. Pagbukas niya ‘nun ay muntik na siyang ma outbalance nang makita niya ang bagong itsura ni Travis. At kung hindi ba naman siya gaga, napausal pa siya ng “Oh!”
Si Travis nga ba ang kaharap ko ngayon? Bakit parang hindi? Bakit ang gwapo-gwapo ng lalaking kaharap ko ngayon? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Bakit parang nahihilo yata ako habang naamoy ko ang pabango niya?
“Hi! Mukha kang na-engkanto ah? Okay lang ba ang new hairstyle ko?” Ang boses ni Travis ang nagpalaya sa kanya sa tila trance na naganap kani-kanina lang.
“A-ano… okay lang. Bagay naman sayo.” Mas maikli na ang buhok nito ngayon. At wala na rin ang hati nito sa gitna. At kung dati ay itim na itim ang buhok nito, ngayon ay may shade of brown na iyon na bumagay sa maputi nitong balat. Yeah, bagay na bagay nga dito ang bagong hairstyle nito. Mas lalong lumutang ang kagwapuhan nito.
And she must commend him dahil ilang araw pa lang ang nakakalipas ay unti-unti nang natututong mag-ayos nang sarili nito si Travis. He’s starting to look fashionable. At sa pagbabago nitong iyon, unti-unti namang nabubuhay ang takot sa dibdib niya. Takot na baka isang araw ay bigla na lang itong pagkaguluhan ng ibang mga babae. And maybe, he would soon forget about her when he found someone who’s a lot prettier than her.
Bigla ay parang gusto na lang niyang ibalik ang dating looks nito. Iyong baduy pa ito. Iyong may hati pa sa gitna ang buhok nito. Iyong siya pa lang ang nakaka-appreciate sa kagwapuhan nito.
“Are you okay?” tanong ni Travis nang marahil ay mapansin nito na malalim ang iniisip niya.
“Yeah. I think I just need to rest,” aniya. “You still need anything?”
Umiling-iling ang binata. “Wala naman na. Pumunta lang naman ako dito para makita mo ang bagong itsura ko. So, paano ba yan, uwi na ako?”
Tumango siya dito. “Okay. I’ll just see you on Saturday. May pupuntahan tayong party, okay?”
He gently nodded. “Okay.” Malapit na sa may hagdan ang binata nang bigla itong lumingon at naglakad pabalik sa kanya. “Daniella, are we okay?”
Napalunok siya dahil sa tanong nito. “What do you mean?”
“Kahapon ko pa napapansin na parang cold ka sakin. May nasabi ba akong hindi maganda na ikinainis mo?”
Nginitian niya ito para mawala ang pag-aalala nito. “Travis, we’re okay. Medyo pagod lang ako. And no, wala kang ginawa para ma-upset ako. I’m just really tired, I guess.”
Nakakaunawang ngumiti ang binata sa kanya. “Sige. Alis na ako para makapagpahinga ka na. Bye, Daniella. Goodnight.”
Nakaramdam siya ng matinding panghihinayang nang tuluyang mawala sa paningin niya si Travis. Ilang segundo pa lang itong nakakaalis ay na-miss na niya ito. Oh, God. I think I’m in a big trouble.