Sa halip na sa isang mamahaling restaurant kumain sina Travis at Daniella ay sa isang simpleng turo-turo sila humantong na matatagpuan malapit sa Quiapo church.
“Why here?” nagtatakang tanong niya sa binata. Hindi naman sa nag-iinarte siya. Kumakain din naman siya sa mga ganoong tipo ng kainan. Pero bumiyahe sila nang napakalayo para lang sa kainang iyon? Pwede namang nag-Cubao na lang sila. May mga ganoon din naman sa kahabaan ng Aurora Boulevard. Hindi ba nito napansin kanina na sobrang nahirapan siyang makipagsiksikan sa LRT?
“Dahil hindi naman kita kayang pakainin sa sosyal na restaurant, kaya dito kita dinala. Welcome to Ineng’s Kaunan.”
“Pwede namang ako ang magbayad ng—”
Agad na pinutol ni Travis ang sasabihin niya. “Sssshhh. Sino ba ang lalaki? Di ba ako? So, that means ako ang taya. Besides, gusto kitang dalhin dito kasi paborito naming kainan ni Mama ang lugar na ito noon.”
Natahimik siya sa sinabi nito. Hindi naman pala basta isang simpleng lugar lang ang pinagdalhan nito sa kanya. Nahinuha niyang ang lugar na iyon ay espesyal para sa binata. At natutuwa siya na somehow ay ibinabahagi ni Travis ang lugar na iyon sa kanya. How could she be so stupid to think that Ineng’s Kaunan is just any ordinary dining place?
“Nasaan na ang Mama mo? Ba’t hindi mo siya kasama sa bahay mo?”
Ngumiti si Travis sa kanya. Iyong tipo ng ngiti na nakakapagpabilis ng t***k ng puso ng isang normal na babae. “Order na kaya muna tayo? Medyo gutom na rin ako eh.”
Sumang-ayon naman siya. Tinawag ng binata ang isang babae na nakatayo malapit sa pinaka-counter ng kainan. Hinayaan na niyang ito na rin ang um-order para sa kanya. Habang idinidikta ng binata ang orders nila ay napansin niyang malagkit ang pagkakatitig ng babaeng serbidora dito.
“Matagal mo nang alam ang tungkol sa lugar na ‘to?” aniya nang makaalis na ang waiter.
“Oo. Noong bata pa ako, madalas kaming kumain dito ni Mama. Malapit lang din kasi dito ‘yung bahay na tinitirhan namin noon. Lumipat lang kami sa Cebu noong ten years old na ako. Marami akong memories sa lugar na ‘to. Sabi ni Mama, dito din daw sa lugar na ‘to unang nakilala ni Mama yung Tatay ko. They had a whirlwind kind of romance. Pero isang araw, bigla na lang nawala yung tatay ko na isang Amerikano. Hindi na nasabi ni Mama sa Tatay ko na ipinagbubuntis niya ako.
“Lagi kaming kumakain dito kasi kahit ilang taon na ang nakakalipas, umaasa pa rin si Mama na babalik ‘yung tatay ko. But he never came back. Kaya noong sampung taon na ako, nagpasya si Mama na lumipat na kami sa Cebu.”
Naantig ang puso niya sa kwento nito. Ganoon pala ka-espesyal para kay Travis ang lugar na iyon. “Nasaan na ang Mama mo?”
Nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng binata nang banggitin niya ang salitang ‘mama’. “Wala na siya. She died three years ago. At maniniwala ka ba na hanggang sa mga huling sandali ni Mama, wala siyang ibang hiling kundi ang makita yung tatay ko.”
Dagling nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Parang nai-imagine niya ang pinagdaanan ni Travis. Masakit para sa isang anak ang makitang naghihirap magulang nito at wala ka man lang magawa para matupad ang kahilingan ng taong mahal mo. Bigla tuloy niyang na-miss ang Mommy niya na sigurado siyang nasa heaven na rin. Katulad ng Mama ni Travis ay wala ring ibang hiniling ang Mommy niya kundi ang makita ang Daddy niya.
“I’m sorry to hear that… Ako man, wala na rin akong mother. My mom died two years ago because of a car accident,” aniyang bahagyang naluluha. “Ano ba yan, nakakalungkot naman ang topic natin.”
Mabuti na lang at dumating na ang waiter dala ang mga order nila. Itinuon nila ang atensyon nila sa pagkain habang manaka-naka silang nagkakatitigan. Bigla ay parang nakaramdam siya nang pagkailang.
Matapos nilang kumain ay niyaya siya ng binata na bumalik na sila sa mga bahay nila. At habang nasa LRT sila, hindi niya maiwasang tingalain si Travis habang halos magkadikit na ang mga katawan nila dahil marami ng pasahero nang mga oras na iyon.
Sa ginagawa niyang pagtitig dito ay lalo itong nagiging gwapo sa paningin niya. Hindi nakakasawang pagmasdan ang mukha nito. Kahit siguro buong magdamag siyang tumunghay dito ay hinding-hindi siya magsasawa.
Nasa tapat na sila ng gate ng bahay niya nang maapuhap niya ang sariling tinig. “Thanks for the dinner. I had fun.”
“Thank you din,” ani Travis.
Isinuksok na niya ang susi sa keyhole ng gate nang muling magsalita si Travis. “Daniella…”
Mabilis na napatingin siya dito. “Yup?”
“May isa lang sana akong hihilingin sayo ngayong papayag na akong maging partner mo para sa kompetisyon na sasalihan mo.”
“Ano yun?” tanong niya.
Medyo nag-alangan pa ang binata na sabihin sa kanya ang nasa isip nito pero sa huli ay nagawa rin nitong ibulalas ang nais sabihin. “Please don’t fall in love with me.”
On an instinct ay biglang tumikwas ang isang kilay niya. “Of course. Besides, you are not even my type.” Liar! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.
Resigned na napabuntong-hininga si Travis. “Mabuti kung ganoon. Ayoko kasi ng komplikasyon. But the friendship, we can always keep that. Kung may problema ka, lagi mong tatandaan na pwede mo akong takbuhan anytime.”
Tumango-tango siya. “Thanks. I’ll keep that in mind. So paano, papasok na ako ha? Goodnight, Travis.”
“Goodnight, Daniella.”
Tahimik siyang pumasok sa gate at laglag ang balikat na binuksan niya ang front door ng bahay. Darkness welcomed her. Bigla siyang nakaramdam nang ibayong lungkot. Sanay siyang dumating sa bahay na nakapatay lagi ang ilaw. Pero bakit ngayon ay parang kay bigat ng pakiramdam niya dahil sa kadilimang sumalubong sa kanya?
Dahil ba sinabihan siya ni Travis na huwag siyang mai-inlove dito? Iyon ba ang dahilan kung bakit nalulungkot siya ngayon?
Pero hindi ba’t siya na rin ang nagsabi sa sarili niya na hindi na muna siya muling iibig? Isasantabi niya muna ang usaping pampuso at mas bibigyang pansin ang career niya.
So, hindi siya dapat na malungkot.
At para ma-uplift ang mood niya ay kinapa niya ang switch ng ilaw. She need some light to lighten up her mood.
Pero ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya si Barbie na nakaluhod sa harap ni Leon habang ang huli ay nakabuyangyang na nakaupo sa sofa! With matching papikit-pikit pa ng eyes ang loko!
“Sht! Barbie! Of all places, bakit dito pa sa sala? You both are so gross!!!”
Mabilis na naghiwalay sina Barbie at Leon habang siya naman ay nagtatakbo paakyat sa kwarto niya. Bago tuluyang mawala sa paningin niya ang dalawa ay nakita pa niya si Barbie na pinupunasan ang bibig nito samantalang si Leon naman ay mabilis na tumayo at lumabas ng bahay niya.
Mahahalay!
* * * * *
Dear Diary,
Aaminin ko, pagkatapos ng naging pag-uusap namin ni Travis nang manggaling kami sa Ineng’s Kaunan, parang naging cold kami ni Travis sa isa’t isa. At hindi ko maintindihan kung bakit parang ako pa itong nag-iinarte.
Ngayon ang araw na magkikita uli kami ni Travis kasi ngayon ang orientation namin sa Fashion Avenue para sa upcoming competition. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya mamaya. Bakit ba naman kasi sinabihan niya ko na bawal akong ma-in love sa kanya? Wala naman talaga akong balak na magkagusto sa kanya. Pero dahil sa sinabi niyang ‘yun, parang may tila ano tuloy na nabuhay sa kaibuturan ng puso ko.
Hindi ko masasabi na nagkakagusto na ako kay Travis kasi hindi naman talaga. Or in-denial lang ba ako? Pero hindi talaga. Hindi ko siya type! At saka…
Naputol ang pagsusulat ni Daniella nang may marinig siyang katok sa mula sa labas ng kwarto niya.
“Girl, andito na si Travis at hinihintay ka. May lakad daw kayo.”
Pagkarinig sa pangalan ng binata ay bigla na lang kumabog ang dibdib niya. Para iyong tinatambol ng sampung tao. “Pakisabi bababa na ako.”
Pinakalma muna niya ang sarili bago muling sinulyapan ang sarili sa salamin. Hashtag t-shirt ang damit na suot niya na tinernuhan naman niya ng shorts na American flag ang design. Acid washed sneakers naman ang suot niya sa paa. Palabas na siya ng kwarto nang isukbit niya sa likod niya ang backpack niya.
Sa sala ay naghihintay na nga sa kanya si Travis na simpleng white t-shirt at maong pants lang ang suot. Ang buhok ng binata ay halos hindi gumagalaw kahit kumilos na ito para salubungin siya. Nagtaka siya kasi smooth naman ang hair ng binata.
“Anong inilagay mo sa buhok mo?”
Napatanga sa kanya si Travis. “Ha?”
Hinawakan niya ang buhok nito. Sobrang tigas ‘nun. “What happened to your hair?”
Napangiti naman ang binata. “Nilagyan ko ng gel. Bagay ba?”
Napangiwi siya sa tanong nito. “Nope. It looks awful. Next time, wag ka nang gagamit nung gel na nabibili ng three pesos sa mga tindahan, okay? Masisira ang buhok mo.”
“So, hindi maganda ang hairstyle ko ngayon?” nakasimangot na tanong ni Travis.
Hmmm, paano ba niya sasabihin dito na ang sagwa talagang tingnan ng buhok nito lalo na at hinati nito iyon sa gitna? Hindi na uso ang hairstyle ni Jose Rizal ngayon. Si Harry Styles na ang in ngayon, for Pete’s sake!
“Let’s just say na may mas igaganda pa ‘yang hairstyle mo. But for now, kailangan na nating umalis. Male-late na tayo sa orientation. Let’s go.”
Nasa gate na siya ay nakatayo pa rin sa sala si Travis. “What?” tanong niya sa binata na nakatanga lang sa kanya.
“Hindi ako sasama sayo hangga’t hindi mo sinasabing gwapo ako.”
Nalaglag ang panga niya sa sinabi nito. Ano raw?! Kakasabi lang nito noong nakaraang linggo na huwag siyang mai-in love dito tapos ngayon ay gusto nitong sabihin niya na gwapo ito. Adik lang ang peg?
“Tara na!” yakag uli niya dito. Pero nanatiling parang tuod ang binata sa kinatatayuan nito. Napilitan tuloy siyang balikan ito sa sala. “Alam mo ikaw, ang labo mo. Alam mo ‘yun? Sige na, gwapo ka na. Ang gwapo-gwapo mo.”
Buhat sa sinabi niya ay bigla na lang hinawakan ni Travis ang kamay niya at halos kaladkarin na siya nito palabas ng bahay. “Madali ka naman palang kausap eh,” anang binata na ikinailing na lang niya.
Habang naglalakad sila papunta sa labasan para doon mag-abang ng taxi, doon niya lang napagtuunan ng pansin ang pagkakadaop ng mga kamay nila. May kakaibang init na hatid ang palad ni Travis papunta sa sarili niyang palad.
Nang makasakay na sila ng kotse ay hawak-hawak pa rin ng binata ang kamay niya. “Travis, baka pwedeng bitawan mo na ang kamay ko?”
Tumingin sa kanya ang binata sabay ngiti. “Bakit? Hindi ka ba kumportable na magkahawak-kamay tayo? Naiilang ka?” mapanghibok na tanong nito sa kanya.
Geeezzz!!! What’s wrong with this guy?
“Hindi naman sa ganoon. Ano kasi…”
Ano nga ba? Pwede naman talagang mag-holding hands ang magkaibigan, di ba? Wala namang masama dun. Siya lang yata ‘tong nagbibigay ng malisya sa ginagawa ng binata.
“Kasi ano?” untag ng binata.
“Kasi…”
“See? Wala kang maisip na rason kung bakit hindi tayo pwedeng mag-holding hands. We’re friends. Walang masama kung hahawakan ko ang kamay mo. So relax ka lang, okay?”
Napapantastikuhang napatitig siya dito. “Whatever!”
Hindi na siya umangal pa kahit na paminsan-minsan ay nararamdaman niyang bahagyang pinipisil-pisil ni Travis ang kamay niya na hawak nito. Pakiramdam tuloy niya ay tino-torture siya nito.
Binitawan lang ng binata ang kamay niya nang papasok na sila sa gusali ng Metro Image Philippines.
The moment his hand let go of hers, she suddenly felt gloomy. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Nagiging bipolar na yata siya. Kanina lang ay gusto niyang bitiwan ni Travis ang kamay niya. Ngayon namang hindi na hawak ng binata ang kamay niya ay nalulungkot naman siya. Ano ba talaga, Daniella?
Pagpasok nila sa conference room ng MIP ay nakita nilang may mga tao nang naroon. Sinalubong sila ng isang babae at pinag-register muna sila bago sila pinaupo sa medyo dulong upuan.
Pagkaupo na pagkaupo pa lang nila ay naroong bigla na lang hinawakan ni Travis uli ang kamay niya. Oh, man, I’m in big trouble! And I think this guy is a first class flirt.
Pasimpleng binawi niya ang kamay mula kay Travis at nagkunwaring abala sa pagbabasa sa papel na ibinigay ng babaeng sumalubong sa kanila kanina-kanina lang.
“Okay guys, since halos kompleto naman na kayong lahat dito, sisimulan na natin ang orientation para sa MIP’s search for Young Fashion Blogger. Hello to every one. I am Mrs. Cleofe, the founder of Metro Image Philippines and also the CEO of this company. I am happy that you guys expressed your willingness to join this competition. As what we have said in the letter that we have sent to you last month, this year’s theme will talk about ‘change’. Sa mga partners ng bawat fashion bloggers na naririto ngayon, malaki ang gagampanan niyong role para sa kompetisyong ito. Dahil kayo mismo ang babaguhin ng bawat fashion bloggers na kapareha niyo sa kompetisyong ito. And to be able to do that, kailangan niyong pagdaanan ang mga sumusunod…”
Daniella started jotting down what Mrs. Cleofe were discussing. At habang abala siya sa pagsusulat, abala naman si Travis sa paglalaro sa buhok niya. Nararamdaman niyang iniikot-ikot nito sa isang daliri nito ang dulo ng buhok niya.
Hanggang sa matapos na lang ang orientation at makauwi na siya sa bahay ay nasa isip pa rin ni Daniella ang extra sweetness na ipinakita sa kanya ni Travis nang araw na iyon.
* * * * *
Dear Diary,
Nalilito ako sa nararamdaman ko simula pa kaninang umaga. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magdadaiti ang mga kamay namin ni Travis ay bigla na lang akong napapapitlag. Na para bang may kuryenteng nanunulay mula sa kamay niya papunta sa kamay ko.
At bakit hindi ako makatitig sa kanya nang diretso sa tuwing titingnan niya ako sa mata? Bakit nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na pagkailang? Hindi ba’t ilan lang ito sa sintomas na nararamdaman ng mga babaeng unti-unti nang nagkakagusto sa isang lalaki?
Nagkakagusto na ba ‘ko kay Travis? Aminado akong gwapo siya… pero hindi ko siya type. Well, at least, hindi ko type ang porma niya. ‘Yun lang naman ang kapintasan nito. But other than that, Travis is a good looking man. Pero nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari, hindi ako magkakagusto sa kanya. Na hanggang kaibigan lang ang magiging turing ko sa kanya.
Well, siguro ay dapat ko na lang ituon ang atensyon ko sa nalalapit na pagsisimula ng kompetisyon. Marami kaming dapat gawin ni Travis para ako ang tanghaling ultimate young fashion blogger sa taong ito.
First thing that we have to do tomorrow is to buy new set of clothes for Travis. Afterwhich ay kailangan ko namang turuang makipag-socialize sa ibang tao si Travis. Hindi ko pa alam kung ano ang pinakamagandang way para turuan ko siyang maging sociable. Basta, makakaisip din ako panigurado sa mga susunod na araw.
At kailangan din naming paghandaan ang photoshoot next month. Yeah, nakakaloka! May photoshoot pa talaga. At ang mas nakakaloka, hindi lang si Travis ang maga-undergo ng photoshoot. Dahil nga mag-partner kami, syempre kasama ako. Kaya ko kayang mag-project sa harap ng camera?
Well, let’s see…