Ito ang unang araw namin ni Cullen, hindi na bilang magkaibigan— kundi magkasintahan.
Memories from our past suddenly flashed. Naaalala ko pa kung paano ako naging curious noon sa kaniya sa PUP. He was a bookworm, matalino sa botany, organic chemistry, at malinaw na nailalahad ang mga argumento kapag sumasagot sa recitations. Malinaw pa sa ala-ala ko kung paano naging awkward para sa akin ang makasabay siyang kumain sa karinderya noon sa Teresa Street at kung paano ako nagulat nang malamang mayroon siyang scandal. Tandang tanda ko pa ang lahat ng iyon. Tandang tanda ko pa.
Pero ngayon, sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko inakalang dito hahantong ang lahat. That's why in my mind, I silently summarized every highlight that happened.
First, our fateful encounter in a fast food resto. Iyon ang panahong hindi ako magkanda-ugaga sa mga gawain ko dahil sa bigat ng workloads. Iyon ang panahong napagalitan ako ng manager at hindi pinayagan ang request kong mag-resign. Paglabas ba naman ng opisina ay makikita ko siyang may hawak na envelope? Iyon na pala ang araw ng interview niya.
Napaisip ako bigla. Ano kayang nangyari sa naiwan naming trabaho sa Sta. Mesa? Kung tutuusin ay hindi pa tapos ang aming kontrata. May kaso kaya iyon?
Pangalawa, ay ang unang pag-uusap namin. Come to think of this, magkaklase kami at higit isang buwan kaming hindi magkausap. Di ba mas magandang tingnan kung sa PUP kami nagkaroon ng first convo? But no, kinailangan pa naming magsama sa isang trabaho upang mapaglapit. Hindi ko lang medyo maalala kung tungkol saan ang napag-usapang iyon pero memorable iyon sa akin.
Pangatlo, ang unang yakap. Doon na rin nagsimulanh gumaan ang loob ko lalo't pamilya ko pa mismo ang dahilan ng mga luha ko. Tumahan ako dahil sa yakap na iyon. Who would think that a person such as him would console me even I'm not his friend?
Pang-apat, ang unang tungo ko sa kaniyang condo. Panglima ay noong maganap na ang trahedya. Pang-anim ay nadala niya ako rito. Pangpito ay ang nangyari sa amin sa jacuzzi. At pangwalo, sa wakas, naging kami.
No one could stop me from for being this sentimental, mahalaga sa akin ito dahil unang boyfriend ko siya— ang kauna-unahang umangkin ng p********e ko. Sa tuwing iisipin ko kung paano humantong sa lahat ang ganito, I can't help but feel so grateful. May nawala man sa buhay ko, the heaven never failed to retrieve what's lost in my heart.
Kasalukuyan kong hinuhugasan ang aming pinagkainan. Actually, panay ang pilit ko sa kasambahay na ako na lang ang gumawa nito, natatakot naman siyang ipaubaya sa akin dahil baka raw mapagalitan ng senyor nilang si Cullen. But still, dahil girlfriend ako ng boss nila, sa huli ay ako pa rin itong nasunod.
Bigla ay naramdaman ko ang unti-unting bugso ng paghinga sa aking leeg. I craned my neck to give him access. I knew it. I knew this was coming.
Mula sa aking likod, pinalupot niya ang mga kamay sa aking bewang. Patuloy lamang ako sa pagbanlaw ng mga plato habang tuloy-tuloy ang agos ng tubig sa gripo. Huminga ako nang malalim lalo na nang maramdaman ang halik niya sa aking leeg.
"How's my darling? Hmm?" baritono niyang bulong. Tulad ng lagi kong reaksyon, sa tuwing gagamitin niya ang ganoong boses ay kusa nang nagsisitayo ang aking mga balahibo. Napa-ismid ako at humarap sa kaniya nang tapos na ako sa paghugas ng plato.
Kumalas ang pagkakapalupot ng mga kamay niya sa aking bewang. Sinalubong niya ng ngiti ang aking pagharap at yumuko upang mas matitigan ang aking mga mata.
I smiled as I met his gaze. I couldn't help but admire him more. Goodness! Ang gwapo-gwapo ng boyfriend ko!
"Huwag mong pagagalitan ang mga kasambahay kung hindi nila nagagawa ang gawain nila. It only means that I insisted to do their tasks. Sanay na ako sa hirap."
"But... you're my queen, and they should treat you like a queen."
Hindi ko inasahan na mapapangiti ako nito. Hinawi ko ang buhok ko at pinatuyo sa apron ang mga basang kamay. Saka ko lang tinanggal ang lace ng apron at isinabit sa isang rack. Hindi pa rin nawala ang ngisi niya nang muli kong ibalik sa kaniya ang pansin.
"Ang aga-aga Cullen, banat agad?"
He chuckled and pinched my nose. "Of course. It's my honor to make you smile every morning."
Sabay kaming umakyat sa aming kwarto. Tulad ng unang araw namin dito, magkahiwalay pa rin kami ng kama. At first, naisip ko na baka ipapalit niya ng king-sized bed ang higaan... asa naman ako. Hindi pa nga mag-asawa pero ganoon na ang expectation ko. Kasal kayo Frances? Kasal kayo?
Sabay kaming naglakad patungo sa balkonahe. He leaned on the railings while I'm here, staring in awe caused by the marvels of the coast. Tinitigan niya ako sa loob ng mahabang segundo saka nagsalita.
"Mamayang hapon ang uwi ni Kiel," kalmado niyang wika. Nagpanting ang pandinig ko roon at unti-unting ibinaling ang tingin sa kaniya.
"Talaga?"
A line appeared between his brows. Sumimangot siya at humalukipkip.
"It seems you're excited huh?"
Natawa ako. Diyos mio, pagselosan ba naman ang sariling pinsan? Kahit gaano pa kagwapo si Kiel Fontaviende, duh, wala sa bokabularyo ko ang magpalit. Kung magiging crush, edi magiging crush. Hanggang doon lang iyon. I'm not that stupid to do cheating. Saka hindi naman iyon mangyayari. Gosh, bakit ko ba ito pinag-aaksayahan ng oras?
Inalis ko ang distansya sa pagitan namin at saka siya ginawaran ng matamis na halik. Umihip ang malamyos na hangin kaya sumabog din ang buhok ko sa kaniyang mukha.
As I flick my tongue inside his mouth, my throbbing heart began beating so wild. The chill that this kiss gives me is so surreal. Mas lalo yatang sumidhi ang damdamin ko sa kaniya. Mas lalo ko pa yata siyang minahal.
Hindi na kami nagkaroon pa ng pagtatalo ukol doon. Sumapit na lang ang hapon at hinintay namin sa terrace ang pagdating nung Kiel Fontaviende. Nasa tabi ko lang si Cullen at ayaw bitawan ang aking kamay.
"Ang possessive mo naman," puna ko. Umigting ang kaniyang panga at mas humigpit ang pagkakasalikop ng aming mga daliri. Humagikhik ako.
"Paano kung magustuhan mo siya?"
Namilog ang mga mata ko sa kaniyang tinuran. Ngayon ay hindi ko na napigilan pang tumawa ng malakas.
"Uy, hindi ka na high school! Bata ba?"
"Tss..."
"Saka hello? May asawa na ang tao, 'di ba?"
Dahan-dahan siyang tumango at iniwas sa akin ang tingin.
"Fixed marriage ang naganap. May ibang gusto si Kiel. May iba ring gusto si Jacq."
Natigilan ako roon at natahimik. Hindi na bago sa akin ang ganoong klase ng kasal pero kung iisipin, ang maitali sa taong hindi mo mahal ay higit na masakit sa lahat. I wonder kung ano na ang takbo ng relasyon nila. Nagkamabutihan ba sila?
Nabasa yata ni Cullen ang iniisip ko dahil nagtugma ang sumunod niyang sinabi sa tanong na aking naiisip.
"Soon, they will separate. On process na ang kanilang annulment."
Suminghap ako, gulat sa aking narinig. What a wasted marriage. Kung alam namang hindi mag-work, bakit pa pag-aaksayahan ng oras? Mahal magpa-annul. Kahit na mayaman sila, hindi maiwasang masagi sa isip ko ang pera na sana ay nailaan sa ibang bagay.
Dumapo sa akin ang reyalisasyon, kahit papano ay may naidulot palang maganda ang paglisan ko noon sa bahay at tumira nang independent. Sa pamamagitan nito ay mas nagkaroon ako ng pagpapahalaga sa pera. Natuto akong buhayin at pag-aralin ang sarili ko. Nagawa kong magtrabaho at kumayod upang mairaos ang isang araw. Minsan ay malakas ang impact ng paghihirap. Aminin man nating hindi nga ito biro upang pagdaanan, sa huli ay worth it kung ano ang mga natututunan.
Ilang sandali pa ay may itim na kotse na unti-unti nang tumutungo rito sa hacienda. Umayos ako ng tayo at pinuna agad iyon ni Cullen.
"Relax. Don't even bother."
I rolled my eyes. Si Kiel kaya ang nagmamay-ari ng ari-arian dito, baka nakakalimutan niya?
Saka kaya ako ganito ay dahil nais kong pasalamatan siya. Kung hindi kasi dahil sa tulong niya ay baka kung saan-saan na kami napadpad ngayon.
Nang huminto ang kotse ay may lumabas na ngang lalaki rito. Sa hatid na liwanag nitong dapit-hapon, kitang kita ko kung paano sumilay sa paningin ko ang imahe niya.
Itim ang suot niyang t-shirt. May tatak itong red supreme at nababagayan ito ng itim niyang cap. Matikas siya sa suot niyang ripped jeans at tila artista kung maglakad papasok dito sa terrace ng mansion. Naramdaman ko ang kamay ni Cullen sa aking bewang at ipinalupot ito na parang takot akong maagaw. Loko, kahit annul na 'yang pinsan niya, kaniyang kaniya pa rin ako.
Besides, mas gwapo ang boyfriend ko. Well.
"Hey," malamig ang boses ni Kiel. Sintangkad niya halos si Cullen at may kaunti silang pagkakahawig sa tikas at sa mata. No wonder, magpinsan nga sila.
Tumango siya kay Cullen. Nang dumapo ang tingin niya sa akin ay bahagya akong nag-bow.
"Hi po Sir Kiel..."
Cullen hissed upon hearing what I said. Agad niyang sinundan ng kung ano ang sinabi ko at hinapit ang aking buwang.
"Anyway, Kiel, this is France, my queen," pagpapakilala sa akin ni Cullen, inabangan kong ipakikilala niya si Kiel sa akin ngunit hindi na nangyari iyon. Bahagyang ngiti ang iginawad sa akin ni Kiel at nauna nang pumasok sa loob.
Nang maiwan kaming dalawa rito sa terrace ay saka ako kumislot. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang siya naman ay nakabusangot.
"Don't call him 'Sir'. Remember, you're a queen here. The one who should hail isn't you—"
"Ewan ko sayo. Takot na takot kang maagawan ha?"
"Tss."
"Mukha ba akong cheater ha? Kung ikaw lang ang mahal ko, ikaw lang. Wala nang iba Cullen, wala na."
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Saka niya ako hinatak palapit sa kaniya at ginawaran ng mahigpit na yakap.
Unang araw pa lang ito ha, unang araw pa lang. Ano kayang mangyayari sa mga susunod naming mga araw bilang magkasintahan? Though I know he's mature enough to handle his jealousy, alam kong nilulugar naman niya ang pagiging isip bata. Sana.
Hindi kami sabay na naghapunan. Nagpahinga raw kasi si Kiel mula sa byahe. Mula ba naman kasi sa Bulacan ang ni-drive niya, tiyak akong napagod iyon.
Bago matulog, napagpasyahan kong hindi muna pumasok sa kwarto. Nagpaalam ako kay Cullen na kausapin si Kiel dahil nakita kong magmumunu-muni lamang ito sa barandilya ng terrace. Buti naman ay pumayag.
Unti-unti ang paglakad ko patungo kay Kiel, nang makapwesto na sa kaniyang gilid, doon ko napagtanto na nagsisigarilyo siya at tahimik lang na nakatitig sa kawalan. Huminga ako nang malalim nang ibaling niya ang tingin sa akin.
"Magandang gabi, Sir Kiel..." mahinahon kong bati. Alam kong teacher siya sa isang public school at deserve niya ng magalang na pagbati. Though it's unusual to think dahil wala naman kami sa school at hindi naman niya ako estudyante, I can sense that he's serious. His stance is a so prim and proper, tipong hindi mabibiro.
"Good evening."
"Uh..." I trailed off, nangangapa sa mga susunod na sasabibin. Nang makaisip ay agad ko itong sinundan. "Gusto ko sanang magpasalamat. Thank you for letting us hide here in your property. Malaking tulong ito para matakasan namin ang problema namin sa Manila."
Tumango siya. "No problem. Pinsan ko naman ang kasama mo at... girlfriend ka niya?"
"Y-yeah."
"Oh." Tinapon niya ang sigarilyo sa kung saan at humarap sa akin. "How old are you?"
"I'm eighteen."
Nang masabi ko iyon, napansin ko kung paano pumungay ang kaniyang mga mata, bagay na hindi ko inaasahan.
Namutawi ang mahabang katahimikan at agad na umiwas ng tingin sa akin.
"You remind me of someone," bulong niya. Mahina man iyon ay nagawa ko pa ring marinig.
Someone? Sino kaya iyon? Bigla akong na-intriga ha? Babae kaya? Love life kaya?
Biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi naalis ang tingin ko sa kaniya lalo't dinapuan ng misteryosong bagay ang aking pag-iisip. Nagmamadali niyang kinuha ang phone at ni-swipe ito upang i-decline. Bigla akong natigilan nang makita ang larawan sa kaniyang wallpaper.
Napatitig ako nang matagal sa wallpapaer na iyon. Babae iyon at sobrang pamilyar sa akin. Bakit parang nakita ko na iyon sa isang... video?
"T-teka!" sigaw ko nang akma na niyang ibubulsa ang cellphone. Tumigil siya at nanatiling nakaladlad ang phone.
"Why?"
"Yung wallpaper mo, sino 'yung babae sa wallpaper mo?"
Kumunot ang kaniyang noo. "Asawa ko. Si Jacq, bakit?"
Nilaliman ko pa ang paghukay ng aking isip. Nasisiguro kong pamilyar siya sa akin! Teka, saang video ko ba nakita iyon?
"P-pamilyar siya sa'kin e. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita."
He chuckled. Saka niya ibinulsa ang cellphone at humarap sa akin nang maayos.
"Of course, pamilyar talaga iyon sa kahit na sino. Kalat ba naman sa social media ang scandal nila ng boyfriend mo."
At doon... nang ma-realize kong asawa niya nga ang napanood kong kasama ni Cullen sa isang s-ex scandal, kasabay ng gulat ay tuluyang gumuho ang mundo ko.