Dalawang araw ang lumipas mula noong nagkalinawan. Nahirapan man tanggapin noong una, kinailangan kong magpatawad dahil nangyari na ang nangyari. Walang maaayos kung puro galit lamang ang paiiralin. Dahil kung matibay talaga ang pagmamahal mo sa isang tao, handa mong yakapin kahit ang pinakamadumi niyang lihim— kahit na madilim pa ang kaniyang nakaraan. Prente akong nagmamasid sa balkonahe ng aming kwarto. Pinagmamasdan ang hindi nakasasawang ganda ng probinsya. Dito ay natuto kong mag-appreciate sa ganda ng kalikasan. Na kahit saang anggulo man ako tumingin, may igaganda't igaganda pa ang bawat tanawin. Pinigil ko sa pagtaas ang suot na mini-skirt dahil sa mabilis na takbo ng hangin. Sumabog ang buhok ko kaya ang isang kamay ko ay abala na sa muling pagsasa-ayos. Napatingin ak

