"I love you always, wifey." Anang Kris saka ako pinatakan ng halik sa noo. "Alagaan mo ang sarili mo pati na si baby, okay?" "Mag-ingat ka rin palagi, ah? Huwag kang papalipas ng gutom." Nakangiting turan ko rito nang pakawalan niya ako. "Of course, gusto ko pang makita ang anak natin." Pahayag nito at halos hindi na mawala sa labi ang pagkakangiti. "Mahal na mahal kita, palagi mo iyang tandaan." Tumango ako dahilan para magpaalam na siyang aalis na patungo sa The Great Empire. Patuloy ito sa pagtatrabaho, kagaya kung paano namin pinagpapatuloy ang buhay na magkasama. Nakaalis na ang sinasakyang kotse ni Kris ngunit heto ako at nananatiling nakatitig sa pintong pinaglabasan nito, kalaunan nang mapabuntong hininga na lang ako at mapait na napangiti sa kawalan. Ilang beses man niyang sa

