"Please, 'nay, huwag niyo po munang sabihin kay Kris. Ako na po ang bahalang magsabi. Kapag handa na ako, 'nay. Kapag kaya ko na." Iyan ang naging pakiusap ko kay inay matapos kong sabihin sa kaniya ang kalagayan ko, na tama ngang buntis ako ngunit may malubhang sakit. Hindi man siya sang-ayon sa desisyon ko ay wala na rin itong nagawa. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Kris kaya sa ngayon ay nag-iipon pa ako ng lakas ng loob. Masyado pa akong nilalamon ng mga naghalu-halong emosyon ko, masakit na sa parte ko kaya ayokong sirain ang araw na 'to. It's his birthday, a simple celebration na ginanap dito sa bahay namin. Naroon silang lahat sa pool area, samantala ay pinapanood ko naman sila mula rito sa hamba ng pintuan. Narito rin si Vanessa ngunit hindi ko naman mabanggit sa ka

