Chapter Six

1504 Words
Chapter Six Syrin’s POV “Ninong!” tawag ko sa kanya nang makarating siya. Kasama niya ang kanyang sekretarya. “Ninong!” muling tawag ko. Pero hindi ako nito pinansin. Kasama lang niya ang sekretaryang iyon at hindi na ako pinansin. Umamba ako sa likod ni Ninong. “What the hell are you doing, Syrin De Jesus?!” naiinis na wika ni Ninong sa akin kaya napasimangot ako. Nakatingin sa akin ang ilang mga estudyante. Inirapan ko lang ang mga ito. “She’s so clingy!” Ay aba! Pinagtsitsismisan na naman ako ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay. “S-sorry, Ninong!” nakayukong wika ko. Napansin ko ang ngisi ng sekretarya niya. Gusto ko siyang hilahin sa gilagid! “Fix yourself, Syrin De Jesus! Kababae mong tao!” sita niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako at umalis. Dumiretso ako sa canteen. May tatlumpung minuto pa bago mag-umpisa ang susunod kong klase. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may sumulpot—si Gio. Nakangiti siya sa akin at umupo. “Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? May problema ba?” Kung makikisawsaw lang siya. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kanya. Naiinis ako sa inasta ni Ninong at sa sekretaryang kasama niya. Ang sarap siguro ingudngod ito sa sahig. “Hays! W-wala,” sagot ko sabay irap. “Anong nangyari sa’yo, Sy? May umaway ba sa’yo? Sino? Sabihin mo sa akin para maresbakan ko.” Nahampas ko siya nang wala sa oras. “Nanghahampas ka na naman, Sy!” reklamo niya. Tumayo ako at nag-walkout. “Saglit lang, Sy. Hintayin mo ako!” tawag pa niya. Humahangos siya. Sana hindi na lang ako pumasok. Nakakainis ang araw na ito. Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Dumungaw ako sa baba. Kitang-kita ng mga mata ko ang malanding sekretarya niya na ang dibdib ay nakadikit kay Ninong. “Bumaba ka diyan, Miss!” sigaw ng isa sa mga estudyante. Dumami ang mga estudyanteng nakatingala sa akin. Anong problema ng mga ito? “Magpapakamatay ba siya?” “Diyos ko, bumaba ka diyan, Ineng!” takot na sigaw ng isa sa mga professor. Ang OA naman ng mga reaksiyon nila. Hindi naman ako magpapakamatay. Magpapahangin lang ako. “Kung anuman ang problema mo, iha! Hindi solusyon ang pagpapakamatay!” sambit ng janitor. Lalong dumami ang mga estudyante. May ilan pang kumukuha ng video sa akin. Balak pa yata akong pagkakitaan. Letsugas! Biglang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko ang screen, pangalan ni Ninong ang nakalagay. Isa na naman ang isa pang ‘to. “What do you think you’re doing? Bumaba ka diyan kung ayaw mong ako mismo ang hihila sa’yo pababa!” bungad niya sa akin nang sagutin ko ang tawag. Pinatay ko ang tawag at agad isinilid ang phone ko sa bulsa. Uupo na sana ako nang may humila sa akin—si Ninong. Kaya natumba kaming pareho at napasubsob ako sa dibdib niya. Binatukan niya ako nang makatayo kami. “Ikaw bata ka, nanenerbyos ako sa’yo!” Kasalanan ko pa kung bakit siya madaling nerbyusin. Eh? Kakainom lang niya ng kapeng barako. “S-sorry, nagpapahangin lang naman ako!” nakayukong wika ko. “Are you out of your mind?!” Nanenermon na naman siya. Hay! Namiss ko tuloy ang buhay ko sa probinsiya. Kung hindi lang sana namatay sina Nanay at Tatay, edi sana kasama ko pa sila ngayon. Napasandal ako sa pader habang tinitingnan siya. “Hindi ko alam, Ninong. Bakit ba ang taas ng expectations mo sa’kin?” Hinawakan niya ang braso ko at tiningnan ako ng seryoso. “Ang taas ng expectations ko sa’yo dahil kaya ko, Syrin. Ipinapakita ko ito sa’yo dahil gusto ko ng mas mabuti para sa’yo.” Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero parang may tumimo sa puso ko. Tumingin ako sa kanya, “Kaya ko ba talaga?” Tinutok niya ang mga mata sa akin. “Kaya mo. At hindi ako titigil hangga’t hindi mo nakikita ang potensyal mo.” Tuloy-tuloy na lang ang lakad ko, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—naiinis, malungkot, o naguguluhan. Habang tumatagal, parang mas lalo akong napapalayo sa aking mga pangarap, mas lalo ko lang nakikita ang mga hadlang na sinusubukan ko iwasan. Ilang minuto lang, nakarating kami sa classroom ko. Bago pa man pumasok, nilingon ko siya, “Salamat, Ninong, pero alam mo ba, minsan hindi ko talaga alam kung anong gusto ko sa buhay?” Tahimik siyang tumango, pagkatapos ay nagpatuloy sa paglakad papasok sa klase. “Ang importante, Syrin, ay matutunan mong pahalagahan kung ano ang mayroon ka at kung sino ka.” Dahil sa sinabi niyang iyon, parang may nagbukas na pinto sa isipan ko. Ano ba talaga ang gusto ko? Bakit ko hinahanap ang mga sagot sa mga taong hindi ko kayang kontrolin? Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad papasok ng klase. Pagkatapos ng klase ay napagpasyahan kong magtungo sa palengke upang bumili ng prutas para kay Ninong–peace offering ko sa pagiging pasaway ko lately. “A-anong atin, Iha?” nakangiting tanong sa akin ng medyo may edad na babae. Isa-isa kong tinignan ang prutas na nakadisplay. “Magkano po 'tong punkan, Manang?“ “25 per kilo, iha!” sagot nito sa akin. Magugustuhan kaya 'to ni Ninong? Hindi ko kasi alam kung kumakain ba ng punkan si Ninong. Kung hindi niya magustuhan, ako na lang ang kakain. Paborito ko 'to eh. “Isang kilo nga po, Manang!” “O sige iha!” Napukaw ang atensyon ko sa manggang hilaw. Naglalaway ako nang makita ito. “Magkano po ang mangga?“ tanong ko. Trip kong kumain ng manggang hilaw ngayon. “50 per kilo, iha!” “Isa din po!” Bumili rin ako ng watermelon. Nagbayad na ako at pumara ng tricycle, nagpahatid ako sa St. Lucio Village. Pagdating ko ro'n ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin –si Ninong. Nakasando lamang siya. “Saan ka galing?” seryosong tanong nito sa akin. Nagbayad muna ako bago sumagot. “Sa palengke po, Ninong!” nakayukong wika ko bitbit ang tatlong plastik. “Bakit ka umalis? Hindi ba't hatid sundo ka? Paano kung may mangyari sa 'yo? Paano kung mapagtripan ka sa labas?” Nag-aalala ba siya? “Para namang hindi mo ako kilala, Ninong. Kaya ko pong ipagtanggol ang sarili ko sa sinumang mangtatangkang mangtrip o mangbully sa akin,” taas noo na sagot ko sa kaniya.. Napangiwi na lamang at napapailing. “O siya pumasok ka na!“ aya nito sa akin. Good mode ang Ninong ko ngayon ah? Ano na naman kaya ang hinithit nitong kape? Inilapag ko sa lamesa ang prutas na nabili ko maliban sa mangga. Dumiretso ako sa kusina. Ngunit napahinto ako nang pigilan ako ni Ninong. Bahagya akong lumingon sa kaniya. “Magbihis ka muna, Sy! Bago asikasuhin iyang mangga mo!” mahinahong sambit ni Ninong. Tumangi naman ako at sabay na inilapag ang supot na may mangga sa lamesa. Umakyat na ako sa aking kwarto. Pagkatapos kong linisan ang aking sarili ay bumaba akong naka-sleeveless at pang-summer short. Habang pababa ako ng hagdan, nakasalubong ko si Ninong. Napatingin siya sa aking maputing legs ko at napapalunok. “Change your clothes!" Mariin akong umiling dahil kumportable ako sa sleeveless at shorts eh. Nakakagalaw kasi ako ng maayos. “Syrin!” “N-Ninong!” “I said, change your clothes!” “Di na po kailangan, Ninong. I felt comfortable naman po sa suot kong 'to,“ mariin kong tanggi. Kumunot ang noo ni Ninong. “Just follow my order!” Napapairap na lamang akong bumalik sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Nagpajama na lamang ako. Habang kumakain ako ng mangga, napansin ko ang paninitig nito sa akin. “N-ninong? May problema po ba?” nauutal kong tanong sa kaniya. Kaya nabalik siya sa huwisyo at nag-iwas ng tingin sa akin. Ibinaling niya ang kaniyang sarili sa ibang bagay at iyon ay pagbabasa ng magazine. Nangangasim ang mukha ko sa bawat kagat na ginagawa ko sa manggang nabili ko. Nasobrahan kasi 'to ng asim. Ilang oras ang nakalipas. Natagpuan ko ang aking sarili sa tapat ng kwarto ni Ninong. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko. “She's pure!“ rinig ko mula sa loob. Ha? Pure? Sinong tinutukoy na pure ni Ninong? “Okay, I'll see you tomorrow!" Nacurious tuloy ako. Sino kaya 'to? At sino iyong kausap niya sa telepono? O-eem gii! Baka may illegal na ginagawa si Ninong, iyong human trafficking. Sana nagkamali lang ako ng iniisip. “S-Syrin?! Anong ginagawa mo diyan sa labas ng kwarto ko? May kailangan ka ba?” “Ha? W-wala, Ninong. Napadaan lang ho ako!“ pagsisinungaling ko pa sa kaniya. Kailangan kong malaman kung ano ang ibang pinagkakaabalahan ni Ninong maliban sa kumpanya at paglalaro ng tennis. “N-Ninong?! " tawag ko nang may kahalikan siyang babae sa loob ng opisina niya. Agad 'tong napahiwalay sa kaniya. Kaya awtomatiko kong nasirado ang pinto at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD