Chapter Four

1919 Words
Chapter Four Syrin’s POV Nasa balcony ako habang palihim na nakatingin kay Ninong. Nasa garden area kasi siya at may kausap sa phone. “Gwapo pala si Ninong Aga! Pero bakit wala pa rin siyang girlfriend,”bulong ko sa aking sarili. Mukha na akong baliw sa mga sandaling ‘to. Kapag ako nakita ni Ninong tiyak na maniningkit na naman ang mga mata niya sa inis. Infairness kahit lagi siyang galit at nakasimangot. Ang gwapo pa rin. Nakakalaglag panty si Ninong. Hays! Bakit ba ako nagkakaganito? Simula kasi no’ng nakakahiyang hallucinations ko kagabi ay para na akong baliw kakasunod palihim kay Ninong. Makita ko lang siya ay solve na ang araw ko. Hindi naman ako ganito dati. Pero ang landi ko na ata. Aissh! Tinamaan na kaya ako ng pana ni Kupido? Kupido naman, tirahin mo rin ang puso ni Ninong, ‘wag kang unfair! “Okay bye, see you later!” ibinulsa ni Ninong ang phone niya. Bahagya siyang napaangat ng tingin sa gawi ko kaya agad akong nagtago. Daig ko pa ang akyat bahay sa pinanggagawa ko. Ang lakas ng loob kong maging stalker ni Ninong tapos nagtatago. “Meow!” kunwari pusa ako. “Tsss. Kailan pa ako nagkaro’n ng pusa?” Ay hala? Wala nga pala siyag alagang pusa. Aso lang. “Aw! aw! aw!” Para na akong temang. Medyo namamaos ang boses ko. “Is that you, Chuwi?” Si Chuwi ang paborito niyang aso. Kasing laki ko kapag nakatayo ito. At dahil nasimulan ko na ang pagpapanggap na aso,wala ng atrasan ‘to. “Aw! Aw!” Ngunit napatigil ako ng kumati bigla ang lalamunan ko. “Come to daddy, Chuwi!” rinig kong tawag ni Ninong sa alaga niyang si Chuwi. Dahan-dahan akong naglakad na nakaupo papasok sa kwarto ko. At agad akong uminom ng tubig. Ngunit hindi pa rin nawala ang kati sa lalamunan ko. Karma ko na ba ito sa pagpapanggap ko bilang aso? Halos hindi ako makahinga sa kakaubo ko. Tuluyan na akong naging aso kakatahol ko. Kinarma ka na nga sa pinanggagawa mo, Sy! Napalingon ako ng may kumatok.“ Syrin De Jesus!” boses iyon ni Ninong. What am I going to do? Magtatago ba ako? Saan naman? Ay pwede ako magtago sa closet ko. Kasya naman ata ako do’n. “Syrin De Jesus! Buksan mo iyang pinto! I have an importand discussion with you!” Ayoko ngang buksan baka mag-hallucinate na naman ako sa kaniya. Hindi lang sermon ang makukuha ko kay Ninong kundi sapak na siguro. “Syrin De Jesus!” “W-wala pong tao dito!” ay gagi! Bakit ba kasi ako sumagot? Wala na, alam na niya na nandito ako sa loob ng kwarto. Magtatago pa lang sana ako ngunit bumukas iyong pinto. “What are you doing?” nakaangat pa ang isa kong paa papasok sa loob ng closet. “Ha? May ginagawa ba ako, Ninong? W-wala naman ah?” Napahilot siya sa sentido niya. “Denial?” mariin akong kumunot. Magtatago pa lang naman ako. “Magbihis ka, may pupuntahan tayo!” “S-saan po, Ninong?” tanong ko. “Wag na magtanong, magbihis ka na lang. I’ll wait downstairs. Pakibilisan.” Agad niyang sinirado ang pinto ng kwarto ko. Saan kaya kami pupunta ni Ninong? Napangiti ako. Napili ko ang black jeans at puting croptop na may nakadesinyong alitaptap. It really fits sa skinny jeans ko. “Ma’am, bilisan niyo raw!” tawag ni Manang Minda sa akin. “Bababa na po!” Dali-dali kong tinali ang buhok ko. At nagsuot ng puting sapatos na pinabili ni Ninong kay Aling Minda. Habang pababa ako ng hagdan nakadekwatrong upo si Ninong sa mamahalin niyang sopa set. Millions ata ang presyo nito kung hindi ako nagkakamali. “You took so long! Ganiyan ba kayo mga babae mag-ayos? It almost thirty minutes, ang kupad niyo talagang mga babae kumilos!” asik niya pa. Napayuko na lamang ako. “S-sorry po, Ninong,” nakayukong sabi ko. “Gross! You’re outfit is really pangit like you!” ay hala si Ninong, ang sama ng ugali. Hindi naman kasi ako sanay na magsuot ng mga sexy na damit. Simple lang ang pormahan na gusto ko. Ang importante hindi ako mukhang basahan. Nakakatampo si Ninong. Hindi porket lumaki ako sa probinsiya ay may karapatan na siyang laitin ako. Mali iyon, matuto siyang gumalang sa mas nakakabata sa kaniya. Palibhasa kasi gurang na siya. Malapit na maging senior cetizen kaya siguro ang sungit. “Hurry up!” nabalik ako sa huwisyo. “Kailangan manigaw, Ninong? Hindi naman ako bingi eh?” reklamo ko pa ngunit inirapan niya lamang ako. Nasa may pintuan na kasi siya. May regla ata si Ninong kaya ang sungit o di kaya binasted ng babaeng nililigawan niya. Napapailing na lamang si Manang Minda at pilit akong ngumiti sa kaniya. Lumabas na ako ng mansyon at agad na sumakay sa kotse ni Ninong, mahal pa ‘to sa buhay ko. Kahit ata maging bay@r@n akong babae buong buhay ko ay hindi pa rin sapat. “Argh! Stupida!” naiiritang puna na naman niya sa akin. Ngumuso ako sa kaniya. “What the h3ll are you doing, Syrin De Jesus?!” singhal niya. Nabalik ako sa huwisyo. “W-wala, Ninong. Masakit kasi labi ko,” pagdadahilan ko pa sa kaniya. Huminto kami sa tapat ng university. “Bumaba ka na!” “A-anong gagawin natin dito, Ninong?” nagtatakang tanong ko. At lumabas ng kotse niya. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante. “S-sino iyan? Ang baduy niya ha!” “Mas maganda pa nga iyan, sa iyo!” “Shut up, Lily!” Nagalit siya, totoo naman kasi na mas hamak na maganda ako kaysa sa kaniya. “Truth hurts?” natatawang puna ng isang kasama nito. Hinampas niya ng bag ang dalawang kasama niya. Naging dragona agad. Hihi. “Oh my gosh! Iyong crush ko nandiyan na, girls!” tili ng isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Ang arte ha? “Guys, alam niyo ang chismis?” Mga chismosa talaga. “Ano?!” sabay na tanong ng tatlong kasama niyang babae. Basi sa tindig at awrahan nila ay natitiyak kong yayamanin ang mga ito. “He’s engaged sa sikat na model na si Arianna Kriandria!” “Really?” “Oo, it really hurts nga eh kasi dapat sa akin siya eh. Akin lang dapat siya!” Bahagya akong napalingon kay Ninong. “Chismosa ka rin pala?” usal niya. Heto na naman siya. “Hindi po masyado slight lang po,”nakangising sambit ko. “Alalay niya ba iyong babae na iyan?” “Hindi ata baka girlfriend kamo!” “Possible pero sa pagkakaalam ko ay engage na siya kay Arianna Kriandria.” “Personal Assistant ata,” Wala bang ibang magawa ang mga estudyante dito kundi makikipagtsismisan sa mga kapwa chismosa’t chismoso? Sinayang lang nila ang pagod sa pagtratrabaho ng mga magulang nila. “ Hindi ata kasi parang ka-edad lang natin siya o baka nga mas matanda pa tayo diyan eh.” Mas fresh, maganda at bata talaga ako sa inyo. Laking probinsiya ata ito at preskong hangin ang naiintake ko kaysa sa inyo na puro canal ang naiintake niyong hangin. Haler! Hihi. “Tapos na kayo magtsismisan?” baritonong tanong ni Ninong sa mga estudyante. Napayuko sila sa hiya. “S-sorry po!” sabay nilang sabi at umalis. Napangisi na lamang ako. Umagaw ng atensyon ko ang isang lalaki na nakaupo sa bench ng campus. Abala ito sa pagbabasa ng libro, tila wala siyang pakialam sa paligid niya. Ganiyang estudyante ag dapat tularan. Nasapo ko bibig ko nang makita ko ang librong binabasa niya. Novel? Ay jusmisyo kalalaking tao nagbabasa ng nobela? Interesting ha?! Napansin ko naman ang paninitig ni Ninong. Agad akong nagpeace-sign sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako. “Ang sungit talaga ng senior cetizen na ito!” naiiritang bulong ko sa aking sarili. “Tssss..” Ang hilig niya talaga mag “tsss..” “Ninong? Ano pala ang ginagawa natin dito?” tanong ko nang makarating kami sa Dean’s Office. Baka kaibigan niya ang may-ari ng school na ito at isa sa mga investor ng unibersidad na ito. “Gusto mo mag-aral diba?” Nagningning ang mga mata ko matapos ko itong marinig. Paaralin niya pala ako. Gusto ko ito. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya ng mahigpit. “Oh my gosh! Tama ba itong nakita natin?” napabitaw agad sa pagkakayakap kay Ninong at lumingon sa estudyanteng nagsalita. “Magsibalikan na nga kayo sa mga klase niyo!” sita ni Ninong. “Tsssss.. At ikaw ayokong nakikipagchismisan ka dito ha? Pag-aaral ang atupagin mo!” Napayuko na lamang ako. “Y-yes po, N-ninong. Promise po pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.” “Fix yourself!” Lagi na lang niya akong sinesermunan. Mukhang napilitan ata siyang kupkupin ako. Kung ayaw niya sa akin ay pwede niya naman akong ibalik sa probinsiya eh. Mas gusto ko pa nga do’n eh. Marahan na binuksan ni Ninong ang pinto. At pumasok kaming dalawa. Bumungad sa amin ang isang may edad na lalaki. Singkwenta’y anyos na ata ‘to medyo kalbo na kasi ang buhok niya. “What I can do for you, Mr. Ramiro?” kuryosidad na tanong nito kay Ninong kay makaupo si Ninong. “Nandito ako para ipa-enroll ang inaanak kong si Syrin De Jesus! Ikaw na ang bahala sa inaanak ko, Dean Almagro!” Bahagyang lumingon sa akin si Dean at ngumiti. “Pleasure to meet you, Ms. De Jesus!” bati nito sa akin. “Nice to meet you rin po, Dean!” bati ko pabalik. “Have a seat, Miss De Jesus!” Offer niya. Nakatayo kasi ako sa may pinto. Sinenyasan ako ni Ninong na umupo sa tabi niya na agad kong ginawa. “Pasensya ka na po, Dean sa inaanak ko. Mahiyain po kasi ito eh. At saka laking probinsiya kasi ang inaanak kong ‘to,” sambit niya pa. Nakayuko lamang ako hanggang sa umuwi na kami. Para akong mabibingi sa sobrang katahimikan. “N-ninong?” basag ko sa namayaning katahimikan. “Hmmm?” “Salamat po!” “Basta, wag kang maging basagulera. Dahil once na nasangkot ka sa gulo ay ‘di ako magdadalawang-isip na ibalik ka sa probinsiyang kinalakihan mo. Maliwanag ba, Miss De Jesus?” Matipid akong tumango. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko iyong mga nasagip kong chismis kaniha. Engaged na pala si Ninong. May part sa puso ko ang pagkadismaya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, bigla ko na lang kasi naramdaman eh. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong kaming dalawa ni Manang Minda. “Prepare snack, Manang!” utos ni Ninong. “O sige po, Sir! Maghahanda lang po ako ng snacks niyo ni Maam Syrin.” Nagpasya akong umakyat sa aking kwarto ngunit naka-isang hakbang pa lang ako ay nagsalita si Ninong. “Mamaya ka na umakyat sa kwarto mo, Sy. Mag-snacks ka muna!” “Busog pa po ako, Ninong!” mariing tanggi ko sa kaniya. “Just follow my order, Syrin De Jesus!” Ayan na naman siya. Tinawag niya na naman ako sa buong pangalan ko. “Sige po!” Umupo ako sa kabilang side ng sopa habang nakayuko. Binuksan ni Ninong ang tv. “Hanggang ngayon hindi pa rin nila nahahanap ang anak nila?” pabulong na sabi ni Ninong. Kilala niya kaya ang mag-asawa na nasa screen ng malaking tv niya? Sabagay well known naman talaga si Ninong kasi negosyante siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD