bc

Playful Kiss

book_age18+
17
FOLLOW
1K
READ
sweet
realistic earth
mxm
friends
stubborn
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Matagal na kinalimutan ni Jade ang nakaraang nagwasak sa puso nya. Hindi niya lubos akalain na after 5 years na paglimot at pagpapagaling ng kanyang puso ay muli na namang sisibol ang pagmamahal na nais na nyang ibaon sa limot at mababalewala ang limang taon nyang pagdurusa dahil lamang makakasama na naman nya ang lalaking ibinaon na niya sa limot sa loob ng limang taon.

Hindi maiipagkaila na malaki ang pinagbago ng babaeng yun, dating mas lalaki pa sa kanya ngayon ay napakahinhin at.... di nya maiitanggi na lalo itong gumanda. Wala syang panahon sa lovelife isa lang naman ang dahilan ng pag uwi nya and after this ay babalik na rin sya ng Dubai. Marami syang naiwan na trabaho at hindi pag ibig ang iniuwi nya ng Pilipinas.

Pero siguro ay talagang mapaglaro ang tadhana. Dalhin kaya sila ng nakaraan sa mas malalim na sugat. O magbago ang ihip ng hangin at dalhin sila nito sa magiging pinakamasayang parte ng kanilang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Jade naman!!" angil na pabalik ni Kristal ng batokan sya ng kaibigang si Jade. "Arte mo!" sabay pingot nito sa ilong ng matalik na kaibigan. Naexcite sya ng muling makita ang kaibigan pagkatapos ng sembreak nila, 2nd year college na sila parehong paaralan at parehong kurso. Kailan nga ba sila napaghiwalay? Mula elementary ay magkaibigan na sila magkasundo sila sa lahat ng bagay. Sa pagkain, sa musika, sa taong pakikisamahan pati ang kursong kinuha nila ay nagtugma din. Isa lang naman siguro ang pinagkaiba nila, napakadalagang Pilipina ng kaibigan nya at sya naman ay napaka brusko. Kaya maraming humahanga sa dito. Naglalakad sila sa hallway ng engineering department. Kakatapos lang ng sembreak nila at balik eskwela na. Palagi parin naman silang magkasama ng kaibigan kahit noong sembreak. Wala nga silang ginawa kundi maglakwatsa at magpakasaya dahil alam nyang pag resume ng klase ay tadtad na naman sila ng gawain. Nasa pangalawang taon na sila ng kursong mining engineering. Pareho silang hindi nagpapabaya sa pag aaral nag eexcel silang magkaibigan sa extra curricular activities at lalo na sa academics. Nakakahiya naman sa kanyang mama na nagpapakahirap magtrabaho sa Hong Kong kung magpapabaya sya sa pag aaral. Kailangan nyang makabawi sa lahat sakripisyo ng kanyang mama mula ng mawala ang papa niya. Sinabi nyang pag nakakapagtrabaho na sya ay papauwiin na nya ang mama nya at sya na ang bahalang bumuhay sa kanilang dalawang mag ina. Wala syang kapatid, 7 years old pa lang sya ng mawala ang papa nya dahil sa aksidente sa site na hinahandle neto. Isa rin etong engineer noong nabubuhay pa kaya ganon na lamang ang tanggi ng mama nya noong sabihin nyang mag eengineer din sya gaya ng papa nya. "Ano ka ba naman Jade! Bkit yan pa ang napili mo" rinig nyang napabuntong hininga sa kabilang linya ang mama nya. "ano namang masama sa gusto ko ma?" tanong na sagot ni Jade sa mama nya habang nag iinit ng kanyang pagkain sa microwave "alam na alam mong halos isumpa ko ang linyang yan dahil sa nangyari sa papa mo and besides para sa lalaki lamang ang ganyang kurso... jusko anak may hindi ba ko alam sa kasarian mo" mahabang protesta sa kanya ng ina. Napasimangot si Jade sa sinabi ng ina "napaka paranoid mo ma, ang kapalaran ni papa ay hindi ko magiging kapalaran. Andddd wag mo paghihinalaan ang kasarian ko maaa!!" maktol nya dito habang pasalagmak na napaupo sa sofa. Eto na naman may tao na namang nalilito kung straight ba sya. "Babaeng babae ako at alam ko yun sa sarili ko... (hindi ba nga papakasalan ko pa si Dale) gusto nyang idugtong habang kinikilig sa naisip na idugtong sa kanyang sinabi. "ewan ko nga sayong bata ka, basta asikasohin mo yang pag eenroll mo ha wala akong ibang mapapamana sayo" nagsisimula ng magdrama ang mama niya, palagi na lamang itong ganito. Ipapaalala sa kanya na walang maiipamanang yaman kaya dapat ay magseryoso at mag aral siyang mabuti. Hindi naman niya yun kinakalimutan dahil talagang mataas ang pangarap niya para sa kanilang dalawa. "sshh ssshh" putol nito sa ina "wag ka na magsimulang magdrama ma, kahit hindi mo sabihin alam ko ang gagawin ko sa buhay ko don't ya worry, after i graduate uuwi ka na dito sa Pinas at mag eenjoy ka na lang. Magkakaron tayo dito ng matagal mo ng pangarap na farm with many many plants at maraming maraming alagang hayop, wag lang hayop na pag uugali." pagpapaalala niya sa mama niya ng mga plano niya "yeah i know, nakokonsensya lang ako dahil imbis na naaasikaso kita ay mag isa ka dyan at malayo ako. Sa mga ganyang bagay na pagdedesisyon mo ay gusto ko kasama mo ako. Araw araw ako nag aalala kung okay ka lang ba dyan. Kung nakakakain ka ba ng maayos. Kung nakakapag aral ka ng mabuti." sagot naman nito "no ma, im okay here. Sarili mo ang isipin mo dyan at alagaan habang inaabot ko ang pangarap natin. Okay?" pagpapalubag nito sa loob ng ina. Ramdam niya na missed na missed na sya ng ina at ganon din naman siya. Kaya hindi niya dapat bigoin ito. Ilang taon na nga ba silang hindi nagkakasama? Simula ng tumuntong ng highschool ay umalis na ito para mangibang bansa at magtrabaho ng sa ganon ay matustosan nito ang kanyang pangangailan. Hindi naman sapat ang natanggap na pera ng papa niya noong mamatay ito maliit din naman ang buwan buwang pensyon na natatanggap ng mama niya at hindi yun magkakasya lalo ngayon at nasa kolehiyo na siya. Kaya humantong ang mama niya sa pangingibang bansa. Noong una ay may kasama sya sa bahay na binabayaran ng mama nya para sa mga gawaing bahay at makasama nya kahit papaano para hindi siya mag isa sa bahay. Pero netong maka graduate ng high school ay sinabi na nya sa ina na huwag na kaya na nyang mag isa gawin ang gawain sa bahay at asikasohin ang kanyang sarili. Para na rin mabawasan ang gastos nila at ng madali sila makapag ipon at makauwi na ang mama niya. Hindi naman tumutol ang mama nya dahil alam neto na napaka independent nya bukod doon ay wala naman etong dapat ipag alala dahil nasa probinsya naman sya at napakatahimik at payak ng lugar nila. Maagang pumasok si Jade para mag review. Agad syang pumasok sa library para doon mag aral, bukod sa tahimik ay nandon ang mga librong kailangan nya para makapag review. Mabilis syang naglalakad papasok sa loob bigla syang napatigil ng matamaan ng paningin ang isang pamilyar na pigura. Si Dale iyon hindi sya pwedeng magkamali, kahit nakatalikod ito ay hindi sya pwedeng magkamali. Alam na alam niya ang bawat detalye ng katawan ng lalaking matagal na niyang minamahal ng palihim. "pag sineswerte ka nga naman" usal nya habang itinatali ang nakalugay nyang buhok. Ear to ear ang kanyang ngiti bago lumapit kay Dale at sinundot ito sa tagiliran. Malayo pa lang ay naaamoy na niya ang kabangohan ng binata. DALE'S POV Sobrang stress na ko dahil sa hellweek. I need a break after this. Part of being graduating halos maubos ang lakas naming magkakaklase sa daming gawain na sabay sabay. Hindi na ata naaawa sa amin ang aming mga professor, nilulunod kami sa dami ng school activities. Kailangan kong matapos ang draft ng thesis ko ngayong araw kundi malalagot kami sa adviser namin. Napalingon ako ng may sumundot sa likod ko. "Jade" wala akong gana makipag asaran sa kanya ngayon sa dami kong tambak na gawain, wag niya akong susubokang abalahin sa mga non sense na bagay at talagang baka madamay siya init ng ulo ko. "sungit mo naman, busy?" tanong nya sakin. Tumango lang ako at patuloy na tumipa sa laptop ko. Nakakapag tanong pa ito ay alam naman niyang exam week ngayon. Nandito na naman ang makulit na babaeng ito. Wala ng ginawa kundi asarin sya twing magkukrus ang landas namin. Hindi man sabihin ni Jade alam kong may gusto sya sakin. Nararamdaman at nakikita ko yun sa mga actions nya. Pero wala naman akong balak na tugonan ang nararamdaman niya sa akin. She's beautiful naman kahit parang lalaki ito kung kumilos minsan, no hindi lang pala minsan as always but she's not my type. "last school year na at graduate na kayo" magsisimula na naman ito dumaldal. Napasimangot ako, hindi ako makakapag concentrate nito siguradong hindi na naman titigil to sa pagsasalita. "don't worry, di kita iistorbohin magrereview din kasi ako" mukang nabasa nito ang nasa isip ko. Saka ito tumayo at mukang kukuha ng libro. "mabuti naman" sa isip ko. Saka muling ibinaling ang isip sa aking gawain na nasa harapan ko. I wear my headset and continue what i am doing at my laptop. Jade's POV Sobrang gwapo talaga! Tili ng isip ko habang pasimpleng sumusulyap sa napaka gwapong nilalang sa harapan ko. Kaya walang babaeng hindi mahuhulog sa lalaking 'to. Bukod sa napaka gwapo ay napaka talino at araw araw mabango. Bigla ako napasinghot para samyuhin ang amoy nya. As always, napakabango nito hindi kagaya ng ibang lalaking mga amoy lupang nabasa ng ulan. Kailan kaya mapapansin nito ang pagmamahal ko sa kanya? I sighed and composed myself. I have a lot to read para sa exams mamaya. Kailangan kong maging magaling para hindi nakakahiya kay Dale. Matalino naman sya pero hindi niya kayang tapatan ang talino nito always na nasa dean's lister si Dale duda nga ay ay may latin honor ito pag graduate inililihim lamang ng binata. "Man of every womans dream" usal nya bago nagtuon sa binabasa. Napailing sya. Simula ng pumasok sya dito at nakilala si Dale ay wala na syang ibang lalaking nagustohan kundi ito. Wala ng ibang nakita ang mata ko kundi ang kagwapohan nito. Wala namang hindi mahuhulog sa gwapo at karisma ng lalaking ito. Kaya nga nagtataka siya kung bakit wala syang nalaman na babaeng nilagawan o kahit nalink man lang dito. Hindi kaya bakla ito? Pero imposible naman dahil napakagaling din nito sa larong basketball. Pero pasalamat na rin sya na walang babae na napapalapit kay Dale, dahil wala pa man ay mukang mabobroken hearted agad siya. "Cheers" everyone is celebrating. Sabay sabay na nagkampay ang magkakakbarkada hawak ang beer. Lumipas na naman ang isang school year, nakatapos sila Jade ng isang school year at naka graduate na sila Dale. Nasa resort sila para magcelebrate. "Anton where's Dale?" tanong ni Jade sa kasintahan ni Kristal, it's Anton, Kristal's boyfriend at bestfriend ni Dale. Kasabay niya rin itong grumaduate. It should be Anton and Dale's circle of friends and their girlfriends but since bida bida sya at ang kaibigan lamang naman nya dito sa grupo ay si Anton at Kristal ay sumabit sya dahil gusto niyang makasama si Dale. Naisip niya na baka chance na niya ito, since graduate na ito baka may time na ito para sa lovelife. "ahm, nandito na yun maya maya baka natraffic lang" sagot ng binata after lumagok ng beer. Nagkibit balikat lamang si Jade at nagpatuloy sa pagmamasid sa madilim na karagatan. Napaka sarap ng kanyang pakiramdam, maganda ang panahon tama lang ang hangin hindi malakas ang alon na kanyang natatanaw sa karagatan. Kanina pa nya inaantay si Dale. 5PM ang usapan pero 7PM na ay wala pa ito, bahagya ay nag alala sya. Baka may masamang nangyari dito. Inilabas nya ang cellphone, try nya ito icontact sa isang social media account ng binata. Sa sobrang pagka obsess niya dito inadd at finollow niya ang binata sa lahat ng social media. Dito kahit papaano ay naaupdate siya sa buhay ng mahal na lalaki. Nagtataka syang napatingin sa nakarehistrong numero 3 missed calls, it's international baka ang mama nya ito sinusubokan syang tawagan. Imemessage sana niya ito ng sumigaw si Anton. "Dale you're here" bulalas nito. Napalingon si Jade sa direksyon ng mata ni Anton. At hindi niya gusto ang eksenang nakikita ng kanyang dalawang mata. Naniningkit ang mata niya at sinino ang kasama ni Dale. Jade's POV "What the hell who is she?" tanong nya sa isip habang nakatanaw sa pares na papalapit sa kanila. Dale with a gorgeous woman. Parang pinipisil ang lamang loob niya sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napakaganda ng babaeng kaakbay ni Dale, mukang sopistikada at mukang pinaglihi sa Dyosa ng kagandahan. "Jade okay ka lang?" nangangambang tanong ni Kristal sa kanya. Alam nito na may pagtingin sya ka Dale kaya siguro ay nag aalala ito sa kanya. "huh? o-oo, okay lang" nauutal na sagot niya sabay lagok sa hawak na beer inisang lagok lamang nya ang nangangalahati nyang beer. "baka malasing ka para ka na namang lalaki kung makalaklak diyan ha umayos ka" pag aalalang banta ni Kristal ng makitang nilagok nyang mabilis ang beer na hawak. "no, im okay" ipinilig nya ang ulo at ibinaling sa iba ang tingin. Hindi nya maipaliwanag pero matinding selos ang nararamdaman niya. She didn't know na may kasintahan si Dale. Yes! Hindi pa man niya nakokompirma sa bibig ng binata ay alam na nyang kasintahan ito ni Dale. Pero teka. Wala naman siyang karapatan na magselos dahil wala namang sila. Dahil kahit kailan naman ay hindi siya umamin dito, malantod siya ng palihim pero may dignidag naman siyang iniingatan. Siya lang naman ang nagpasyang mahalin ito ng tahimik. Anong ipinuputok ng butsi nya ngayon. Kahit kailan ay hindi nya ito nakitang nagsama ng babae sa kahit na anong lakad nila noon nila Anton, kahit pa nga hindi sya nakakasama ay updated sya sa lahat ng lakad nito dahil nagiging mata niya ang bestfriend na si Kristal. Kaya sobra syang umasa na may chance sya sa binata. "sobrang taas naman ng standard mo Dale" usal niya sa sarili. Napaka ganda ng babaeng kaharap nila ngayon, napaka hinhin kumilos, mukang galing sa napaka ayos na pamilya at mukang may pinag aralan din gaya ni Anton, "eh nag aaral ka din naman ah so what" sigaw ng isip niya. She cannot stand this scenario. Inayos nya ang sarili bago tumayo at naglakad lakad palayo. Nagbitbit sya ng dalawang beer. "maglalakad lakad lang ako" bulong nito kay Kristal bago naglakad palayo. Tango lang ang naging tugon nito Dale's POV I saw Jade walking away. Nagseselos siguro. Wala naman akong dapat ipaliwanag. Walang kami. Hindi ko sya gusto at hindi ko sya nagustohan kahit na kailan. Sya lang naman itong dikit ng dikit sa akin, she's not vocal about her feeling to me but i am sure she's inlove with. But what i was saying hindi ko talaga sya gusto. Wala syang kafilter filter sa katawan, lalabas sa bibig nya ang gusto nyang sabihin kahit hindi appropriate sa kanya. I want a girl who is always prim and proper. Like Thea my girlfriend now. Matagal tagal ko din syang niligawan pero 2 days ago lang naging formal ang relasyon namin dahil sabi niya she want me to graduate first dahil ayaw niyang magkaron ako ng distraction sa studies. Walang nakakaalam na may nililigawan ako, walang may alam ng tungkol kay Thea even Anton my bestfriend. Ngayon ko lang sya ipinakilala ng maging kami na talaga. Kaya nagulat sila lahat, nabato pa ko ni Anton ng in can beer ng dumating ako. "napaka malihim mo naman pre" usal nito sabay bato sakin ng in can beer. Agad naman akong nakailag at napangiti na lang. I want it that way para smooth and no hassle. Walang nakakaalam walang makikialam. "babe you want something to eat?" alok ko kay Thea na masayang nakikipag kwentohan sa mga kaibigan ko. "no im good" tipid na sagot nito habang nakangiti. I kissed her forehead. Mukang tinatamaan na ako sa iniinom ko. Mabuti pa siguro ay bumalik na ako at baka kung saan pa ako dalhin ng sama ng loob ko kay Dale. Bakit di man lang namin yun nalaman. Pa mysterious pa kasi tong lalaki na to yan tuloy umasa ako. "Gaga, wala namang nagsabi sayong umasa ka" usal ko napangiti ako ng mapakla. I have to go the bathroom, hindi muna ako dumaan kung nasaan ang mga kasama ko, lumiwas ako daan para magpunta sa bathroom. Namumula na ang muka ko pero i know what i am doing. Medyo mainit lang ang katawan ko dahil sa epekto ng alak. But i can manage. I go inside and pee habang naghuhugas ng kamay ay minamasdan ko ang sarili ko sa salamin, maganda naman ako hindi kulelet sa school hindi din naman ako mabaho. Ano kayang hindi nagustohan sakin ni Dale. I sighed in frustration. Napalingon ako sa pinto dahil may nang gagaling na mabango. Napamulagat ako ng mapagsino ang papasok. It's Dale's girl. She smiling towards me. Anong gagawin ko? Ngingiti ba ako? "Hi, isa ka sa friend nila Dale diba?" nakangiting bungad nito sakin. Ano nga naman ang panama ko dito, naging sagot ko sa mga tanong ko sa sarili ko kanina. She's so extraordinary mukang mabait pa. "Ahm yes" tipid na sagot ko. "Mauna na ko" dugtong ko pa at ngumiti lang sya bago pumasok sa isang cubicle. Mabilis akong lumabas dahil nanliliit ako sa harapan ng babaeng yun. Mukang hindi ako nainform na dyosang babae ang mga type ni Dale. I saw Dale standing outside. Mukang inaantay nya ang girlfriend nya. Lumapit ako sa kanya habang nakangiti. Nakakunot ang noo niya habang papalapit ako sa kanya. "Hi" bati ko sa kanya. "Yo" tipid lamang na sagot nito. Why so cold Dale. Taas na ang puting bandera ko dahil alam kong wala akong panama jowa mong mukang may dugong dumadaloy mula sa God of beauty sa sobrang ganda. "Congrats again" Nakataman lang siyang nakatingin sakin. Hindi sya sumagot. May naisip ako. "since you finished na may gift ako sayo" my heart beats so fast sa naiisip kong kagagahan. Good luck Jade napaka lantod mong babae ka. "huh? what is that?" nakakunot ang noo nya sabay baling ng muka nya sa ibang direksyon. This jerk, hindi mo man lang talaga ako matingnan ng matagal ganon ba talaga ako kapangit para hindi mo matagalan tignan ng matagal. Sarap mo pektusang unggoy ka. But thanks anyway i can do my plan. Tumingkayad ako at mabilis na inilapit ang labi ko sa kanya. It's so sudden na humarap sya sakin kaya ang dapat cheek kiss ay sa labi nya napunta. Napamulat ako at nakita ko syang gulat na gulat din nakatingin sakin. I can't move my body my everything hindi ko alam kung dahil sa gulat o sa pakiramdam ng first kiss ko. Pero inipon ko ang lakas ko at agad lumayo sa kanya. Sa sobrang kahihiyan ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palayo. It should be friendly kiss and goodbye kiss na rin sana sa pisngi pero bakit may pagharap Dale. "ahhhh nakakahiya ka Jade" sinabunotan ko ang sarili sa sobrang hiya na nararamdaman. Mabilis ako naglakad pabalik sa grupo namin at doon mabilis kong nilaklak ang isang basong tubig. Parang aatakihin ako sa bilis ng pintig ng puso ko. "anong nangyayari sayo?" tanong ni Kristal sakin "w-wala" nauutal ko pang sagot sa kanya. Huminga ako ng sunod sunod bago muling uminom ng tubig upang kumalma. Nawala ang tama ng alak sa sistema ko dahil sa ginawa ko. Hindi ko maiwasan maalala ang ginawa kong kahihiyan. Hinawakan ko ang mga labi ko na kanina ay nakalapat sa mga labi ni Dale. Speaking of Dale, he's coming. Muli ay bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko kaya ito, parang mahihimatay ako sa sobrang kahihiyan na ginawa ko. Tumayo ako para umiwas. Hindi pa ko nakakatatlong hakbang ay may humigit sa kamay ko. Napalingon ako sa kamay ko, mahigpit ang pagkakahawak sakin may gigil akong nararamdaman tumaas ang tingin ko para tingnan kung sino ang may hawak. It's Dale galit ang nababakas ko sa mga muka niya. Nagalit ba sya dahil hinalikan ko sya? But it should be friendly kiss sa cheek pero sya ang biglang humarap kaya napunta sa mga labi nya. "YOU DID IT ON PURPOSE?" galit na wika nito sakin habang pisil ang mga kamay ko. "What?" hindi ko maintindihan ang punto nya. "Dale what's wrong?" tanong ni Kristal ng mapansin na hindi normal ang nangyayari lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Nagugulohan. "tanongin mo tong magaling mong kaibigan" mangahas niyang binitawan ang kamay ko. May mapulang lumatay sa pulsohan ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak nya sakin. Nangungusap na tumingin sa akin si Kristal. Kahit ako ay nagugulohan. Big deal ba sa lalaking ito ang isang halik. You're so impossible Dale. "ano hindi ka makapagsalita? hindi mo maamin ang kawalanghiyaan mong ginawa?" Napatigagal ako sa sinabi nya. Galit na galit sakin si Dale it was just a kiss, yes i did it but it was friendly kiss oh my gosh. "Nakipag break sakin si Thea dahil sa ginawang kalandian nyang kaibigan mo Kristal!!!" sigaw nito. Walang makakuha kung anong nangyayari lahat ay may tanong ang mata. So nakita ni Thea ang ginawa ko. Pero hindi naman yun ang intensyon ko. Wala akong masamang intensyon sa ginawa ko. "it's not what you think, it should be---" naputol ang sinabi ko "stop Jade, are you really that low? Kahit hindi mo sabihin alam ko na matagal ka ng may gusto sakin. Simula pa lang alam mo na ni katitting ay wala akong gusto sayo! hindi kita gusto at hinding hindi kita magugustohan!!! dumadagundong sa dibdib ko ang mga bawat salitang binibitawan nya sakin. Bakit kailangan niya ko ipahiya ng ganito? Pwede naman niya akong kausapin in private. Hindi yung ganito na maraming nakakarinig at nakakakita, baka mamaya isipin pa nila na sinadya ko nga ang ginawa ko. Oo sinadya ko syang halikan, pero for God's sake it should be friendly kiss at hindi ko rin akalain na makikita kami ni Thea. "ang alam ko naman matalino ka e, hindi ka ba pinalaki ng maayos ng magulang mo para maging ganyan kadesperada?" pakkkk!!! I slapped him. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. You can degrade me for what i've done pero huwag na huwag mong idadamay ang mga taong wala dito lalo na ang magulang ko. "Jadeee" napatayo si Kristal sa gulat dahil sa ginawa ko. Tumingin lang ako sa kanya at mabilis na tumalikod at tumakbo papunta sa kwarto namin. Naglandas ang sunod sunod na luha sa mga mata ko. Naiwan ko silang lahat na clueless sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung magkwekwento si Dale sa ginawa ko. It's just a misunderstanding na kasalanan ko naman talaga aminado naman ako don. Wala na akong pakialam kung papaniwalaan nila si Dale. Pero alam ko sa sarili ko na hindi yun ang intensyon ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook