bc

I AM THE MISTRESS OF MY FATHER-IN-LAW

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
family
age gap
drama
secrets
like
intro-logo
Blurb

A story about deception, lies and betrayal...Eversince ay hindi kami close ni Papa ang aking byenan. Ngunit magbabago pala ito ngayong may tatlo na akong anak at habang wala ang asawa ko... Ang kanyang panganay na Anak na si Dino, ang Mister ko.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
-Clarissa Ellinor Diaz - Sebastian- "Sakay na Miss Sexy..." Ito na yata ang pinaka madalas na salitang naririnig ko sa tuwing papasok ako at uuwi galing sa trabaho. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos. "Hindi na Romnick, hinintay ko pa kasi ang mga Anak ko." Tugon ko pa sa isang tricycle driver na kay tagal ng nangungulit sa akin.. "Mamaya pa yon Clarisse, ang mabuti pa sa bahay mo na lang sila hintayin. Libre lang naman ang sakay, basta ikaw diba? Tapos ako na din susundo sa school ng mga Anak mo, at libre din syempre." Pangungulit pa niya. Napairap naman ako sa kanya. Tsaka pasimpleng sinilip ang oras mula sa wristwatch ko. Almost 4:00 PM na din. At may 30 minutes pa ako para maghintay sa kanila. Mainit pa din ang panahon, literal na maalinsangan at dagdag pa ang sikat ng araw na bahagyang tumatama sa aking mukha. Habang nakatayo ako sa isang waiting shed. Na nagbibigay din ng medyo nakaka iritang pakiramdam at dumagdag pa nga si Rom. "Oh ano na, sakay kana Miss Sexy. Sayang naman kasi ang napaka ganda mong kutis kung nabibilad lang yan sa araw diba?" Pangungulit niya habang napapatingin sa kabuuan ko. Napakunot ang noo ko. At sinadyang hinila pababa ang palda ko dahil sa pagkailang sa kanya. "Hay nako, paano ka kikita sa pamamasada mo niyan kung palagi mo nalang akong babantayan ang hihintayin dito noh. Isa pa ay hindi ako nagpapaligaw. Una dahil, may asawa na ako, pangalawa ay tatlo na kaya ang Anak ko, at pwede ba ay huwag ka ng dumagdag sa napakarami ko pang isipin! Utang na loob Rom." Mataray na sabi ko pa sa kanya. While rolling my eyes Napakamot naman ito sa ulo. In fairness ay cute naman siya talaga, dagdag na tsinito ang mga mata nito. At halos kasing edad ko lang din siya siguro na nasa 25 to 28 years old. Maporma din naman siya, kahit sabihing namamasada siya ng tricycle.At siguro ay masyado lang siyang nacha challenge sa akin. Sa kabila ng maganda niyang katangian ay hindi talaga ito umubra sa akin. "Sabi ko naman sa iyo ay hiwalayan mo na yong ogag na asawa mo. At ipinapangako kong kayang kayang kong buhayin ang mga Anak mo, At ano naman aasahan mo diyan sa asawa mong walang alam gawin kundi uminom at mambabae. Samantalang kapag kapag ako ang pinili mo ay sisiguraduhin kong ikaw lang ang mamahalin at pagsisilbihan ko araw-araw. At magbubuhay reyna ka at ganon din naman ang mga anak mo bilang prinsesa at prinsipe." Pagmamalaki pa niya Napailing ako sa sinabi niya. "Ewan ko sa iyo Romnick, tigilan mo nga lang ako. Sarili mo nga lang ay hindi mo alam kung paano mo bubuhayin eh. Kami pa kaya ng mga Anak ko." Iritang sabi ko pa sa kanya. . Isa lang ang eksenang ito sa mga konsimisyong bina battle ko sa araw-araw. Mga bagay na nakasanayan ko na din naman. At kaya ko na ding i-handle. Dahil hindi lang naman siya ang gumagawa ng ganito sa akin. Actually ay madami sila. Bagamat iba-iba ang pamamaraan ay isa lang din naman ang ending. Ang suyuin at ligawan ako, sa kabila ng alam naman nila na taken na talaga ko. Na kahit kasi mga kasama ko sa trabaho ay ganito din sila. At maging ang Operations Manager ko na may asawa na din naman. Well, sa tingin ko kasi. Para sa kanila, ay isang masarap na putahe lang ang tingin nila sa mga babaeng may asawa na kagaya ko. Lalo pa nga at karamihan naman ng nakakakilala sa akin ay alam naman talaga ang sitwasyon ko sa aking asawa. Pero bakit nga ba? Dahil ba porket tigang at kulang ako sa kalinga ay legal na din naman lumandi at gumanti? At tikman din nila ng libre? Pero siguro nga, ay may dahilan naman sila. Dahil kilala ang asawa ko dito sa lugar namin bilang lasengero at walang pangarap. Isa pa ay lagi din itong laman ng lansangan at kung saan may inuman ay siguradong present siya. Dagdag pa ang palaging usapan ng mga marites na madami daw itong babae na bagay na nakasanayan ko nalang yata. O ayaw ko nalang pag-awayan namin, dahil sa huli ay ako din naman ang nasasaktan niya ng walang kalaban-laban. Well, gwapo naman kasi talaga si Dino, ang asawa ko. Kaya naman kahit may asawa na nga siya, ay madami pa din naman talagang babae ang humahabol sa kanya. At ito din mismong ka gwapuhan niya ang minsang nagpakilig sa akin. At dahilan din naman kung bakit ako napasok sa ganitong uri ng relasyon. . "Saan ka na naman pupunta Dino, don't tell na iinum kana naman?! Halos kakauwi mo lang huh?" Sita ko pa sa asawa ko habang ngayon masaya itong nakaharap sa salamin at nasusuklay. Nakasuot din ito ng ng bagong polo shirt at maong pants. At higit sa lahat ay halos naligo siya sa pabango dahil halos mapaubo ako sa sobrang tapang ng pabangong ginamit niya. "Birthday kasi ngayon ni Pareng Paolo, kaya naman may konting inuman sa bahay nila Babe.." Sabi pa niya habang panay ang ngiti sa sarili sa salamin. Huminga naman ako ng malalim. Dahil tama, alam ko na basta ganito ang pormahan niya. At malamang ay bukas na siya uuwi sigurado. At sa bagay na ito ay sanay na din ako sa kanya. "Nga pala Dino, napansin mo ba yung pambili ko ng bigas sa ibabaw ng durabox natin sa kwarto? Ubos na kasi bigas natin kaya bibili sana ako mamaya." "At ano naman pakialam ko sa pera mo Clarrise? At huwag mong sabihin na iniisip mong ako ang kumuha. Dahil baka samain ka sa akin. Ikaw itong burara eh!" Bulyaw niya. At tama, ang maganda niyang mood kanina ay kay bilis nagbago. Dahil ngayon ay tila halimaw na naman siya. At galit na galit na naman sa akin. "Wala akong sinabing kinuha mo. Tinatanong nga kita kung nakita mo lang diba?! Tsaka alam na alam ko naman kasi talaga na doon ko lang yon inilagay kanina, tapos ngayon ay wala na." Inis na sagot ko. "Pootek naman oh. At anong ibig mong palabasin? Na kinuha ko ha!? At tumigil ka na nga lang sa kakasalita diyan dahil nababanas na naman ako sa iyo eh! Gusto mo bang tamaan na naman ha!!" Galit na sabi niya. Muli ay nauwi na naman kami sa bangayan. Muli ay nagbubulyawan na naman kami. At ang mga eksenang ito ay sobrang nakasanayan ko na din naman sa kanya. At muli ay iniwan niya akong umiiyak. Habang ang mga Anak ko ay nakayakap naman sa akin. . Ngunit sa kabila nito ay patuloy akong naging faithful sa asawa ko. Sa kabila kay dami din namang tukso sa paligid ko nanatili akong tapat sa kanya. Dahil kung gwapo siya ay maganda din naman ako. At ito nga ang dahilan kahit kay daming babaeng lantarang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya dati ay ako ang pinili niyang pakasalan. Pero syempre ay hindi ko naman sinabing sobrang ganda ko at sobrang haba din ng hair ko or asyumera lang ako. Dahil ang totoo naman ay saktuhan lang naman ang ganda ko para sa akin. Yung bang typical lang naman na makakatabi mo sa jeep or sa LRT kaya na nakasuot ng sales lady uniform. At hindi din naman artistahin ang ganda ko para din naman sabihin kung bakit ba ang daming nagkakagusto sa akin. Hindi din naman ako yung tipong kapag nag post ng sumasayaw sa t****k ay mag viral din agad agad in one hour dahil sa kaseksihan ko. Well, wala namang ganon at isa pa ay hindi naman kasi mala-diwata ba o mala-dyosa ba ang datingan ko. Dahil para sa akin ay napaka ordinary ko lang na babae. Kahit naman sinasabi ng mga kasama ko na, napakaganda ko daw talaga. Ay ayoko pa din namang paniwalaan, dahil ang katwiran ko ay bakit nambabae pa din ang asawa ko, kung napakaganda ko pala? Ang totoo nga ay medyo chubby na ako ngayon, ngunit may korte naman kahit papano. Kaya bumabagay talaga sa aking ang jeans o kahit simpleng shorts lang. Mabibilog din ang mga hita ko. Na wala na sa pamantayan ng mga totoong sexy. Dahil may kalakihan din naman ito ngunit makinis at mapuputi naman. Siguro ay dahil may tatlong anak na ako kaya naman lumaki na din ang balakang at hita ko, na bumagay naman daw at nagbigay ng magandang korte sa aking katawan. Na malayo na din yata sa dati kong katawan noong dalaga pa ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
43.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
43.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
70.1K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
93.8K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
52.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook