AUSTIN'S POV
"Lumayas ka diyan sa harapan ko leche ka! Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" Pasinghal na taboy ko sa aking asawa.
Oo, aking asawa.
Ewan ko ba, sa tuwing nakikita ko ngayon ang babaeng ito, hindi ko mapigilan ang sarili ko'ng hindi mag init ang ulo.
Kauuwi ko lang galing trabaho at pagod ako, sino bang hindi mag-iinit ang ulo kung pagbungad mo eh siya ang makikita ko, nakakairita na ewan!
"S-sweetheart... T-tatanggalin ko lang naman ang medyas mo."
Sinipa ko siya ng bahagya lang dahilan para matumba siya sa lapag pero hindi pa rin ito tumitinag.
"Kaya ko nang alagaan ang sarili ko! Umalis kana diyan! "
"P-pero Aus--"
"Sabi nang umalis ka diyan eh! Bingi kaba?! Oh gusto mong sipain pa ulit kita diyan?! Ipaghain mo nalang ako nagugutom ako."
Iniwanan ko siya at walang lingon na tinungo ang aking kwarto. Baka kasi ano pa ang magawa ko kapag nagtagal pa ako sa harapan niya. Babae pa rin siya at hindi pa rin tama na manakit ng babae.
JANELLE'S POV
"Sabi nang umalis ka diyan eh! Bingi ka ba?! Oh gusto mong sipain pa ulit kita diyan?! Ipaghain mo nalang ako nagugutom ako."
Gusto ko nang humagulgol sa sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko habang nakikita ko kung gaano siya kamuhi sa akin. Gusto kong isumbat lahat nang sakit na ginagawa niya pero pinigil ko dahil ayoko nang madagdagan pa ang galit niya sa akin.
Halos araw araw ay ganoon siya sa akin,kung magsalita sa harapan ko ay parang hindi ako ang asawa niya na minahal niya noon, ang asawa na pinakasalan niya na punong puno ng pagmamahal na sinabihan niya ng "I DO" sa harap ng dambana. Pero kung gaano kasaya ang buhay ko noon ay gano'n naman kamiserable ang kinahinatnan ko ngayon.
Kasalanan ko naman eh, kung nangyayari man sa akin ngayon to, karma ko nalang dahil napaka walang kwenta kong tao.
Dahil alam ko kung gaano siya kapagod galing trabaho, naisipan ko 'ng ilagay na lang sa tray ang pagkain niya at ihahatid na lang sa kwarto para hindi na siya mapagod pa pumunta dito sa kusina.
Pagkatapos ko 'ng ihanda ay nakangiti akong nagtungo sa kanyang kwarto, kumatok ako ngunit hindi siya sumasagot. Pagpihit ko sa seradura ng pinto ay hindi ito nakalock kaya pumasok na lang ako.
Ngunit nakakatatlong hakbang pa lang ako ng bigla siyang magsalita.
"Who the hell give you permission to enter my room?" Madilim ang mukha at matalim ang titig ang ipinukol niya sa akin.
"S-sweetheart, b-bukas kasi ang pinto, s-saka kwarto natin naman ito diba?"
Ewan ko ba kung bakit sa tuwing kaharap ko siya ay lagi na lang ako'ng nakakaramdam ng kaba at nauutal pag nagsasalita.
"Will you please stop calling me sweetheart?! Nandidiri ako alam mo 'yon?! At isa pa, this is not "our room, its mine, understand? Only mine! " Diniinan niya ang pagsabi niya ng mine.
Para hindi na siya magalit pa ay tumahimik na lang ako at inilapag ang pagkain niya sa side table.
Oo nga at kwarto namin 'yon, pero noon pa iyon, noong mga panahon na asawa pa ang turing niya sa akin. Pero simula nang magkaproblema kami ay magkaiba na ang kwarto na tinutulugan naming dalawa.
"Dalhin mo na 'yan! nawalan na ako nang gana!"
"Pero Austin, hindi ka pa kumakain diba?"
Kahit ganito ang pakikitungo niya ay nag aalala pa rin ako dahil baka magkasakit siya o baka malipasan ng gutom.
"Wala kang pakelam! now you get out of this fvcking room and get that fvcking food coz i don't wanna see your nasty face!" Tinabig niya ang plato saka binato ang basong may lamang tubig sa may paanan ko.
"Austin naman, hanggang ngay---"
"Fvck! I said get out! Nandididiri ako sa mukha mo! Lumayas ka!" Dumagundong ang buong kabahayan sa pagsigaw niya sa akin na 'yon.
Hinarap ko siya at tinitigan ng mata sa mata. Hindi ko hahayaan na ganunin niya ako dahil kwarto pa rin naming dalawa ito kahit paano kaya lalabas ako kung kailan gusto ko.
"Magalit ka na kung magalit Austin, pero kumain ka naman, hindi 'yung ganyan ka na lang palagi. Asawa mo pa din ako Austin kaya kahit nandidiri ka pa sa akin may pakelam pa din ako sayo at kahit bali baligtarin mo man ang mundo,ako pa rin ang asawa mo dahil pinakasalan mo 'ko!!!" Hindi ko alam kung saan ako naka kalap ng lakas nang loob at kusang lumabas ang mga salitang iyon sa aking bibig.
"Huh? Asawa??! " tumitig siya sa akin, tingin na nakakapanlambot na kung tutuusin ay para siyang isang killer na handang pumatay anumang oras.
Pero alam kong hindi niya ako papatayin dahil mabait siya at galit lang siya sa akin kaya siya nagkakaganyan.
"Tinatawag mo ang sarili mo na asawa ko ha Janelle? Oo nga naman, pinakasalan nga kita. Pero hindi ba ikaw mismo ang nagtanggal ng karapatan sa sarili mo bilang asawa ko?? " ngumisi siya, ngiting aso at tumingin sa akin ng isang nanunuyang tingin.
"Nandidiri ako sayo Janelle alam mo ba 'yon?? Naisip ko pa lang na nagpakasal ako sa katulad mo, nasusuka na 'ko! you are just nothing but a cheap gold digger na kayang ibenta ang sarili para lang sa pera!! Nakakadiri ka! Nakakadiri ka!!!"
Magsasalita pa sana ako ngunit sumigaw ulit siya na parang isa akong utusan lang na kanyang binubulyawan.
"buysit na yan oh! kung ano pa man ang sasabihin mo, hindi ako interesado! Isa kang basura!!! you just better shut your s**t mouth and get lost here in my room right now!!"
Dahil sa hindi kona mapigil ang sarili ko na 'di umiyak sa mga masasakit na salitang binitawan niya ay patakbo 'kong tinungo ang kwarto ko at doon nagpakawala ng mga luha, mga luha na kanina pa bumbadyang lumabas.
bakit gano'n? kung pagsalitaan niya ako parang wala kaming pinagsamahan, talaga bang gano'n na ako kadumi sa paningin niya? Bakit hindi ko man lang magawang magalit sa kanya? kahit paulit ulit niya akong saktan sa mga salita niya, bakit hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sa kanya?
Isinubsob na lamang ni Janelle ang kanyang mukha sa unan at doon malayang inilabas ang kanyang luha at lahat ng hinanakit sa kanyang dibdib.