CHAPTER 2 (Old memories)

1583 Words
Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Halos madurog ang puso ko sa tuwing makikita ang asawa ko na ganoon, ang dating mapagmahal,maalaga,sweet at butihing asawa, napalitan ng bugnutin, mainitin at palasigaw na asawa. Kasalanan ko 'to eh! Kung hindi ko itinago kay Austin ang pangyayari na 'yun, hindi sana kami magkakaganito, hindi sana kami hahantong sa ganitong sitwasyon... Nilingon ko sa kanyang kama ang anak namin na si Keisha, himbing na himbing ito sa pagtulog niya. Ni hindi man lang niya alam ang nangyayari sa amin ng Daddy niya. Hangga't maari ay ayokong ipakita sa kanya na may problema kaming mag asawa dahil bata pa siya para maranasan ang mga ganitong sitwasyon. Ang alam niya ay katulad parin kami ng dati, isang masaya at puno ng pagmamahal na pamilya. FLASHBACK... "Daddy can you please kiss mommy?" wika ni Keisha habang nasa labas sila ng Daddy niya at naglalaro. "Why baby? Is Mommy is tired and she need kiss of Daddy to give her more energy?" Tumingin siya sa gawi ko sabay wink na ako noo'y naghahanda ng miryenda nila. "No Daddy, I think Mommy is sad, and i know that when Mommy is sad, only your kiss can make her happy." "Sure Baby, watch Daddy, i'm gonna kiss Mommy okay?" Pagkatapos ay lumapit sa akin si Austin saka ako hinalikan sa labi sabay bumulong. "I love you Mrs. De Veyra, from infinity and beyond" Sabay nagtatalon si Keisha habang pumapalakpak. "Yehheeeyyyy!!! Mommy is happy again because Daddy kissed herrr!!" END OF FLASHBACK... Lalong tumulo ang luha ko sa mga gano'ng isipin. Perpekto na sana ang lahat, ako na sana ang pinaka perpekto at masayang babae sa buong mundo. Ngunit  lahat ng ligaya, may kapalit pala na sakit. Bakit kasi kung kelan maayos na kaming nagsasama ng asawa ko, kung kelan may tao nang nagmahal sa akin ng totoo, doon pa siya nagpakita! Siya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko! Siya rin ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko! Akala ko, mahal talaga niya ako, akala ko kaya niyang tanggapin ang buong katauhan ko, pero nagkamali ako, heto ngayon ako, nagtitiis sa miserableng buhay meron ako. Alas singko na ng umaga nang magising ako, kahit masakit pa ang mga mata ko dala ng kakaiyak ko magdamag ay pinilit ko pa din tumayo para magluto. Maaga kasing aalis si Keisha ngayon. P.E class nila kaya dapat kumain siya ng agahan, si Austin naman, may ka meeting na mga buyer mamayang alas nuebe at maaga din ang alis. "Hi Baby good morning!" Masayang bati ko sa aking anak sabay halik sa pisngi. "Good morning too mom! " Nagtatakbo na ito papunta sa mesa dahil baka maubusan daw siya ng bacon na parehong favorite nila ng Daddy niya. Saktong pag-upo sa mesa ni Keisha ay siya namang pagbaba ni Austin galing sa kwarto niya. "Good morning!" Nakangiting bati ko sa kanya na parang wala man lang nangyari sa amin noong gabi. "What's good in the morning kung umagang-umaga 'yang buysit na pagmumukha mo ang nakikita ko!" Paangal ngunit pabulong lang ang pagsabi niyang 'yun para hindi marining ni Keisha saka dumiretso sa hapagkainan. Anong bago? Palagi nang ganyan sa akin yan magtataka pa ba ako? Pero kahit ganyan siya, mahal na mahal ko pa rin yan. Dumiretso na rin ako sa mesa para saluhan sila, pinagtusok ko ng hotdog si Keisha saka inilagay sa plato niya, ganun din ang ginawa ko kay Austin, nagtusok ako ng hotdog at naglagay ng bacon sa kanyang plato pero hindi niya iyon ginalaw imbis ay kumuha siya ng sarili niyang pagkain. Pati ba naman hinawakan kong pagkain pandidirihan niya? grabe siya oh! Hindi pa nangangalahati ang kinakain niya ay tumayo na ito at dirediretso ng lumabas papunta sa kanyang kotse na sinundan ko naman. Aalis ka na ba?" Sa wakas ay may lumabas sa bibig ko kahit na kinakabahan ako. Hindi niya ako sinagot na parang wala man lang naririnig at tuloy tuloy lang ang paglalakad. "Bakit hindi mo inubos ang bre----" "Could you please just stop? I don't wanna hear your fvcking voice! your just making noise you know that?!" Ayan na naman siya, Hu u nanaman ako sa kanya. :( "Austin..." Hahawakan ko sana ang kamay niya ang kaso ay nakatiim bagang siyang tumingin sa akin. "What?!!" Mariin at naiinis na tanong niya. "Ahh, k-kase, family day sa school ni Keisha, gusto ko sa---" "Don't you see i'm busy? May mga appointment and business meeting ako, tanga ka ba o sadyang bobo lang talaga? AYOKO!" Aray! Ang sakit nu'n Austin ha? Bobo agad? Hindi ba pwedeng makulit lang? "K-kase Austin, nag eexpect si Keisha eh," "Diba sabi ko ayoko?! Ganoon ka na ba ka tanga para hindi maintindihan ang sinabi ko?! get lost!" Kahit alam kong galit na siya ay pipilitin ko parin siya. Mahalaga kay Keisha ang araw na 'to kaya gusto ko kahit ngayon lang ay mabuo ang pamilya na noon ay napaka perpekto. "Austin naman, pati ba naman anak natin idadamay mo?? importante sa Anak na-------" Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang aking braso saka tumingin sa akin na nanlilisik ang mga mata. "Shiittt!! Ano bang gusto mong mangyari ha?! napaka kitid n'yang kukote mo!! kung ikaw lang ang makakasama ko, huwag na! maisip ko pa lang na makakasama kita sa isang araw, bumabaligtad na ang sikmura ko!" "A-aray! A-austinn, nasasaktan ako..." Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa mga luha na tumingin sa kanya na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin sa akin. "Hhhaaaayyy!!!! P*nyetang babae ka!" Pagkatapos ay binitawan naman niya ang pagkakahawak sa kamay ko saka ito walang lingon na umalis at mabilis na pinaharurot ang kanyang kotse. Bago ako pumasok sa loob ay pinunasan ko muna ang mata ko'ng nabahiran ng luha atsaka na ako pumunta sa kusina na nakangiti na parang walang nangyari. "Mommy, is Daddy will go with us?" Tanong ni Keisha na nakangiti. Inosenteng bata, hindi man lang alam ang nangyayari. Nilapitan ko ang anak ko na noo'y tapos ng kumain at hinihintay na lang ang school service nila. "I'm sorry Baby but Daddy wouldn't come with us. You know how busy is he right?" Kung pwede ko lang talagang pilitin ang Daddy mo anak, kaso galit siya sa akin eh, at hindi ko alam kung mapapatawad niya ako. Tumingin sa akin si Keisha na malungkot ang mga mata. "Mommy, why Daddy can't come? diba dati naman kahit busy siya, we always going on mall and always spending time with us? Is daddy don't love us?" Heto na po, napapansin na ng bata ang pagkukulang ng ama niya, my gaassahhhh, wag naman po sana! "Baby no! Daddy loves us. He's  just super duper busy on his job, so that our little princess can buy all those pretty dolls she wants, don't think that again baby okay?" Hinawakan ko ang pisngi niya na malambot at makinis  saka hinaplos haplos ko siya. "But Mommy, why your always crying every night? Why Daddy always shouting you? He was like a angry monster when shouting you." Shock ako sa mga sinabi ng anak ko. Hindi ko alam kung saan hahanap ng sagot sa katanungan niyang iyon. Minsan tuloy, naiisip ko kung nagkamali lang ba ako ng pagkapanganak dito, hindi kasi pang pitong taon ang isip niya. Kung mag isip at magsalita ay parang naiintindihan na niya lahat. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Daddy loves us so much anak. Minsan kasi, sa sobrang panonood ng mga dramatic movie, nahahawa ang Mommy mo, kaya heto, nagiging iyakin din ako, at si Daddy naman, diba boss yun sa business niya? So ganun na talaga siya kung magsalita." Diyos ko, sana naman paniwalaan ako ng anak ko sa kasinungalingan ko. "But mom this-----" "Sshhhhh.... "Hinarang ko ang daliri ko sa bibig niya para tumigil na siya sa kakausisa. "Your just six years old baby, your too young enough to understand everything. Just remember that Daddy love us so much, we are his family and family love each other like how Mommy loves you and Daddy, and Daddy loves you, and you loves Daddy and me" Buti nalang at dumating na ang school Bus niya, atleast kahit papaano ay maiiwasan na niya ang pagtatanong niya. Hinintay ko muna'ng makaalis ang school service ni Keisha bago ako umakyat ng kwarto at napagpasyahan nang maligo. Pagkapasok sa kwarto ay tinawagan ko muna si Miggy, Pinsan ni Austin na siyang naging tulay para magkakilala kaming dalawa. (Hello?) Hi Migs, busy ka ba? (Hindi naman bakit? ) Uhm.. kasi ee... nahihiya akong sabihin sa kanya baka kasi kung ano isipin niya. (Sabihin mona, huwag kanang mahiya.) Uhm okay,kase family day sa school ni Keisha, pwede bang ikaw na lang ang magrepresent kay Austin? juice coloured! Sana po pumayag siya. (Nasaan ba si Austin? ) Ah k-kase. (Ok sige, pupunta ako, what time?) Ayyy thank you Migs, thank you thank you talaga! 9 am dapat andun kana. (Ok. Sunduin nalang kita diyan. See you!) Buti na lang at nandiyan si Miggy kahit papano may karamay ako at may pumapalit kay Austin  pag hindi niya gustong sumama. Sana si Migs na lang nga si Austin. Sana kasing bait din niya at caring ang pinsan niya. Ayyy... anu ba 'yan! Bakit ba si Austin na lang ang iniisip ko? Ang sungit naman nu'n sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD