CHAPTER 3 (Martir)

833 Words
AUSTIN'S POV " Damn! Shhiiiiittttt!! Shiiiitttt!!" Halos masira ang manibela ng kotse ko sa kakapukpok dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. Bakit ba ako nakakaramdam ng awa sa babaeng iyon? Dapat ay kamuhian ko siya dahil sa panloloko na ginawa niya! Dapat ay ipamukha ko sa kanya kung gaano kasakit ang sugat na idinulot niya! Pero bakit? Bakit ganon?! Argh! I hate that Slut girl!!! she is a fvcking damn w***e  b***h! Bad mood na ako, nawala ang focus ko dahil sa babaeng yon! hindi ako makakapag focus sa trabaho at meeting ko kung ganitong naiinis ako! "Letche! Makapag inom na lang nga!" Iniliko ko ang kotse at dumiretso sa Bar na pagmamay ari ni Kim. "Oh Pards! kamusta?" Nag high five kami at saka nagtungo sa mesa malapit sa mga baristang andoon. Dahil sa gusto ko'ng malasing ay hard drink ang hiningi ko.  "Okay lang tol, ikaw kumusta? Umaasenso bar mo ah?" Inikot ko ang mata ko sa buong bar. Pansin ko na mas lalong lumaki ang bar na 'to compared dati. "Syempre Bro, kelangan eh. Malapit na kasing akong lumagay sa tahimik, kaya kelangan talaga magsipag."   Hindi ako umimik, tinungga ko lang ang alak na nasa harapan ko. Ahhhmmpff! Ang paet! gumuguhit sa lalamunan, pero ayos lang! Mas matapang mas malakas ang tama. "Ikaw bro? Kamusta kayo ng asawa mo? nakita ko siya last day ah, lalo siyang gumanda ngayon ahh? " ngumisi ito. "G*go ka brad, huwag mo nga'ng banggitin ang babaeng iyan dito." Nakakailang tungga pa lang ako ay nakaramdam na ako ng pagkahilo pero imbis na tumigil ay nagpatuloy pa rin ako sa pag inom hanggang sa maubos ko ang laman ng bote. Ayun naman talaga ang gusto ko, ang malasing ako para sa gano'n ay makatulog ako ng hindi iniisip ang babaeng iyon. JANELLE'S POV Nakaligo na ako at ready na to go sa school ni Keisha. Biglang may nagbusina sa labas na malamang ay si Miggy na kaya dali dali ko nang kinuha ang mga bag na dadalhin saka nagtungo sa labas. "Hii Migs! " Bumaba siya ng kotse at nagbeso kaming dalawa saka binuksan ang kabilang pinto nang passengers seat. Mabuti pa si Migs gentleman! Papunta kami ngayon sa school nina Keisha na kasama si Miggy na dapat sana ay si Austin ang nandito. Nakakatawa no? kung dati ay sobra sobra ang oras na ibinibigay niya sa amin ng anak ko, pero ngayon heto, halos mamalimos kami kahit konting oras niya na hindi na niya ginawa. "Bakit hindi nakasama si Austin sa Family day sa school ni Shasha? ano na namang dahilan?" Tanong nito habang nagdadrive siya. "Ahh, busy siya eh. May business meeting siya ngayon." ibinaling ko sa labas ang paningin ko. Mahirap na, baka mabasa niya ang kalungkutan sa mga mata ko. "Janelle, huwag kanang umiwas. Alam ko'ng may mali sa inyo ni Austin. May problema kayo'ng dalawa." Tinapunan ko lang siya ng tingin pero hindi ako nagsalita. "Hindi pa rin ba maayos ang pagsasama ninyo?" "Ano bang pinagsasabi mo diyan Migs? Okay kami ng pinsan mo noh! Okay na okay kaya," kahit na ang totoo ay sobrang sakit na, halos sasabog na ang puso ko sa bigat nang dinadala ko. Juice coloured heto nanaman po ako nagsisinungaling na naman!' "Kilala kita Janelle. Hindi mo pa asawa ang pinsan ko kabisado ko na ang mukha at ugali mo, alam ko kung may mali sayo." Ayts! Bakit naman kasi Janelle hindi mo tinago ang sarili mo eh! hayan tuloy buking na ni Migs! "Ahh... kasi naman Migs ano kase eh," hindi ko alam kung paano uumpisahan ang sasabihin sa kanya. "Elle, kung hindi pa rin niya matanggap ang nakaraan mo, bakit hindi mo pa siya hiwalayan? kung talagang mahal ka niya, dapat tanggap ka niya kung ano at sino ka. Besides, hindi mo gusto yung nangyari na 'yon." Heto talagang lalaki na to hindi pa ako nagsasalita alam na niya ang sasabihin ko. Sabagay, siya lang pala ang nakakaalam sa lahat sikreto at hinanakit ko kaya bakit pa ako magtatago sa kanya. "Pero paano Migs? mahal ko siya eh, mahal na mahal.." Inabot niya ang isang kamay ko saka pinisil pisil. "Alam mo, hindi masamang magmahal, pero kung magmamahal ka kelangan yung may response yung pagmamahal na binibigay mo sa kanya.". "Anong magagawa ko? Eh kinamumuhian na niya ko.  hayaan mo na siguro. gano'n naman talaga ang nagmamahal eh, kailangang magtiis alang alang sa pagmamahal ko sa kanya." "Ay tanga ka!" "Huh? wow ha! tanga agad Migs? hindi ba pwedeng martir lang? eh sa mahal ko siya eh, anu magagawa ko?" " Okay sige. Mahal mo nga, pero habang buhay ka na lang ba niyang aalipustahin Elle? hahayaan mo'ng baliwalain ka na lang niya at ituring lang niyang parang ewan? basura?? Mag isip ka nga." Hindi nalang ako umimik sa sinabi niya. Hangga't maari ay ayokong i share ang problema naming dalawa ni Austin, dahil naniniwala ako na malulutas din namin itong dalawa at umaasa ako na magkakaayos din kami kahit malabo na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD