Sienna's
"Ang hirap ng botany, ang daming kailangan kabisaduhin." reklamo ni Kyla habang nagbabasa ng libro namin sa subject na iyon. May quiz kasi kami today and yes, mahirap nga aralin kasi ang dami ng need kabisaduhin. And since naging prof ko naman siya, masasabi ko talaga na mahirap siya magpaquiz.
"Kaya ito." sambit naman ni Calvin.
Actually, nag-aral naman ako kagabi, kaya lang parang nasstress ako. Hindi ko alam kung dahil ba ayaw ko na makita niya na hindi ako papasa? Hindi ko alam.
Maya-maya pa ay pumasok na siya sa loob ng room namin. Kapag nasa klase siya, makikita mo talaga sa kanya na prof siya.
"Place your bags under your chair. Gusto ko 1/2 yellow paper at ballpen lang ang makikita ko sa table niyo." pagpapaalala niya naman sa amin.
First quiz namin ito para sa subject niya, ayoko sanang bumagsak. Kaya sana naman hindi ako mamental block.
"Kung nag-aral kayo mabuti, madali ang ang ating quiz."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil halos lahat ng sagot ko ay sure except sa number 6 at 9. Pero hindi ko pa alam kung talagang tama ba ang naisagot ko sa iba.
"Lima lang ata tamang sagot ko." sabi naman ni Paul sabay subsob sa desk ng ulo niya.
"Bawi na lang tayo sa susunod." sabi ko naman para maencourage sila.
"Hindi ka ba nahirapan?" tanong sa akin ni Yuna.
"Yung totoo? Hindi masyado." sagot ko naman sakanila.
"Hala, buti ka pa. Ang talino huhu." pagpuri naman ni Calvin sa akin.
"Hindi naman, grabe ka naman. Atsaka first quiz palang 'yan. Sa mga susunod, hindi natin alam." sagot ko naman sa kanya.
***
Napatingin naman ako sa pintuan ng unit namin when someone rang the doorbell. Tumingin naman ako sa may peephole, only to see a stranger outside. Hindi ko siya kilala and he looks weird kaya naman nacreepyhan ako sa kanya.
Sinong tatawagan ko? Shall I call Calvin or Paul since sila ang friends ko na lalaki? Wala akong ibang kilala na lalaki ngayon sa university namin since halos kakastart lang ng klase one month ago.
Mas natakot ako ng paulit-ulit siyang nagdoorbell at sinabayan niya pa ng malalakas na katok.
Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko na himatayin when he tried to unlock the door by pressing the pin.
Kung si Calvin ang tatawagan ko for sure matatagalan 'yun kasisa may caloocan pa siya nakatira. Si Paul naman sa may quezon city pa.
I opened my messenger and I saw kuya Drake online. I called him and luckily he answered right away.
"Kuya." nanginginig na sambit ko when he answered.
"Okay ka lang ba?" tanong niya agad. Maybe he sensed that something is wrong.
"Someone's trying to break into my unit." pagsusumbong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyari pero bigla na lang nawala ang tawag namin. Mas lalo akong kinabahan, pupunta ba siya? Will he help me?
Naiiyak na ako kasi kumatok na naman ulit ang lalaki sa pintuan. Namemental block ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.
I don't know how many minutes did it take. Maybe mga 10 minutes, when a familiar voice called my name from the outside. Sumilip ako sa may peephole and si kuya Drake iyon. May kasama siyang guard.
I opened the door and I ran into his arms. Hindi ko na nga naisip na may mga guard siyang kasama.
I felt safe in his arms at lahat ng tensyon sa katawan ko ay nawala. Naiyak ako while he caressed my hair.
"Shh, safe ka na." sabi niya naman sa akin.
Pinapasok naman niya ako sa loob at sumunod din naman siya kaagad after niya makausap ang guard.
Pumunta agad siya sa kusina when he entered the unit and pagbalik niya sa sala ay may dala na siyang glass of milk and inabot niya iyon sa akin.
"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako bilang sagot sa kanya sabay inom sa gatas na binigay niya.
"Wala ka bang number ng guard sa baba? Dapat may number ka nila." sambit niya naman.
Doon ko lang naalala na meron pala akong number ng guard sa baba. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko iyon naisip kanina when I was panicking.
"Meron pero namental block ako." sagot ko naman sa kanya.
"Okay, no more questions for you. Ang mahalaga, okay ka ngayon." sambit niya naman sabay hinga ng malalim.
"Akala ko hindi ka darating." out of nowhere bigla ko iyon nasabi. Nagulat din ako when I uttered those words pero hindi ko na maibalik kasi nasabi ko na eh.
"Huh? Bakit mo naman naisip 'yun?" tanong niya sa akin.
"Hindi ka kasi sumagot sa sinabi ko, binabaan mo na lang ako ng phone." pag-eexplain ko naman.
"Lagi mo tandaan when you need my help, darating ako palagi." sagot niya naman sa akin, "Nagulat lang ako sa sinabi mo kaya napatakbo ako kaagad." dagdag pa niya.
Napangiti naman ako when I heard na napatakbo siya agad when I asked for help. He prioritizes me. Inaamin ko, kinilig ako sa sinabi niya. Pero naalala ko nga pala, kaya siya ganito sa akin is because he treats me his younger sister.
"I failed to protect my own sister, hindi ko na siguro matatanggap when I fail to protect you as well." sambit niya naman.
Kumalma na naman ako when we started to have our conversation. Pero naiisip ko palang na aalis siya mamaya ay nasstress ako. Feeling ko hindi ako makakatulog.
"'Wag ka mag-alala, hindi ako uuwi tonight. Dito ako sa sala magsleep." he said. Inaassure niyang magiging okay ang tulog ko tonight. Since medyo kinilig ako, napangiti ako sa ginawa niya. But no, hindi dapat ako kinikilig.
"Kamusta pala?" I tried asking, para maiba naman ang conversation namin.
"Well, eventually, I donated my kidney to my dad. Naisip ko lang din kasi na kahit paano tatay ko siya. But after that, I cut all ties with them. And fortunate enough, hindi na naman nila ako ginugulo." pagkekwento niya naman sa akin.
So, kahit pala galit siya sa parents niya, he still chose to help them.
"Ayoko na rin kasi na may dalhin ako'ng guilt kapag namatay ang tatay ko. At least I helped him, hindi pa rin ako naging masamang anak." dagdag niya pa sabay tawa.
"You did the right thing." pagpuri ko naman sa kanya.
Napangiti naman siya sa akin, "Thank you for your nice words." sambit niya naman.
Tinignan ko lang siya dahil bakas sa mukha niya ang sakit ng nararamdaman niya about what happened to their family.
"Minsan naiisip ko, kung may ginawa siguro ako dati, kung mas naging matapang siguro ako, sana buhay pa ang kapatid ko." paglalabas niya ulit sa saloobin niya, "Minsan nagsisisi ako. Sana hindi nalang ako ipinanganak sa pamilya namin. Sana hindi na lang siya ang tatay ko."
"Hindi mo naman kasalanan ang kasalanan ng tatay mo." pagpapagaan ko sa loob niya.
"Pero tatay ko pa rin siya. At iba ang magiging tingin sa akin ng mga tao sa paligid ko." sagot niya sa akin.
"Hindi naman nag-iba ang tingin ko sa'yo. Hindi naman kita naidentify kagaya sa tatay mo." sambit ko naman kaya napatingin siya kaagad sa akin.
"But still, nasaktan kita. Nagawan kita ng mali, nagawa ko ang hindi dapat." sagot niya ulit sa akin, pagkontra sa sinasabi ko.
"Pagkakamali iyon, isang beses nangyari. Sabi mo pinagsisihan mo na, hindi ba? Hindi naman naulit ng naulit. Hindi mo naman ako pinilit." sagot ko naman sa kanya. Oo, nasaktan ako sa ginawa niya talaga noon, pero sa pag-uusap namin ngayon nakita ko kung gaano siya naapektuhan sa ginawa niyang pagkakamali na iyon. Kaya kahit nasaktan ako, hindi ko maiwasan na lumambot ang puso ko sa kanya kasi nakikita kong sincere ang pagsisisi niya. Isa pa, hindi niya naman ako pinilit eh, I actually did the first move, bumigay lang siya. Hindi 'yun comparable sa SA.
"Sobrang pinagsisihan ko." sambit niya naman.
"Kung ano 'man ang ginawa ng tatay mo, hindi mo iyon kasalanan. You are one of a kind, hindi mo siya kagaya. Kahit sino pa ang tatay mo, ang pagkakamali nila, ang kasalanan nila ay hindi dapat magdefine sa kung sino ka ngayon." pag-eencourage ko naman sa kanya.
Tinitigan ko siya sa mga mata niya at nakita ko naman na nanggigilid na ang mga luha niya.
***
Drake's
Napatitig ako kay Sienna habang nagsasalita siyang mga encouraging words sa akin. I felt my heart na sobrang naging wild. Ito ang unang beses na narinig ko ito, na inencoruage ako ng ganito, na hindi ako jinudge dahil lang sa tatay ko.
Tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Nagulat naman ako when she wiped it with her hands, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kalma puso, kailangan mo kumalma.
"Para sa akin, ikaw si kuya Drake. Isang maasahan na kuya, isang mabait na tao, at considerate na prof." pagpuri niya naman sa akin.
"Masyado mo naman akong pinupuri." natutuwang sambit ko.
"I'm just telling the truth." sagot niya naman sa akin sabay ngiti.
Napatingin lang ako sa kanya and smiled, hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin ko.
If only Hailey thinks the way she thinks.
When I was in Grade 11, I tried to live a normal life. Hindi ko gusto na malaman ng mga tao ang tungkol sa totoong dahilan ng pagkawala ng kapatid ko. I fell in love with Hailey. I loved her with all my heart, first girlfriend ko siya.
Akala ko noong una, okay at matatanggap niya ako once she learned about the truth. Kaya naman I had zero worries about her knowing it.
But I was wrong. We lasted for about 2 years, nakipagbreak siya when we were about to get into college kasi nalaman niya ang rason why I chose to leave my family.
"Pwede ba'ng pag-usapan muna natin?" tanong ko sa kanya, "Can you please give me a chance?"
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Kung hindi pa sinabi sa akin ni mama ang tungkol sa family niyo, hindi ko malalaman. You want me to be in your miserable life. Akala ko naman you just wanted to be independent pero may ibang reason pala why you chose to leave your family." sagot niya naman sa akin.
Even though my parents tried to cover the truth, lumabas pa rin kasi eh. Kaya nalaman ng ibang tao. May kaya ang family namin kaya nagawa pa rin itwist ang story at masabing sinisiraan lang ang daddy ko. But because she learned about it before pa maclear ang name ng daddy ko ay nasabi ko na rin ang totoo sa kanya when she broke up with me, while I'm trying to save our relationship by being honest.
"Please, give me a change, Hailey." I said pleading her to listen to me.
"Okay, just tell me, ano ang totoo?"
"Oo, totoo lahat ng nalaman mo. But I'm not like my dad, I swear. I'll treat you right, Hailey. I love you." sagot ko sa kanya while holding her hands pero pumiglas siya.
"You are dragging me into your messy life. Hindi iyon ang pangarap ko'ng buhay. So, please bitawan mo na ako. Ayoko na." she said before she completely left me.
Kaya after Hailey, I never tried to look for love. Kasi naisip ko na hindi naman ako matatanggap dahil sa magulong buhay ko. But I was wrong, kasi nasa harap ko ngayon ang babaeng tinatanggap ako.
"'Wag ka na umiyak, mamamaga ang mata mo bukas. Baka mamaya asarin ka pa ng mga estudyante mo." nakangiting sabi niya naman sa akin.
Pinunasan ko naman ang mga mata ko atsaka ngumiti pabalik sa kanya.
"Thank you, Sienna for easing the burden and guilt." pagpapasalamat ko naman sa kanya.
"Thank you rin kuya for helping me out tonight. Quits lang tayo." she said atsaka tumayo sa pagkakaupo niya, "Goodnight, matutulog na ako." pagpapaalam naman niya.
"Goodnight." pagpapaalam ko naman pabalik sa kanya.
***
Nagising ako dahil sa naririnig kong mga kalabog sa may kitchen, kaya naman napasilip ako. Napangiti naman ako when I saw her na nagluluto, maybe for breakfast.
"Goodmorning." I greeted her, napatingin naman siya sa akin.
She smiled, "Goodmorning, kuya. Sana okay sa'yo ang breakfast na prinepare ko."
Tumayo naman ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa at lumapit sa kanya.
"Pancakes and eggs lang." sabi niya naman sa akin.
"Mukhang masarap ang luto mo ah." sagot ko naman sa kanya.
"Nambola ka pa. Umupo ka na po at bibigyan kita ng plato at utensils. Baka malate pa po tayo sa mga pasok natin." sabi niya naman kaya kaagad ako na sumunod sa sinabi niya at umupo na rin.
Pinahainan na rin naman niya ako ng pagkain na inihanda niya. And in fairness, masarap ah.
"Masarap." pagpuri ko naman sa gawa niya.
"Sus, nambola ka pa po. Sige na, bilisan niyo na po kumain at uuwi ka pa po sa apartment mo." sabi niya naman sa akin. Napangiti na lang ako sa mga naging reaksyon niya.
Teka, bakit ganito ako magreact sa mga simpleng reaksyon niya? Parang mali ito ah, hindi tama itong nararamdaman ko ah.