Sienna's
Buti at walang traffic ngayon kaya mabilis kaming nakarating sa bulacan. Pagpark na pagpark niya ay kaagad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo papasok ng bahay.
"Mommy." pagtawag ko sa mommy ko when I saw her inside. Busyng busy siya for her birthday ah.
"Nandito na pala ang prinsesa ko." sabi niya naman sa akin sabay yakap. Napatingin naman siya sa likod ko at nakitang kasunod ko si kuya Drake. "Oh, Drake, kamusta? Ang tagal kitang hindi nakita. Napakagwapo mo naman." pagpuri naman ni mommy sa kanya.
"Naku tita, nambola ka pa." natutuwang sagot naman niya kay mommy.
"Hindi ah. You really do look good." sabi niya naman kay kuya Drake, "Oh, Sienna ikaw muna bahala sa kuya Drake mo at ichecheck ko pa sa may garden area ang tables and chairs."
Hihindi sana ako pero mabilis na umalis sa harap ko si mommy. Nasaan na ba kasi si kuya?
"You don't have to worry about me, I can manage." sabi naman niya sa akin sabay ngiti.
"Sabi mo 'yan ah. Aakyat na ako sa kwarto ko." sagot ko naman sa kanya na tinanguan niya.
Umakyat naman ako sa 2nd floor at dumiretso sa kwarto ni kuya Shaun. Nakita ko naman siya na nag-aayos na.
"Kuya, nandiyan na sa baba si kuya Drake. Pwede bilisan mo naman mag-ayos?"
"Oo na, labas na." pagtaboy naman niya sa akin.
Umirap ako sakanya bago tuluyang lumabas sa kwarto niya. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag-ayos na rin since magsastart na rin in a few minutes ang party ni mommy.
Nagsuot lang ako ng isang simple cocktail dress and heels. Nagmake-up ng kaunti then I'm all set.
Bumaba na ako from 2nd floor at unang bumungad sa akin sa sala si kuya Drake. Well, totoo naman ang sinasabi ni mommy, gwapo talaga siya. Mas gumwapo nga talaga siya eh compared noong una ko siyang nakita. Napatingin naman siya sa akin kaya naman napaiwas agad ako ng tingin. Doon ko lang napansin ang mga pamilyar na mukha.
"Sienna?" pagtawag sa akin ng isa. "Naaalala mo pa kami? Si Kuya Ashton." pagpapakilala rin niya.
"Ahh oo. Naaalala ko pa po kayo. Kuya Ashton, Kuya Clyde, and Kuya Anton." banggit ko sa pangalan nila sabay turo isa-isa sakanila.
"Nice, akala namin hindi mo na kami naalala. By the way, dalagang dalaga ka na ah. College ka na ba?" tanong naman ni kuya Clyde sa akin.
"Opo, first year." sagot ko naman sa kanya.
"Ah, ang bilis ng panahon talaga." nagstop naman siya atsaka tumingin sa dalawang hindi ko pa nakikitang guys, "Oo nga pala. Hindi mo pa ata namimeet si Greg and Neil." pagpapakilala naman niya sa dalawang kasama nila.
"Hi Sienna." pagbati naman nila sa akin.
"By the way, saan ka na nag-aaral?" tanong naman ni kuya Anton sa akin.
"Sa New North University po. Sa Manila rin po." sagot ko naman sakanya.
"Oh. If I'm not mistaken nandun din si kuya Drake mo nagtuturo. Diba, Drake?" sabi naman niya sabay tingin kay Drake.
"Well, apparently, estudyante ko ulit siya." pagkwento naman niya sakanila.
"Wow, what a coincidence." sambit naman ni kuya Ashton na parang naamaze na estudyante na naman ako ni kuya Drake.
"Sure pass ka na niyan." pagjojoke naman ni kuya Clyde sa akin.
Ngumiti lang ako sakanila. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. Buti nga at saktong bumaba na si kuya Shaun.
"Ang tagal mo." bulong ko sa kanya nang makalapit siya sa amin, "Dinaig mo pa ako." dagdag ko pa sabay siko sa kanya.
Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na mauuna na ako sa garden area. Sasalubungin ko pa kasi sila Aila at Bea. Yes, ininvite ko rin sila, at lagi naman 'yun.
"Ailaaa, Bea." pagtawag ko naman sakanila. Lumapit naman sila sa akin.
"Uyyy ngayon na lang ulit tayo nagkita kita." sabi naman ni Bea, "Namiss ko kayo."
"Namiss ko rin kayoooo." sabi naman ni Aila.
Dinala ko naman sila sa table kung saan kami uupo. And it turned out na roon din pinaupo sila kuya. Sakto pala sa amin ang isang round table, how sad.
"Bakit dito kayo?" tanong ko sa kanya.
"Dito sabi ni mommy eh." sagot naman niya sa akin.
Naunang umupo sa akin si Bea at Aila, si Aila tumabi sa kuya ko. Crush na crush ni accla talaga kuya kong panget. Si Bea naman ay tumabi kay Aila kaya naman wala na akong choice kung hindi umupo sa tabi ni kuya Drake.
"Hi." pagbati niya na naman sa akin.
"Hello." casual na sagot ko naman.
Since ayaw ko naman makipag-usap sa kanya, I decided to talk to Bea na lang.
Nagstart na rin naman ang program and after that opening program, sa wakas dinner time na.
Nakabuffet ang peg tonight kaya naman marami akong makakain ngayong gabi for sure.
Kumuha ako ng mga favorite kong pagkain kahit ang buttered shrimp ay kinuha ko rin. Although alam kong allergic ako rito, pero masarap kasi tsaka namamantal lang naman talaga ako kapag kinakain yun, wala namang severe allergic reactions.
Nakabalik na rin sa table si kuya Drake and the other guys when we came back.
Inilapag ko na ang plato ko sa table and sat down para kumain.
"Allergic ka sa shrimp diba?" tanong niya sa akin. He still remembers it.
"Okay lang, may dala akong antihistamine." sagot ko naman sa kanya.
Hindi na rin naman siya sumagot, marahil ayaw na mangealam. Buti na yun, 'wag na siya mangengealam.
Sobrang sarap ng buttered shrimp kaya naman kumuha pa ako ulit.
"Huy, sira ka ba? Ang dami mong hipon na kinakain." pagpuna naman ni kuya Shaun sa akin.
"Kaya ko sarili ko, okay?" sagot ko naman sa kanya.
Inirapan na lang niya ako at hindi na ulit sinita pa. Uminom na rin naman ako ng gamot, so this won't be a problem na.
Everything's okay naman noong unang kumakain ako ng hipon kaya lang nararamdaman ko ang sarili kong nangangapal. Uminom na naman ako ng gamot ah? Naramdaman ko rin na nahihirapan ako huminga at parang may nakabara sa lalamunan ko.
Magsastart palang ang 2nd part ng program tapos ngayon pa talaga ako nagkaganto. Uminom naman ako ng gamot, pero bakit parang may allergic reaction pa rin sa part ko?
I excused myself muna sakanila kasi hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasobrahan ba ako sa hipon? Ang dami ko kasing nakain ata. Ang sarap kasi.
Pumunta muna ako sa loob ng bahay and tried to catch my breath. Ayoko naman magpapansin dun at maagaw ko pa ang eksena nila mommy.
Pero the more na tumatagal mas nahihirapan akong huminga. Nawawalan ako ng lakas, gusto ko sana bumalik kela kuya para humingi ng tulong pero nanghihina ako, umiikot ang paningin ko, hindi ako makahinga.
"Okay ka lang?" napatingin ako sa nagtanong sa akin. Si kuya Drake pala, sinundan niya ako.
Hindi ako makasalita, nahihirapan ako.
"Dalhin kita sa ospital." sabi niya naman atsaka ako binuhat ng bridal style.
Isinakay niya ako sa kotse niya at mabilis siyang nagdrive papunta sa pinakamalapit na ospital saamin. Ipinasok naman ako sa emergency room. Sinabi ni kuya Drake ang mga nangyari, pero hindi ko na rin masyado narinig, basta ang alam ko nahihirapan ako huminga.
May tinurok naman sila sa aking gamot at after nilang iturok 'yun ay naging okay ako. Nawala ang pangangapal sa pakiramdam ko. Pinagpahinga muna nila ako sa ER habang tinatapos ang IV drip na sinaksak nila saakin. Inaamin ko naman na nanghina talaga ako sa nangyari sa akin kaya nakaidlip ako. Nang magising ako ay nakita ko si kuya Drake na nakaupo sa gilid ko.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.
"Okay na naman po ako." sagot ko naman sa kanya sabay ngiti, "Hindi na rin naman po ako nahihirapan na huminga, gumaan na po ang nararamdaman ko." dagdag ko pa sakanya.
"Buti naman at okay ka na." sagot niya naman sa akin.
"Pwede ba'ng 'wag mo na sabihin kela kuya? Ayoko kasi na mag-alala sila, birthday pa ni mommy ngayon." pakiusap ko naman sa kanya.
Tumango naman siya sa akin bilang senyales ng pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Salamat." sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.
Kahit malaki ang sama ng loob ko kay kuya Drake, malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya dahil kung hindi siya dumating kung nasaan ako, malamang patay na ako ngayon.
Nang maramdaman ko naman na okay na ako ay inaya ko na siya na umuwi dahil baka hinahanap na rin kami nila mommy. Dalawang oras na pala kaming wala sa bahay, hindi ko naman sila macontact dahil naiwan ko ang phone ko sa table namin nila kuya.
Pagsakay ko sa kotse ay hindi ako mapakali, anong sasabihin ko kela mommy kapag tinanong kung saan ako nanggaling? Hindi ko alam anong sasabihin ko. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.
Kinakabahan akong pumasok sa bahay pagdating namin, pero rinig na rinig ko ang ingay sa garden area namin. Mukhang hindi pa tapos ang party party nila.
"Nasaan ka galing?" tanong naman ni kuya sa akin pagdating ko sa table namin, "Hinahanap ka nila mommy, hindi mo pa dinala ang cellphone mo. Saan ka ba nagpunta?" sunod na tanong niya sa akin.
"Nagpasama ako sa kanya, may kailangan kasi ako bilhin eh hindi naman ako maalam sa lugar dito. Medyo traffic kaya natagalan kami." napatingin naman ako bigla kay kuya Drake ng siya ang sumagot para sa akin.
Tumingin pa ulit sa akin si kuya at mukhang nakumbinsi naman siya sa sinabi ni kuya Drake.
"Magpakita ka kay mommy at kanina ka pa hinahanap, buti na lang at busy sa mga guest kung hindi, hindi na naman mapapakali 'yun." sabi naman ni kuya sa akin.
Tumayo naman ako at nagpakita sa kanya. Napatingin naman din si daddy ng lumapit kami sa kanila.
"Mommy, sorry sinamahan ko si kuya Drake, may importante kasing binili." sambit ko naman paglapit ko sa kanila.
"Ganun ba? Sana nagsabi ka kahit sa kuya mo, kanina pa kami hanap ng hanap sa'yo." sabi naman ni daddy sa akin. Mukhang nag-alala siya na hindi nila ako macontact.
"Sorry na daddy." sabi ko naman sa kanya sabay cling sa braso niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko at pinisil ang pisngi ko.
"Ikaw talaga, alam mo talaga kung paano lalambot ang puso ng daddy mo." puna naman ni mommy sa amin, "Oh siya, enjoy with your friends."
Ngumiti naman ako atsaka tumango sa kanila. Pagbalik ko naman sa table namin ay napatingin naman ako kung nasaan si kuya Drake. Nakaupo siya at tahimik na umiinom ng wine sa may table namin.
Si Bea at Aila naman ay nag-uusap. Umupo na rin naman ako sa pwesto ko at hindi ko nanaman maiwasan na mapatingin kay kuya Drake. Dahil sa ginawa niya ngayon, mukhang lumambot na naman ang puso ko sa kanya. Parang 'yung barrier na binuo ko noong mga nakaraang taon ay nasira.
"Kanina pa nag-aalala kuya mo sa'yo, tagal mo nawala." sabi naman ni Aila sa akin.
"Ikaw ah, sinolo mo si Sir Drake." pagjojoke naman ni Bea sa akin.
Naku, kung alam niyo lang ano ang nangayari. Natawa na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Mga baliw, may binili lang talaga kami." sambit ko naman, pero binigyan lang nila ako ng meaningful look. Mga loko talaga sila.
Napatingin naman ako when kuya Drake suddenly stood up from his seat and walked away. Hindi ko alam saan pupunta, pero baka magCR siya? Erase, masyado akong nagpapadala na naman sa nararamdaman ko dahil lang sa ginawa niya sa akin ngayon. Okay, may utang na loob ako pero that's it, hindi na dapat dumating sa point na gugustuhin ko na naman siya talaga.
Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa mga kasama ko rito sa table. Kailangan ko tanggalin sa isip ko si Sir Drake. Nagulat naman ako dahil sa dalawang oras na nawala ako mukhang close na sila Aila at Bea sa mga kaibigan ni kuya kasi nakikipagtawanan na sila. Napakaoutgoing talaga ng dalawang ito, hindi ko rin alam bakit naging kaibigan nila ako, samantalang napakasnob ko nga sa mga hindi ko kakilala unless kausapin ako.
Nagpaalam naman ako sakanila na papasok muna ako sa may bahay since naiingayan na rin ako sa may garden area namin. Hindi naman kasi ako fan ng mga maiingay na lugar, noong nagbar kami, hindi ko rin naman alam kung anong pumasok sa isip ko at nagustuhan ko that time, pero sobrang bihira mangyari 'yun.
At sa totoo lang inaantok na rin ako, kaya hindi ko na rin kaya magstay pa sa labas at makihalubilo. Nauubos na ang social battery ko.
Pagpasok ko sa may sala namin ay nagulat ako ng makita ko si kuya Drake na nakaupo at nakapikit. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kaya medyo napahinto at napatitig ako. Pero nadecide ko na aalis na lang sana ako, kaya lang saktong paalis na ako ng magsalita siya.
"You can join me, if you want." sambit niya naman.
Gusto ko sana tumanggi, pero magmumukha kasi akong bitter. Kaya naman kahit ayaw ko na sana ay umupo na lang din ako sa may sofa pero hindi sa tabi niya. Sa single couch lang.
"'Wag ka na kumain ng hipon ulit." pagsisimula niya naman ng conversation.
Why is he being so nice to me? Ano ba ang gusto niya mangyari?
"Okay." cold na sagot ko naman sa kanya.
Hindi ko kasi magets kung ano ba ang plan niya, what is his motive para maging super bait sa akin?
"I know, Sienna, masama ang loob mo sa akin because of what happened between us. But I am sincerely asking for forgiveness." halos manlamig ako when he talked about what happened that night, "Sana maging okay tayo. Ang hirap kung galit ka sa akin, you are like a younger sister to me."
Younger sister, so he really does treat me as a younger sister? Okay, maybe I should just accept the fact that I am only a sister to him. Specifically, younger sister.
"Okay. Wala na naman sa akin eh." sagot ko sa kanya, "I just don't want to be close to you anymore."
"Alam ko naman na galit ka sa akin. Inaamin ko rin naman na fault ko ang lahat, but I promise pinagsisihan ko lahat ng iyon. And I really miss you."
"Okay na tayo, kuya Drake. 'Wag ka mag-alala." sabi ko naman sa kanya. Although, alam ko naman sa sarili ko na nagsisinungaling ako. Hindi ako okay, kilala ko ang sarili ko. Pero kailangan ko na maging okay.
Nakita ko naman ang pagngiti niya sa sinabi ko.
"Happy to hear that, Sienna." sagot niya naman sa akin.
Hindi ko alam what will happen between us, or how this will end but I hope hindi na ako masaktan pa. Hindi 'man kasi naging kami, but the pain is real. Sobrang sakit eh.