Sienna's
It's my first year in college. New university, new life. Oo, lumipat ako ng university since wala sa dati kong university ang course na gusto ko. I want to be a pharmacist din like my kuya since we have drugstores, para makatulong na lang din ako sa family business.
Ayoko kasi sa dating university naman nila mama or kuya, baka magkaroon pa ako ng ibang treatment since kilala sila roon. So, ayun.
Aila and Bea have a different courses with me. Kaya naman hindi na kami magkakaklase but we're in the same university pa rin. Malapit pa rin naman ang bagong university sa condo, so hindi na ako nagdorm pa. Ang maganda pa nga ay hindi na nagstay dito si kuya Shaun. Umuwi na siya sa Bulacan for good. Salamat naman.
"Hi, ako nga pala si Paul." nakangiting pagpapakilala naman ng seatmate ko sa akin. First day of school nga kasi namin.
"Hi. Sienna nga pala." nakangiting sagot ko naman sa kanya.
"Ako naman si Kyla." pagpapakilala naman ng nasa harapan ko sa amin, "Eto naman si Yuna." pagpapakilala niya rin sa katabi niya, mukhang magkakilala na sila.
Ngumiti naman sa amin si Yuna and naghi rin.
"Nakita niyo anong una nating subject?" tanong naman ni Kyla sa amin.
"Hindi eh. Hindi ko chineck." sagot ko naman sakanya.
"Botany daw." sabi naman ni Paul.
"Umagang umaga tungkol sa halaman agad." reklamo naman ni Yuna sabay sandal sa upuan niya.
"Hi, may nakaupo po rito?" napatingin naman kaming apat sa kumausap kay Paul. May bakanteng upuan pa kasi sa gilid niya.
"Wala po, you can take it." sagot naman ni Paul sa kanya.
"Thank you." sabi niya naman sabay upo sa vacant seat na iyon, "I'm Calvin." pagpapakilala naman niya sa amin.
"Hello." pagbati ko naman sa kanya.
"Hello rin." sabi naman ni Yuna and Kyla.
I think this will be my group of friends in my college years.
Napatingin naman ako sa relo ko and saw that it was already 8:00 am. Magsastart na ang klase namin.
Nagready na ako to welcome our first subject but my heart sank when I saw who our professor was.
It was him. My first and great love, kuya Drake.
He looked around the class at ng makita niya ako ay tinitigan niya lang ako before he moved on. Maybe he's also surprised that I am one of his students again. Na after all those years without communication, we finally get to see each other once again.
"Good Morning, I'm Mr. Tristan Drake Lopez, please call me Mr. Lopez or Sir Lopez." he said, introducing himself.
Nanginginig ang mga kamay ko, parang after ko irebuild ang sarili ko, magkikita kami ulit at pakiramdam ko nagback to zero na naman ako.
Bakit parang pinaglalaruan kami ng tadhana? Bakit ang hirap pakisamahan ng panahon? Okay na ako eh, biglang ganito pa?
"Please collect the registration form for me." he paused and looked at one of my classmates na nasa harap niya "Pick a number and gender."
"Number 14 female." sagot naman ng kaklase ko.
Kinuha naman niya ang masterlist and looked for the number the student gave him. How I wish hindi ako iyon.
"Ms. Sienna Claire Jacinto." hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. But, hindi naman alam ng mga tao sa loob ng room na ito na nagkaroon ng beef between us. So, hindi ako pwede magreact ng violent.
I stood up from my sit quietly and roam around the classroom to collect their registration forms and hand it over to him.
Pagkatapos ko makolekta lahat ay ibinigay ko na sa kanya ang reg forms at bumalik na sa upuan ko. Ramdam ko pa ang pagtitig niya sa akin kaya mas nastress pa ako.
Okay, kalma, wala lang iyan. 'Wag magpaapekto, Sienna. Prof mo lang 'yan, 'wag mo na isipin ang kaganapan noong nakaraang mga taon.
Hindi pa rin ako mapakali kahit na natapos na ang period namin sa kanya. Hindi ko maunawaan kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko, sobrang lakas lang ng kabog ng dibdib ko.
"Okay ka lang? Parang namumutla ka na?" puna naman ni Paul sa akin. Tumingin naman ako sa kanya atsaka ngumiti.
"Hindi, okay lang ako." sagot ko naman sa kanya.
"Sigurado ka? Para ka kasing balisa." this time si Kyla naman ang pumuna sa itsura ko.
Ganun siguro kahalata na hindi talaga ako okay, pero no, hindi ko sasabihin sa kanila ang dahilan. Ayoko rin naman na magkaroon pa ng issue tungkol sa amin.
****
Napagdesisyunan ko na lumabas ngayon at kumain sa isang bagong bukas na coffee shop near my university. Ayoko na rin kasi magluto sa condo since nakakatamad.
Pagdating ko sa shop ay umorder na agad ako ng best-seller iced coffee nila. Umorder din ako ng cheesecake and sausage roll para maging dinner ko na rin.
Habang nanonood ako ng k-drama at kumakain ng binili kong food ay napatingin ako sa pintuan ng may pumasok dito. Gusto ko magpalamon sa lupa ng makita ko kung sino ang kakapasok lang sa loob. It was him, kuya Drake.
For almost 2 yrs, never ko siyang nakita sa vicinity ng old university ko and ng condo, pero ngayon bakit biglang nagsasalubong ang mga landas namin? Bakit ngayon pa?
Napatingin siya sa gawi ko at agad ako umiwas ng tingin na para ba'ng hindi ko siya nakikita. Magkunwari kang hindi mo siya nakikita at hindi mo siya kilala, Sienna. Please lang, magwork ka naman this time.
"Mind if I join you?" napatingin ako sa kanya at napasigaw na lang sa isip ko.
Ang kapal naman ng mukha niya na tanungin pa ako kung pwede niya ako samahan, malamang I mind!
"Go lang." sagot ko naman, trying to cover up what I really do feel deep inside.
Umupo naman siya sa upuan na katapat ko at inilapag ang sausage roll and iced caramel macchiato na order niya.
"Long time no see. Kamusta na?" he asked casually. Gusto ko siyang sigawan pero hindi ko naman iyon magagawa. Pero bakit naman siya magtatanong ng ganito, acting like nothing happened.
"Okay lang." tipid na sagot ko atsaka sumipsip sa iced coffee ko.
I saw him nod his head and smiled. Okay, bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Bakit parang apektado pa rin ako sa mga ngiti niya? Bakit?
"Ang tagal din pala nating hindi nagkita. I thought I would never see you again." sambit niya and that made my heart flutter again. Ito ang mga pakiramdam na naramdaman ko sa kanya before. And until ngayon, ganito pa rin ang ipinaparamdam niya sa akin.
"Yes." tipid na sagot ko ulit sa kanya. Ah, hindi ko na kinakaya.
"I'm very happy to see you, Sienna. And that's sincere." he said as he looked me in the eyes.
Nasamid naman ako because of his stares, and that made me cough. Like, bakit niya kailangan tumingin ng intense sa akin? Ano ba ang gusto niya na mangyari?
"Same here. But I need to go, okay? Aalis na po ako." pagpapaalam ko sabay ngiti sa kanya.
Wala na naman siyang nasabi dahil kaagad na akong nagligpit ng mga gamit ko at umalis na sa luagr na iyon. Bakit kailangan ko siyang mameet sa lugar na iyon? Sa dami ng kakilala ko, siya pa talaga ang nakita ko.
***
Drake's
Napatingin ako sa kanya as she ran out of the coffee shop. Napangiti na lang ako ng mapait as I remember what I have done to her. Magulo ang isip ko nang mga oras na iyon.
The first time I saw her, wala akong naramdaman na kakaiba para sa kanya. Kaedad niya ang younger sister ko, kaya naman I kind of remember her through Sienna. I treat her like a younger sibling talaga, nothing romantic at all. My younger sister died because of suicide, hindi kinaya ang ginawa ng daddy ko sa kanya. Some may find this disturbing since the reason why she died is because of our dad, he se*ua*ly abused her.
Close kami ng kapatid ko and I am longing for her since the day she died. Dahil sa pagkamatay niya, hindi ko matanggap na I failed to protect her, na I didn't even saw how hard she tried to hold on. Kaya naman nang makilala ko si Sienna, gusto ko na maipagtanggol din siya sa iba. But still, I failed as a kuya. I was vulnerable that time kaya hindi ko napigilan ang sarili ko, at nangyari ang hindi dapat mangyari sa amin.
Gusto ko siya bilang kapatid, pero bilang higit pa roon, alam ko sa sarili ko na si Hailey pa rin ang nag-iisa rito sa puso ko hanggang ngayon. Kaya malaki pa rin ang pagsisisi ko sa ginawa ko kay Sienna. Akala ko nga malalaman ni Shaun, pero wala naman siyang nabanggit sa akin at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin naman kami.
Hindi ko actually inexpect na makikita ko siya ulit kung saan ako nagtuturo. Pero dinala kami rito ng tadhana, siguro para magkaayos kami? Para magkaroon ng closure.
Gusto niya ako, sinabi niya bago kami tuluyang maghiwalay ng landas noong nakaraan. Pero sana marealize niya na mas maraming lalaki ang deserving para sa pagmamahal niya at hindi ako kabilang doon.
Pero nagpapasalamat ako sa kanya kasi nagustuhan niya ako, kahit na ang gulo ng buhay ko.
***
Naglalakad ako sa hallway papunta sa faculty ng makita ko si Sienna na naglalakad papunta sa kabilang banda naman, kaya magkakasalubong kami. Nakita ko naman na napatingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat na makasalubong ako pero ngumiti pa rin siya sa akin atsaka nagdire-diretso sa paglalakad.
I hope she's okay now. I hope it doesn't hurt anymore.
Nagvibrate ang phone ko habang naglalakad ako papunta sa faculty. Binuksan ko naman iyon para makita kung sino ang nagmessage. Nakita ko naman na galing iyon sa gc namin.
"See you this Saturday sa Bulacan?" tanong ni Shaun sa gc namin.
"Gg!" sagot naman ni Greg.
"Same, darating me." sagot din ni Neil sa gc.
"Bakit seen ka lang, Drake?" tanong naman ni Shaun dahil hindi pa nga ako nagrereply.
Pinindot ko naman ang like button sa gc namin para sabihin na sasama rin ako.
"Ang tipid ng sagot, pero I'll take it as a yes." sagot naman niya sa akin. Pinatay ko na ang phone ko at itinago ito sa bulsa ko.
Wala namang masama na pumunta ako, diba? Kasi if hindi ako pupunta baka mag-isip pa si Shaun ng kung ano dahil noong mga nakaraang birthday ng mommy nila ay tumanggi na rin ako. Ngayon na lang ako actually pumayag ulit.
Saktong pag-upo ko naman sa pwesto ko ay nagring ang phone ko. Tumatawag naman ngayon itong si Shaun.
"Pre, since pupunta ka naman sa sabado baka pwede mo naman isabay si Sienna." panimula niya sa akin, "Nakakatamad kasi lumuwas pa. Malapit lang naman siya sa kung saan ka, tsaka may sasakyan ka naman." dagdag pa niya.
Wala namang problema sa akin, pero sa kanya ba? Wala rin bang problema?
"Itanong mo siya kung okay sa kanya." sagot ko naman sa kanya.
"Sige, ako na bahala kumausap sa kanya. Chat chat na lang. Salamat pre." sabi niya naman sabay baba sa tawag.
***
Sienna's
Nakakainis naman kasi itong si kuya. Napakatamad kasi at pinasabay pa ako kay kuya Drake. Wala tuloy akong magawa kasi alangan naman sabihin ko na ayaw ko, makakatunog 'yun na hindi kami okay na dalawa. Ayoko naman maungkat ang nangyari noong nakaraan. Kaya ito, kahit ayaw ko, nandito ako ngayon sa sala ng condo at nag-iintay na dumating siya.
Nagring naman ang doorbell kaya kaagad ko iyon binuksan. Alam ko naman na siya na 'yun, wala naman akong ibang inaabangan na bisita.
"Ready ka na?" tanong niya naman sa akin sabay ngiti.
"Yes." casual na sagot ko sakanya.
"Let's go." pagyaya niya sa akin.
Binuhat ko naman ang bag ko pero kinuha niya naman iyon sa akin.
Bakit ba siya ganito umasta? Badtrip, pinapaasa na naman niya ako.
Tahimik akong sumakay sa sasakyan niya at wala rin naman akong planong magsalita rin. Ano naman sasabihin ko? Makikipag-usap pa ba ako sa taong sinaktan ako? Malamang hindi na.
Nakatingin lang ako sa malayo labas nang bigla siyang magsalita.
"Kamusta naman ang pagiging college student?" tanong niya sa akin.
"Okay naman. Nasasanay na rin." sagot ko naman sa kanya. Pero hindi ako tumingin.
Kung hindi lang talaga birthday ni mommy hindi talaga ako pupunta eh. Kaya lang magtatampo kasi 'yun kung hindi ako uuwi sa bulacan.
"Lumipat ka pala ng university noh? Dahil walang pharma sa dati?" tanong niya naman sa akin.
"Oo, 'yun ang dahilan." sagot ko naman.
"Nakakatuwa noh, parang kailan lang senior high ka palang tapos ngayon college ka na. Time flies so fast." puna niya naman sa akin.
Tumingin lang ako sa kanya pero hindi na ako nagbother sumagot. Marami kasing tanong ang nasa utak ko na baka masabi ko lang kung itutuloy kong makipag-usap sa kanya.
Bakit kasi kung kailan okay ka na, kung kailan kaya mo na atsaka pa kayo paglalaruan ng tadhana? Gusto ko sana siya tanungin ng bakit mo ginawa iyon sa akin? Bakit pinaasa mo ako na maaaring magkaroon ng saatin kung hindi mo rin naman pala paninindigan?
Gusto ko magalit sa kanya dahil parang ang lahat ay wala lang para sa kanya. Chill lang siya na walang pagsisisi on his part, pero naiisip ko, matagal na nangyari eh. At kapag brining up ko iyon magmumukhang ako lang ang hindi nakamove on.
Kaya naman pinili ko na lang manahimik. Siguro it's not something worth asking for.